Ang Ultimate Epic Battle Simulator (UEBS) ay isang war simulation game na pinakamainam para sa malalaking labanan. Sa kabilang banda, ang Totally Accurate Battle Simulator (TABS) ay isa pang war simulation game na angkop naman para sa mga detalyado at mas maliit na laban; mas gusto ng mga manlalaro na laruin ito para sa nakakatawang physics nito. Parehong kasiya-siyang laruin, lalo na kung mahilig ka sa mga larong kinakailangan ng diskarte para manalo. Pareho itong malalaro sa PC, ngunit may mobile games na katulad rin ng gameplay ng mga ito. Ang Art of War: Legions ay isang laro ng Fastone Games HK kung saan kailangan mong pamunuan ang iyong mga munting troops, at maaari kang magdagdag ng hero at gamitin ang kanilang skills para tulungan ang iyong mga hukbo.
Sa larong ito, kailangan mong ilagay ang iyong mga troops sa mga tile. Magsisimula ka sa 9×9 na mga tile, ngunit madaragdagan ang mga ito sa susunod na laro. Gumawa ng diskarte kung saan mo sila ilalagay. Maaari mong ikalat ang iyong mga troops at palibutan ang iyong kaaway o bumuo ng isang linya upang lumikha ng isang malakas na depensa. Pwede mong pagsamahin ang parehong mga hukbo kung gusto mo silang i-upgrade. Dahil dito, pinapalakas mo sila at mas tataas ang posibilidad na manalo. Maaari ka ring mag-draw ng card sa kanang ibaba ng screen gamit ang mga coins upang magdagdag ng higit pang troops. Matira matibay ang labanan sa larong ito.
Features ng Art of War: Legions
Hindi man kayang makipag kompetensya ng larong Art of War: Legions sa Ultimate Epic Battle Simulator (UEBS) para sa sandbox at napakalaking labanan nito, ngunit nag-aalok naman ito ng higit pang mga feature na maaaring tangkilikin ng mga mobile gamers.
Ang Home tab ay ang pinakaunang feature na maaari mong ma-access sa laro at dito ka nakikipaglaban sa computer. Maaari ka ring makakuha ng mga coin at mga gem sa Idle Reward sa pamamagitan ng pagpili sa golden treasure chest at pag-click sa collect button. Ang Level 1 ang pinakamadali, at humihirap ito habang sumusulong ka sa laro. Kung nababagot ka na sa paglalaro nito, maaari kang makipag kompetensya sa Arena laban sa iba pang mga manlalaro at umakyat sa tuktok hanggang sa katapusan ng season. Mas mataas ang premyong makukuha mo depende sa taas ng iyong ranggo.
Mas dadami ang mga lugar sa teritoryo na maaari mong ma-access depende sa mga naabot mong level sa Battle Mode o depende sa laki ng iyong EXP. Maaari kang magkaroon ng limitadong labanan sa Headhunt araw-araw; makakakuha ka ng bounty bilang reward. Ang Expedition ay tungkol sa pagsakop sa iba pang mga kastilyo sa pamamagitan ng pagpapadala ng iyong mga hukbo. Maaari kang lumikha o sumali sa isang komunidad sa Clan kapag naabot mo na ang level 350 sa Battle Mode. Subukan ang iyong lakas laban sa mga ancient creatures sa Honor Hunting; maaari mo itong ma-unlock kapag naabot mo na ang level 300 sa Battle mode. Ang Hero Trial ay katulad ng Arena, kung saan kailangan mong labanan ang ibang mga manlalaro. Ngunit maaari kang pumili ng hanggang limang heroes para sa iyong mga troops sa mode na ito.
Saan pwedeng i-download ang Art of War: Legions?
Pumunta sa Google Play gamit ang iyong smartphone kung ikaw ay Android user at sa App Store kung isa kang Apple user, at ilagay sa search bar ang Art of War: Legions. Dahil libre lang ang laro, i-click ang install button at hintaying ma-download ang laro
Narito ang mga link kung saan mo maaring ma-download ang laro:
Download Art of War: Legions on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.addictive.strategy.army
Download Art of War: Legions on iOS https://apps.apple.com/us/app/art-of-war-legions/id1484362191
Tips at Tricks sa Paglalaro
Sa iba’t ibang mga mode at feature nito, maaari kang malito sa paglalaro sa unang pagkakataon. Ang Laro Reviews ay magbibigay ng mga simpleng gabay para sa mga baguhan na gustong umusad sa laro.
Hindi imposibleng makaipon ng resources sa Art of War: Legions. Ngunit kung minsan, sinasayang ng mga manlalaro ang kanilang pinaghirapang coins at gems sa mga hero o troop na naiwan lamang sa barracks. Lumikha ng isang strategy sa pamamagitan ng pagbuo ng isang koponan na angkop sa iyong istilo at mag-invest sa pag-upgrade sa kanila. Pumili ng troops at heroes na tugma sa isa’t isa. Pumunta sa Heroes tab upang pag-aralan sila at matutunan ang kanilang skills. May iba’t ibang mga skill ang bawat troops. Ang ilan ay para sa melee combat, ang iba ay umaatake mula sa malayo, habang ang mages ay nagka-cast ng mga spells. Sa kabilang banda, ang mga Heroes ay may iba’t ibang active at passive skills.
Related Posts:
FaFaFa Casino – Slot Machines Review
AU2 Mobile-EN Review
Nag-aalok ang laro ng maraming gantimpala para sa mga manlalaro na masipag mag-grind. Mangailangan man ito ng maraming oras para sa mga free-to-play players, sulit naman ang iyong pagsisikap. Ang Battle mode sa iyong Home tab ay maaaring maging monotonous, ngunit makakakuha ka ng mga special rewards gaya ng mga hero box o gem sa bawat 5 o 10 nakumpletong laban. Maaari kang maglaro sa Arena o iba pang mga mode tulad ng Expedition sa tuwing makakatanggap ka ng reward. Ang paglipat sa iba’t ibang mga mode ng laro ay magandang paraan para hindi maging paulit-ulit ang gameplay.
Pros at Cons ng Art of War: Legions
Akala ko ay magiging monotonous ang laro, pero napatunayan nitong mali ako. Dahil nakakuha ako ng 2-star demon na troop, naging napakadali ng Battle mode kaya naabot ko ang level 70 nang wala pang isang oras. Halos makatulog ako habang naglalaro. Ia-uninstall ko kaagad ang laro kung ito ang buong premise. Buti na lang hindi ka pinipilit na laruin ang Battle mode para ma-access ang iba pang game mode gaya ng Head Hunting at Arena. Mas marami kang pwedeng pagpilian dahil sa pag-update ng laro. Isang mahusay na diskarte ang pagdagdag ng special reward sa Battle mode at kakayahang ma-access ang iba pang mga feature tulad ng Clan at Hero Trial upang panatilihing interesado ang mga manlalaro sa paglalaro.
Mayroon itong mahusay na gameplay, ngunit nakakapanlinlang ang ilan sa mga advertisement nito. Mas maganda kung ipapakita ng mga developer ang premise ng kanilang laro sa halip na kopyahin ang iba pang mga diskarte upang makakuha ng mga manlalaro. Free-to-play friendly ito sa unang bahagi ng laro, ngunit nagbibigay ito ng kalamangan sa mga gumagamit ng kanilang tunay na pera upang bumili ng mga bundle at pack. Kung gusto mong makipag kompetensya laban sa mga manlalaro sa mas matataas na ranggo sa Arena, kakailanganin mong gumugol ng maraming oras sa pagbuo ng iyong koponan.
Konklusyon
Ang Art of War: Legions ay nagbibigay-daan sa mga manlalaro na mahilig sa war simulation game na makaranas ng mga laro sa PC gaya ng Ultimate Epic Battle Simulator (UEBS) at Totally Accurate Battle Simulator (TABS) sa mobile. Maaari kang lumikha ng iyong diskarte sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong mga troop at hero sa isang posisyon at makita kung anong mangyayari sa pagsisimula ng laban. Ngunit maraming maiaalok ang laro, at patuloy itong nag-a-update sa pamamagitan ng pagdaragdag ng higit pang mga feature. May mga in-app purchase ang laro, ngunit maaari mo itong i-download nang libre. Kaya kung gusto mo ng laro na hahamon sa iyong mga kakayahan sa pakikipagdigma, ito na ang laro para sa iyo.
Laro Reviews