Handa ka na bang maging isang pinuno ng Qin dynasty? Kung ganon, para sa iyo ang larong ito. Para sa mga manlalarong mahilig sa real-time strategy game (RTS), inirerekomenda ko sa inyo itong laro at sigurado akong hindi kayo mababagot dito. Ngayon ay pag-usapan natin kung ano ang mga dapat mong asahan sa larong ito mula sa artikulong ginawa ng Laro Reviews.
Mga Tampok ng Laro
Ang The Qin Empire ay isang online RTS game na ginawa ng TOGAADO GAMES. Mayroong itong simple at nakakaaliw na gameplay. Sa kasalukuyan, mayroong itong bagong update. May mga bagong uri ng troop ang nadagdag sa laro, ito ay ang dancers, the ace of buff provider shang yan at lady xi na magbibigay sa iyo ng karagdagang strategy at mga bagong posibilidad. Mayroon na itong 1v1 arena mode na kung saan ay maaari mong hamunin ang iyong mga kaibigan sa isang kapanapanabik na duel match. Madali lamang itong laruin, sa katunayan ay maaari mong mapaunlad ang iyong kaharian sa pamamagitan lamang ng pagtapos ng mga quest. Sa kasalukuyan, ito ay nasa beta stage pa lamang kaya mayroon pa itong bugs at lags ngunit mabilis naman itong natutugunan ng mga developer.
Fair Competition – Walang limit sa mga cards ng hero na maaari mong makuha. Walang stats ang mga hero at hindi mo na kailangang maghanap ng resources kaya ang buong atensyon mo ay nakatuon lamang sa pagpapaunlad ng iyong strategy at tactics.
RTS Gameplay – Ang ibig sabihin ng RTS o real-time strategy ay makakalaban mo ang ibang manlalaro in real time o sa aktwal o tunay na oras. Ibig sabihin, sa halip na bots ay mga tunay na manlalaro ang iyong makakalaban. Mayroon din itong fast-pace gameplay na ang ibig sabihin ay mabilis ang development ng laro at ang bawat round ay mabilis na natatapos.
Socialization – Maaari kang bumuo ng guilds o alliances sa iyong mga kaibigan at sa pamamagitan nito, maaari kang makipag-usap sa kanila at makipag-bonding.
Paano i-download ang The Qin Empire?
Hindi mo na kailangang gumawa ng login accounts upang makapagsimulang maglaro, ngunit kailangan mong i-bind ang iyong Email account upang hindi mawala ang iyong mga saved data kung sakaling ma-uninstall ang iyong laro. Upang i-download ito sa Android, buksan ang iyong Google Play Store at i-type sa search bar ang pangalan nitong laro, pagkatapos ay i-click ang Install button. Parehong proseso lamang para sa iOS ngunit sa halip na Google Play Store ay maaari mo itong i-download mula sa App Store. Para naman sa PC, i-download muna ang Bluestacks emulator pagkatapos ay hanapin ang larong ito sa bluestacks at i-click ang Download button. Para sa mabilis na pag-access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba.
Download The Qin Empire on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.and.en.empire
Download The Qin Empire on iOS https://apps.apple.com/app/the-qin-empire/id1592076754
Download The Qin Empire on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/the-qin-empire-on-pc.html
Tips at Tricks para sa mga Baguhan
Nabanggit sa itaas na hindi mo na kailangang mangolekta at maghanap pa ng resources dahil automatic na ang pag-generate nito. Ibig sabihin, ang buong atensyon mo ay maitutuon lamang sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng iyong strategy at tactics. Ngayon ay ibabahagi ng Laro Reviews ang isang kaalamang tiyak na makakatulong sa mga baguhan.
Dapat mong malamang mayroong peace protection ang lahat ng mga bagong manlalaro. Ibig sabihin, hindi ka maaaring atakihin at umatake ng ibang manlalaro dahil kapag ginawa mo ito, mawawalan ng bisa o mababawasan ang oras ng iyong peace protection. Kailangan mo itong samantalahin upang makapagpalakas at makapagparami ng sundalo.
War Strategy at Tactics – Kapag lumipas na ang iyong peace protection, asahang aatakihin ka ng mga manlalarong may mas mataas na level kumpara sa iyo at kapag nangyari ito, mababa ang tsansang manalo ka ngunit maaari kang magbigay ng malaking pinsala sa kanila sa pamamagitan ng pagpapalakas ng iyong depensa. Halimbawa, kapag mahina ang iyong depensa, malaki ang tsansang manalo nang may maliit na casualty ang mga aatake sa iyo, ngunit kung malakas ang iyong depensa, manalo man ang aatake sa iyo ay makapagtatamo ka naman ng malaking pinsala sa kanila. Samakatuwid, mas mainam na matalo kang nakapagbigay ng malaking pinsala kaysa sa matalo nang hindi nakapagbibigay ng pinsala sa kalaban.
Kailangan mong sumali sa mga alliance upang mayroon kang mahihingan ng tulong kung sakaling salakayin ka ng kalaban. Kapag malaki ang casualty ng kalaban dahil sa pag-atake sa iyo, malaki ang tsansang maipanalo ng iyong kakampi kapag inatake niya ang kalabang sumalakay sa iyo.
Kalamangan at Kahinaan
Ang larong ito ay nasa beta stage pa lamang kaya naiintindihan ko kung mayroon mang itong mga bug at lags. Ang pagbabasehan ko ng topikong ito ay ang kabuuang konsepto ng laro sa larangan ng gameplay, storyline at balance ng laro.
Gameplay – Napakasimple lamang ng gameplay nito. Ang main quest ay madaling makita at matapos. Kailangan mo pa rin ng resources upang makapag-upgrade, ngunit hindi ito gaanong mahirap makuha. Lahat ng resources ay automatic na kinokolekta at makukuha rin sa pamamagitan ng mga quest. Dahil dito, hindi nahahati ang iyong focus sa paghahanap at pagkolekta ng resources kaya tiyak na maibibigay mo ang iyong buong panahon sa pag-develop ng tactics at strategy.
Storyline – Kung mahilig ka sa mga kwentong fantasy, malamang ay magugustuhan mo rin ang storyline nito. Nahahati sa mga chapter ang storyline ng laro at lahat ay nakakaaliw.
Balance ng Laro – Para sa isang beta game, well-balanced ang larong ito. Medyo madali maipasa ang mga quest ngunit sa tingin ko ay nakadisenyo ang quest bilang side dish ng laro. Ibig sabihin, habang hindi pa angkop ang iyong level upang manalakay, kailangan mo munang tapusin ang mga quest upang makapagpalakas ng mga sundalo.
Sa tingin ko, hindi ko na kailangang banggitin ang mga kapintasan nitong laro dahil bago pa lang ito at sigurado akong babaguhin at aayusin pa ito ng mga developer.
Konklusyon
Sa kasalukuyan, wala pa itong star rating dahil bago pa ito sa merkado, ngunit kung bibigyan ko ito ng rating, ang ibibigay ko ay 4.5 star rating dahil sa napakagandang konsepto ng laro. Isa ang resource gathering na nagpapahirap sa mga manlalaro at kadalasan ay nagiging balakid sa pagpapaunlad ng laro. Halimbawa, sa pag-upgrade ay kailangan mo ng resources at kung kulang ka nito, kailangan mong maghintay hanggang sa maabot mo ang kinakailangang bilang ng resources para makapag-upgrade. Sa larong ito, hindi mo na kailangang maghintay at mangolekta ng resources. Bukod sa auto-generated ito, maliit lamang ang kinakailangang resources para makapag-upgrade. Para sa akin, napakaganda nitong laro na talagang pinag-isipan nang mabuti. Kaya kung gusto mong maging parte ng kasaysayan nitong laro, i-download na ang The Qin Empire ngayon.