Bonza Word Puzzle Review

Ang MiniMega ang lumikha sa larong word puzzle na “Bonza Word Puzzle”. Ito ay isang word puzzle game na nangangailangan sa iyong mag-isip nang mabuti tungkol sa mga salita. Baka mapalawak mo pa ang iyong bokabularyo! Ang laro ay simpleng laruin at matutunan. Ang bawat level ay may libreng hint na maaaring makatulong sa iyo sa paglutas ng mga hamon. Ikonekta ang mga nawawalang bahagi ng salita at pagsama-samahin ang mga ito upang mabuo ang mga kinakailangang salita! Gamitin ang mga hint na ibinigay upang madaling makumpleto ang bawat level. Napakasimple ng mga kontrol, isang masayang laro, pang-edukasyon at nakakaaliw. I-download ang laro ngayon upang matuto at magsaya!

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay ikonekta ang mga nawawalang piraso ng salita upang makuha ang mga kinakailangang salita upang makumpleto ang mga level. Mayroong libreng hint na nakasulat sa itaas ng screen upang matulungan kang malaman ang sagot. Isa itong crossword puzzle na may kakaibang istilo ng paglalaro. Maaari mo ring gastusin ang iyong mga nakuhang coin para i-activate ang hint button. Ang layunin ng larong ito ay i-konekta ang mga salita habang nagsasaya! Ito ay talagang basic, nakakalibang, at kasiya-siya.

Paano ito laruin?

Sa artikulong ito, ang Laro Reviews ay magtuturo sa iyo ng napakadaling gabay sa kung paano laruin ang Bonza Word Puzzle, ang mga kontrol, at ang mga feature ng laro na dapat mong malaman bago maglaro. Dahil ang mga kontrol ay napakasimple, ang mga ito ay madali lamang matutunan. I-tap mo lang, hawakan, at i-drag ito sa nilalayong lugar para mabuo ang gustong salita. Maaari mong pagsamahin ang mga piraso upang makagawa ng isang salita. Maaari mo ring i-click ang pindutan ng hint upang makakuha ng ideya na makakatulong sa iyong matukoy at mas maunawaan kung ano ang sagot. Simple lang naman, ‘di ba?

Ang layunin ng laro ay ikonekta ang lahat ng piraso ng salita at gawing buo muli ang mga ito. Ito ay katulad ng mga crossword puzzle ngunit mas malikhain at mapanghamon. Mayroon ka ring magagamit na hints tungkol sa mga salitang bubuuin mo. Gaya na lamang ng fruit salad bilang isang halimbawa. Anong mga prutas ang kasama sa fruit salad? Makakakuha ka ng ideya mula rito. Ang laro ay simple ngunit mapanghamon at pipilitin ka nitong mag-isip pa lalo. Ito rin ay isang mahusay na paraan upang palawakin ang iyong bokabularyo. Maaari mong pagbutihin ang iyong performance sa paglalaro sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga bagong salita.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Bonza Word Puzzle sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Maaari mo na itong subukang laruin ngayon!

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Bonza Word Puzzle on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=air.au.com.minimega.bonza

Download Bonza Word Puzzle on iOS https://apps.apple.com/us/app/bonza-word-puzzle/id662053009

Download Bonza Word Puzzle on PC https://pcmac.download/app/662053009/bonza-word-puzzle

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Bonza Word Puzzle

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng Bonza Word Puzzle. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Bonza Word Puzzle.

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Bonza Word Puzzle

Sa seksyong ito, ibibigay sa iyo ng Laro Reviews ang lahat ng kailangan mo bilang isang baguhan. Bibigyan ka namin ng magandang simula para matutunan mo ang tungkol sa laro bago mo ito laruin, gaya ng mga feature, kontrol, at diskarteng magagamit mo para makakuha ng kalamangan.

  1. Ang unang tip ay tingnan ang clue. Pag-isipang mabuti kung ano ang sinusubukang sabihin sa iyo ng clue tungkol sa mga salita. Makakatulong ito sa iyong mahanap ang mga tamang salita at maunawaan kung ano ang ibig sabihin nito.
  1. Kapag nabasa mo na ang clue, tingnan ang mga putul-putol na clue at subukang bumuo ng anumang mga salitang pumasok sa iyong isip gamit ang mga titik na ipinapakita. Kapag nabuo mo na ang mga salita, tingnan ang pangunahing bahagi at tingnan kung ito ay akma.
  1. Gamit ang mga hint, madali mong mabuo ang mga salitang kailangan at tiyak na matatapos mo ang laro nang wala sa oras.
  1. Ang huling tip ay ang magpahinga. Subukang humingi ng tulong sa isang kaibigan o magpahinga kung nahihirapan ka na. Maaari mo ring gamitin ang mga tip na ibinigay sa iyo, ngunit gamitin ang mga ito nang maingat, dahil magastos ang paggamit ng mga ito at maaari mong mawala ang iyong pagkakataong magamit muli ang mga ito kung ikaw ay mahirapang muli.

Pros at Cons ng Bonza Word Puzzle

Ayon sa aming karanasan, lumalabas na gumagana nang maayos ang lahat, kabilang ang mga feature, pangkalahatang performance, at ang karanasang maaari mong ikatuwa. Lubos kaming humanga sa kung gaano nakakatulong ang larong ito, lalo na para sa mga indibidwal na gustong palawakin ang kanilang bokabularyo at kaalaman. Ang larong ito ay angkop para sa mga bata at maging matatandang manlalaro. Walang paghihigpit sa edad, kaya lahat ay maaaring sumali. Maa-access din ito ng lahat ng users ng Android, iOS, at PC. Maaari mong pagbutihin ang iyong gameplay sa pamamagitan ng paggamit ng in-game purchases ng laro.

Mukhang nagustuhan ng maraming tao ang larong ito! Ang mga puzzle ay lubos na nakalilibang at karamihan sa mga manlalaro ay gusto ang mekaniks sa pagbuo ng mga crossword puzzle. Mayroong ilang mga pack na ibinigay, pati na rin ang mga bersyong nilikha ng user! Ang puzzle maker ay madaling gamitin. Walang hadlang na pumipigil sa pag-usad. Nasisiyahan din kami kung paano pinangangasiwaan ang mga advertisement. Hindi pa kami nagkaroon ng isang advertisement habang naglalaro at ang pag-a-activate nito ay opsyonal! Makikita mo lamang sila kung pipiliin mong makakuha ng libreng tip, mag-load ng karagdagang daily puzzle, o mangolekta ng mga bonus na coin, kung hindi nama’y, wala kang makikita!

Maaari mong i-disable ang mga advertisement, ngunit gaano man kalaki ang ginagastos mo, may lumalabas na hint button sa bawat minuto. Naniniwala kaming ginugugol ng karamihan ng mga user ang kanilang mga coin sa pamamagitan ng hindi sinasadyang pagbili ng mga hint. Nauunawaan naming ang mga hint ay kung paano nila kinikita ang lahat ng pera sa app, kaya naiintindihan naming sinusubukan lang nilang kumita rito, ngunit talagang nakakainis na hindi mo maaaring i-off ang button ng hint. Kung hindi ka naaabala sa mga alalahaning ito, maaari mo pa ring maglaro at mag-enjoy para sa iyong sarili. Naniniwala ang Laro Reviews na ang bawat manlalaro ay may iba’t ibang karanasan at opinyon sa performance ng laro. Sa kabuuan, iniisip pa rin naming ang larong ito ay isang napakahusay na paraan upang magpalipas ng oras!

Konklusyon

Ang laro ay nakakatulong bilang isang tool na pang-edukasyon para sa pagpapalawak ng iyong bokabularyo. Ang mga kontrol at gameplay ay talagang basic at madaling maunawaan. Hindi mo na kailangan ng tutorial para maintindihan ang lahat.