Craft Castle Dragon Pixelart Review

Naging tanyag ang Minecraft sa mga batang manlalaro habang dinadala sila sa isang paglalakbay sa open world na puno ng walang katapusang mga posibilidad. Maaari silang maging malikhain sa pamamagitan ng paggawa ng materials, at mayroon silang mga kapanapanabik na pakikipagsapalaran sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mobs upang mabuhay sa gabi. Ang video game na ito ay naging big hit at nagtagumpay dahil kumita ito ng $415 milyon noong 2020. Ngunit maraming clones sa Play Store at App Store ang lumitaw na parang mga Zombie sa gabi. Hindi nakakagulat na magkaroon ito ng maraming mga copycat dahil masaya itong laruin, at may kamahalan ang orihinal na laro. Kaya ginaya ng mga rip-off ang mga feature nito at nai-publish ang mga laro nang libre. Ang Craft Castle Dragon Pixelart ay isa sa mga iyon, at malalaman mo kung bakit mas gugustuhin mong bilhin ang orihinal.

Ang laro ay may eksaktong kopya ng control sa Minecraft Pocket Edition, ang pagkakaiba lamang ay ang mga texture. Ang orihinal ay may kulay gray na D-pad na makikita sa kaliwang ibaba ng screen at ginagamit upang ilipat ang iyong karakter. Ang pag-double-tap sa itaas na button ay para sa pagtakbo, at maaari mong i-swipe ang screen upang baguhin ang direksyon. Ang pinagkaiba ng larong ito ay ang kulay kayumanggi nitong button. Kung pipindutin mo ang gitnang bahagi nito ng dalawang beses, ang iyong karakter ay yuyuko. Ginagamit ang pindutan sa kanan para sa paglukso at maaari kang lumipad sa creative mode kung pipindutin mo ito ng dalawang beses. Magpapakita ito ng up at down buttons para baguhin kung gaano kataas o kababa ang maaari mong i-levitate. Tulad ng lahat ng laro sa Minecraft, kailangan mong magtipon ng resources at gamitin ang mga ito sa paggawa ng items. Maaari kang lumikha ng tools upang makakuha ng higit pang materials o armors upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa mobs.

Features ng Craft Castle Dragon Pixelart

Kinopya ng Craft Castle Dragon Pixelart ang feature sa naunang version ng Minecraft Pocket Edition. Ang pinakabagong update sa MCPE ay ang 1.18.0 Caves & Cliffs Part II update, at ang larong ito ay walang ganoong mga feature. Ang huling update nito ay ika-11 ng Nobyembre, 2021. Ngunit kinopya nito ang 0.12.0 update ng tunay na laro, na inilabas noong ika-4 ng Setyembre, 2015. Samakatuwid, anuman ang nakikita mo sa naunang update sa Minecraft Pocket Edition ay narito, ngunit may kaunting binagong texture.

Mayroon itong dalawang default skins na pinangalanang Alex at Steve. Ang aktwal na pangalan ng mga panimulang character ng orihinal na laro, ngunit may ibang disenyo. Maaari mong gamitin ang iyong na-customize na skin o pumili mula sa kanilang skin packs. Ilan sa mga skin na iyon ay libre, at ang iba ay naka-lock.

Mayroon itong duplicate mechanics ng Survival at Creative mode. Inaalis ng laro ang orihinal na soundtrack mula rito ngunit kinokopya ang mga sound effect mula sa Minecraft Pocket Edition. Ang ilang mobs tulad ng mga baka, manok, baboy, zombie, at iba pa ay may ibang textures. Binago rin ng developer ang ilan sa mga block, gaya ng mga stone, cobblestones, at mga moss stone.

Saan pwedeng i-download ang Craft Castle Dragon Pixelart?

Pumunta sa Google Play gamit ang iyong smartphone at ilagay ang Craft Castle Dragon Pixelart sa search bar. Dahil libre lang ang laro, i-click ang install button at hintaying mai-download ang laro.

Narito ang link kung saan mo maaring ma-download ang laro:

Download Craft Castle Dragon Pixelart on android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.craft.cell.block.pet.forrest.city

Tips at Tricks sa Paglalaro

Ang tanging hamon dito ay ang Survival mode dahil hindi ka maaaring mamatay sa Creative mode. Ito ay may parehong mechanis gaya ng Minecraft Pocket Edition, kaya tuturuan ka ng Laro Reviews kung paano makaligtas sa laro.

Ang unang bagay na dapat mong gawin, habang ikaw ay nag-i-spawn, ay maghanap ng puno at putulin ito. Maaari mong gawing tabla ang kahoy at gamitin ang mga ito para gumawa ng Crafting Table. Kapag nakakuha ka ng sapat na mga material, gamitin ang mga ito sa paggawa ng Wooden Axe upang mapabilis ang iyong produksyon ng kahoy, o diretsong gumawa ng Wooden Pickaxe para magmina ng mga bato. Ang mga stone tool ay madaling gamitin sa unang bahagi ng laro dahil ang mga material ay sagana at mas matagal magamit kaysa sa mga kasangkapang kahoy. Patuloy na gawin ang mga ito hanggang sa magkaroon ka ng sapat na iron upang makagawa ng mas mahuhusay na tool.

Related Posts:

Music Tiles – Magic Tiles Review

Monsters Lab – Freaky Running Review

Magiging delikado sa labas kapag lumalalim na ang gabi dahil sa kung saan-saan nagsulputan ang mga mob. Ang ilan sa kanila ay nagtatago sa dilim, naghihintay na mahuli ang kanilang biktima, ikaw. Kaya pinakamahusay na lumikha ng iyong base bago lumubog ang araw sa iyong unang araw upang hindi ka nila maging target. Kung hindi, maaari kang maghukay sa ilalim ng lupa o sa itaas ng mga pinagpatung-patong na block sa buong gabi. Maaari kang gumawa ng bakod gamit ang pinakamaraming supply sa iyong inventory o maaari kang maghanap ng kweba at i-secure ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga block upang takpan ang sarili para sa gabi. Kailangan mong gawin ang mga item na ito sa iyong base. Ang una ay ang kama dahil mababawi mo ang iyong health habang natutulog, at maaari mong gamitin ang mga ito bilang respawn point. Ang mga torche ay ang iba pang mga bagay na dapat gawin dahil nagbibigay sila ng liwanag na pumipigil sa mga mob mula sa pag-spawn sa lugar na iyon.

Pros at Cons ng Craft Castle Dragon Pixelart

Wala akong na-encounter na problema rito, at maayos rin ang gameplay. Walang mga bug o anumang pag-crash habang naglalaro. Iyon lang ang mga nakitang pros ng Laro Reviews dahil ang mga credit para sa magagandang feature ay nasa Minecraft Pocket Edition.

Kung originality ang pag-uusapan, ang larong ito ay walang alinman sa mga iyon. Dahil kinopya ng developer ang orihinal na laro, binago ang ilan sa mga texture, at ginawa itong sarili nila;na may nakakabagabag sa skin ng Creeper. Nagpapakita pa ito ng advertisement sa gitna ng iyong laro na nag-aalis ng saya sa iyong gameplay. Sinasabi rin ng larong walang koneksyon sa internet ang iyong device kapag sinubukan mong i-unlock ang mga ito kahit na stable ang iyong WiFi. Oo, ito ay isang libreng laro ng Minecraft, ngunit mas kaunti ang mga feature nito tulad ng mas maraming mob at ang Nether update. Ito ang dahilan ng mga manlalaro kung bakit mas pinipili nilang bilhin ang orihinal na laro sa halagang ₱360.00 at tamasahin ang lahat ng mga feature nito.

Konklusyon

“Every Masterpiece Has Its Cheap Copy.” Ang pangungusap na ito ay naging isang meme format na ginamit upang ihambing ang orihinal sa copycat. Nagsisimula ito bilang isang biro, ngunit ginagamit ito ng ilang tao upang bigyang pansin ang mga rip-off na laro at cash-grab na mga pelikula. Ang Craft Castle Dragon Pixelart ay isang kopya ng unang version ng Minecraft Pocket Edition na may maliliit na pagbabago sa mga texture. Hindi mali ang gumawa ng video game na inspired sa iba pang naunang laro basta’t magdagdag ka ng twist dito. Nagbigay ng inspirasyon sa mga developer ng Terraria ang Minecraft, ngunit mayroon itong iba’t ibang gameplay, at ito ay naging isang matagumpay na laro.

Laro Reviews