Higgs Ocean War Review

Ilang taon na ang nakalipas, ang Higgs Ocean War ay isa sa mga pinakasikat at nakakahumaling na fish table games sa mundo. Upang manalo sa larong ito, dapat gamitin ng mga manlalaro ang bilis ng mga kamay sa paggamit ng turret at katalinuhan sa pagbuo ng naaangkop na mga taktika. Sa paglalaro, dapat na magkaroon ng target na tatamaan ng turret upang magkaroon ng malaking tyansang makakuha ng malalaking halaga ng coins. Ang bawat mapapaslang na isda, o anumang uri ng lamang dagat na mga hayop ay magbibigay ng iba’t ibang bonuses at ma coins.

Sa karagdagan, maaaring laruin ang Higgs Ocean War sa anumang device, mula sa mga kompyuter hanggang sa mga mobile device kagaya ng cellular phone at tablet. Ang pangunahing layunin ng mga manlalaro sa larong ito ay ihanda ang kanilang mga sarili sa pakikipagtunggali sa iba pang mga manlalaro na makarami ng mapapaslang na mga marine animal at makokolektang game bonuses upang makatanggap ng malalaking halaga ng rewards.

Paano laruin ang Higgs Ocean War?

Upang laruin itong laro, kailangang ayusin ng mga manlalaro ang direksyon ng kanilang turret papunta sa mga target. Kung ang gamit sa paglalaro ay PC, kailangan lang na itutok ang arrow sa mga hayop at mag-right click upang tamaan ang mga ito. Kapag mobile device naman ang gamit, kailangan lang pindutin ang mga target at kusa na itong matatamaan ng gamit na turret.

Higgs Ocean War Review

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Higgs Ocean War:

  • Kapag naglalaro sa classic, kailangan na makipagsabayan ng bilis sa pagtira laban sa tatlo mo pang makakasama sa laro. Dapat na piliing patamaan ang mga hayop na malapit sa pwesto upang hindi na magkaroon ng kaagaw sa target;
  • Kusa ng naglalabas ng bala ang Turret. Kailangan mo na lamang pumili ng mga target na may malalaking halaga ng coins kapag napasabog mo ang mga ito;
  • Ilan sa mga dapat target-in ay ang mga kulay gintong pating, pawikan at ang big boss na golden frog;
  • Bukod sa Turret, may kakayahan ka ring gumamit ng Freezing Field upang pahintuin ang lahat ng mga lamang dagat sa paggalaw. Isa itong pagkakataon upang tuloy-tuloy lang na matatamaan ang mga target;
  • Nuclear bomb ang isa sa pinakamapinsalang explosive weapon na maaaring gamitin sa larong ito upang mapasabog ang mga target sa loob lamang ng ilang sandali;
  • Higit sa lahat, kailangang tandaan ng mga manlalaro na mahigpit ang kompetisyon laban sa pagitan ng iba pang manlalaro, kaya upang malamangan ang mga ito, dapat na magkaroon ng de-kalibreng mga weapon.

Higgs Ocean War Review

Mga feature ng laro:

  • Classic – Isa ito sa tatlong game mode kung saan maaaring makapaglaro sa Novice Bay, Island Treasure at Piranha Valley. Ngunit makakapaglaro lamang sa huling dalawang nabanggit kapag natamo na ng manlalaro ang target na bilang ng mga inilabas na bala ng turret at kapag nalampasan na ang mga game level sa Novice Bay;
  • Slot – Sa game mode namang ito, maaari ring makapaglaro sa Hua kai fu Gui at Ocean Sicbo. Yon nga lang, madalang lamang itong mabukasan dahil laging may lumalabas na ‘update resource failed,’ sa bawat subok na mabuksan ito;
    • Race – Dito naman maaaring makipaglaro laban sa sampung manlalaro gamit ang 100 lottery tickets, 16 players gamit ang 1,000 lottery tickets at 40 players gamit ang 4000 lottery tickets. Ngunit kinakailangang maghintay ng napakatagal ng mga manlalaro bago mabuksan ang mga ito;
  • Turret – Ito ang pangunahing sandata sa laro upang patamaan ng mga bala ang mga target. Maaari itong ma-upgrade upang higit na mas maging malakas;
  • Lottery Tickets – Maliban sa mga coin, ang lottery ticket ay may malaking halaga sa laro, pwede itong gamitin upang ipambili ng ilang bonuses sa laro.
  • Prize – Sa button na ito na makikita sa kanang bahagi ng screen, maaaring makabili ng nuclear bomb, 200 diamonds at isang silver box gamit ang mga nakolektang lottery ticket sa laro.
  • VIP Gift – Kung gusto naman ng isang manlalaro na makatanggap ng bundle rewards, maaari siyang bumili sa halagang 3.99 USD;
  • Reward – Kapag naman nagbigay imbitasyon sa mga Facebook Friends, makakatanggap ang manlalaro ng 2000 lottery tickets;
  • Gift Tomorrow – Kapag binuksan ang larong ito, maaari nang makita kaagad ang mga nakahandang reward na makukuha kinabukasan;
  • Species – Dito matatagpuan ang iba’t ibang uri ng mga marine animal at ang mga katumbas nilang halaga kapag napaslang;
  • Menu – Kung nais na malaman ang mahahalagang impormasyon sa laro, pindutin lamang ang button na ito na makikita sa kaliwang bahagi ng screen para mabasa ang nilalaman ng bulletin board, makahingi ng tulong sa customer service at makapag-redeem ng code sa redeem card.

Higgs Ocean War Review

Saan maaaring i-download ang laro?

Gamit ang search bar ng inyong device, hanapin lamang ang larong ito sa sa Google Play Store kapag Android ang gamit. Kung PC naman ang gamit sa paglalaro, kailangang gumamit ng emulator upang ma-download ito. Sa kasalukuyan, hindi pa available ang larong ito para sa mga iOS user. Maaaring gamitin ang links sa ibaba.

Download Higgs Ocean War on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.neptune.djby

Download Higgs Ocean War on PC https://www.mumuglobal.com/en/games/arcade/higgs-ocean-war-on-pc.html

Pros at Cons ng Laro

Dinisenyo ang laro gamit ang 100% 3D graphics kaya mararamdaman talaga ng manlalaro na tila nasa ilalim ito ng karagatan at nakakasalamuha niya ang iba’t ibang uri ng lamang dagat. Mula sa graphics hanggang sa tunog ng musika, talagang mapapahanga ka sa magandang katangian ng larong ito. Sa paglalaro naman, lahat ng mga hayop na matatamaan ay may mga katumbas na halaga kaya hindi mahirap na makakolekta ng malaking halaga ng coins sa larong ito. Ngunit hindi dapat maging kampante ang mga manlalaro dahil habang tumatagal ay lalo ring nagiging mahirap ang bawat round sa laro.

Kagaya ng mga sikat na fishing game na Ocean King at Five Dragon Fishing, ang Higgs Ocean War ay mayroon ding sistema kung saan maaaring i-update ng mga manlalaro ang pinakabagong bersyon ng laro sa kanilang Official Website.

Sa kabilang banda, hindi pwedeng palampasin ang maraming negatibong katangian ng laro. Una na rito ang laging pagkakaroon ng down system sa laro kung saan hindi nabubuksan ng mga manlalaro ang ilang gaming mode at rewards. Madalas ding magkaroon ng lag kung saan hindi napipindot ang screen ng ilang minuto kaya mas lalong lumalaki ang lamang ng ibang mga manlalarong kasama.

Bukod pa rito, maituturing pay to play ang larong ito sapagkat halos lahat ng upgrade ay nangangailangan ng bilhin ng totoong pera. Sa kalaunan ng laro, pahirapan na rin ang makakolekta ng mga coin kaya walang ibang pagpipilian ang mga manlalaro kundi ang gumastos ng totoong pera para lamang makabili ng coins sa laro. Wala ring optional ads sa laro kung saan maari sanang makakuha ng libreng coins, o ng ilang reward ang mga manlalaro. Maging ang Chat feature ng laro ay wala ring silbi dahil hindi ito gumagana.

Konklusyon

Hindi maitatanggi ng Laro Reviews na napag iwanan na ng panahon ang Higgs Ocean War. Totoong minsan na itong pumatok, ngunit mas marami na ngayong mga fishing game na mapagpipilian kung saan nagtataglay ang mga ito ng higit na mas magagandang features. Sa kabilang dako, lubos pa ring naniniwala ang Laro Reviews na sakaling magkaroon ng major update ang larong ito, tiyak na hindi malayong muling itong tangkilikin ng mga manlalaro.