Mula sa creator ng minahal natin at award-winning na sport game na Table Tennis Touch, naritong muli ang Yakuto upang bigyan tayo ng isang sport game na ating kagigiliwan at kaaadikan, marunong ka man nito o hindi. Ito ang Ping Pong Fury kung saan ang husay mo pagdating sa pag-atake at pag-smash ng bola upang maitawid sa kalaban ay masusubok. Handa ka na bang makipaglaban sa iba’t ibang manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng mundo? Pasukin ang isang mahabang campaign at manalo sa bawat laban upang makapagbukas ng iba’t ibang klase ng arena at makatanggap ng iba’t ibang klase ng reward na siyang magagamit mo upang lumakas sa bawat laban? Kung ganon, halina’t pasukin na natin ang larong ito!
Features ng Ping Pong Fury
Dito sa Ping Pong Fury, una mong mapapansin ang Play section kung saan ito ang maaari mong puntahan kung nais mong idiretso ka nito sa mismong campaign ng laro. Sa pagpasok mo rito, bubungad sa’yo ang iba’t ibang klase ng arena na nakapangalan sa iba’t ibang klase ng lugar gaya ng London, Berlin, Delhi, Rio, N.Y.C., Miami, Tokyo, Sydney, Dubai, at Las Vegas. Bawat isa sa mga ito ay may nakalagay na eksaktong bilang ng entry fee, at premyo na siyang tumataas kada arena. Malinaw na ring nakalagay rito kung ilan ang fans na kailangan mong makuha para matapos ang isang arena at para makapagbukas ka na ng panibago.
Makikita naman sa Pass section ang kumpletong listahan ng mga missions na maaaring kumpletuhin ng bawat manlalaro nito. Sa kabuuan ay mayroong itong apat na sets at maaaring madagdagan pa sa oras na makumpleto mong lahat ang mga narito. Bukod pa rito, sa tabi nito ay mapapansin mo rin ang isang mahabang listahan ng mga giveaway ng laro. Mayroong itong tatlumpung bilang at bawat isa sa mga ito ay mga reward gaya ng bux, pods at skin na maaari mong ma-claim sa tamang panahon.
Ang Equipment section naman ay naglalaman ng iba’t ibang klase ng gamit na siyang kakailanganin mo sa bawat laban. Laman nito ang mga kagamitan gaya ng Blades, Rubbers, Balls at Shoes. Bawat isa sa mga ito ay mayroong tigwalo na maaari mong pagpilian. Bukod sa rarity, bawat isa rin ay may kanya-kanyang skills na maaari mong i-upgrade kung kinakailangan gaya ng Blades kung saan taglay nito ang speed at control. Ang Rubbers naman ay para sa spin at chop. Serve power at serve spin naman kung pagdating sa Balls habang ang shoes naman ay para sa agility at grip.
Laman naman ng Shop ng larong ito ang Pets Offer kung saan naglalaman ito ng bux, gems, at pods. Mabibili mo ang ilan sa mga ito nang naka-pack, maaaring naka-small, big o large pack. Kung nais mo namang mabili ang magkakahiwalay na item, mayroon din namang section dito na maaari mong puntahan kung ang nais mo lang ay bumili ng gems o kaya naman ay bux lang. Gayundin pagdating sa pods at cards. Ang mga item na ito ay maaari mong mabili gamit ang tunay na pera o kaya naman gamit ang currency ng laro na gem.
Isang feature ding maituturing na isa sa pinakamahalagang section na makikita rito ay ang Training section kung saan naglalaman ito ng iba’t ibang klase ng attacks at techniques na siyang maaaring practice-in ng bawat manlalaro hanggang kailan nila gusto. Sa loob ng section nito makikita ang basic at advanced lessons kung saan tuturuan ka rito kung paano ang returns, pro serve, spin serve, chop serve, side spin, counterspin at smash.
Saan maaaring i-download ang Ping Pong Fury?
Ang larong ito ay nangangailangan lamang ng 180MB sa Google Play Store habang 287.7MB naman pagdating sa App Store. Maaari ka namang gumamit ng emulator gaya ng MuMu Player para naman sa iyong PC. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang link na nasa ibaba depende sa device na iyong gamit.
Download Ping Pong Fury on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=uk.co.yakuto.PingPongKing
Download Ping Pong Fury on iOS https://apps.apple.com/us/app/ping-pong-fury/id1484641433
Download Ping Pong Fury on PC https://www.mumuglobal.com/en/games/sports/ping-pong-fury-on-pc.html
Tips at Tricks sa Paglalaro ng Ping Pong Fury
Gaya ng nakasanayan nating tactics pagdating sa paglalaro ng ping pong o table tennis, isang mainam na gawing palagi mong pinakikilos ang iyong kalaban sa iba’t ibang side ng mesa. Halimbawa, kung nasa kaliwa ang kalaban, mainam na padaanin mo ang bola sa kanan. Gayundin kung mangyaring nasa kanan siya ay padaanin naman ang bola sa kaliwa. Ngunit minsan, hindi nito nagagarantiya ang iyong magiging puntos dahil may pagkakataong nako-convert din ito bilang error, magkamali ka lang nang kaunti. Kaya naman kung pakiramdam mo ay mahihirapan kang gawin ang technique na ito o pakiramdam mo’y wala ka sa posisyong gawin ito, mas makabubuting itawid na lamang ito sa gitnang parte at bumawi para sa susunod na pag-atake.
Gaya nga ng nabanggit ko sa itaas kung saan mayroon ang Ping Pong Fury na isang section kung saan laman nito ang mahahalagang impormasyon gaya ng iba’t ibang klase ng attacks at mga technique, mas mainam na palagi iyong bisitahin at i-master ang bawat itinuturo rito dahil halos narito na ang mga kailangan mong malaman at matutunan pagdating sa paglalaro nito. Ugaliin ding maging ang pag-a-upgrade ng iyong mga gamit dahil malaki ang magiging papel nito sa iyong bawat laban. Dito nakasalalay ang dami ng maipapanalo mo pang mga laban.
Pros at Cons ng Ping Pong Fury
Hindi maikakailang taglay ng Ping Pong Fury ang magandang graphics para rito. Para sa Laro Reviews, isa ito sa nakapagdala sa laro at masasabi talagang kalamangan nito dahil kaya ka nitong dalhin sa isang exciting na labanan. Masyado mang marami ang disenyong nilapat para rito na siyang nagiging kaibahan nito sa lahat pagdating sa ganitong sports game, hindi naman ito naging kabawasan sa ganda ng laro. Bukod pa riyan, kung iyong oobserbahan, hahangaan mo rin sa larong ito kung paano nagiging accurate ang bola mula sa pagbagsak nito at ang tunog na maririnig mo sa tuwing sumasapit na ang Match point kung saan tunog ng kabog ng dibdib ang nilapat para rito na siyang nagpapadagdag ng kaba sa bawat manlalaro.
Kung may mga bagay lang na masasabing disadbentahe para sa larong ito, iyon ay ang matchmaking na nagaganap dito. Talagang posible ang pagkakataong matapat ka sa mga kalabang hindi hamak na mas skilled o mas equipped kaysa sa iyo. Dahil dito, maitatanong mo sa iyong sarili kung tunay nga bang tao ang iyong kalaban o isa lamang bot. May iilan na talagang bot ang iyong kalaban kaya naman isa iyon sa masasabi mong kailangang alisin ng larong ito upang mas maging katanggap-tanggap ang bawat magiging laban mo rito.
Konklusyon
Bukod pa sa nabanggit sa itaas, isa rin sa disadbentahe ng laro ang pagiging sensitive nito pagdating sa internet connection na kahit hindi naman mahina ang connection ay magbibigay ito ng paalala sa iyong mabagal ito. Ito ang dahilan kung bakit may ilang larong hindi na natutuloy dahil agad-agad napuputol ang laro kapag nararamdaman nitong mabagal ang iyong internet connection. Gayunpaman, sa kabila nito, hindi maitatanggi ng Laro Reviews na maganda pa rin ang larong ito at worth it na subukan, marunong ka mang maglaro ng Ping Pong o hindi.