Awaken: Chaos Era Review

Para sa mga nais subukang pasukin ang mundo ng pakikipaglaban sa kasamaan at ipagtanggol ang kabutihan, para sa iyo ang larong ito. Sigurado akong magugustuhan mo ang nilikha ng Century Games Publishing na mythical role-playing game o RPG, ang Awaken: Chaos Era. Ang larong ito ay opisyal na inilabas noong Enero 2022 at tinatangkilik na ng mga manlalaro ngayon.

Ang Awaken: Chaos Era ay isang role-playing game na may single player at paligsahan ng mga multiplayer. Ito ay katulad din ng ibang RPGs. Mayroon itong kwentong tungkol sa paglalakbay at matinding pakikipaglaban. Mayroon din itong mga kabanatang may kaakibat na misyong dapat isakatuparan ng mga manlalaro.

Sa larong ito, maglalakbay ka sa mga dungeon, haharap sa iba’t ibang uri ng kalaban, at makikipaglaro sa ibang mga manlalaro. Ito na ang panahon upang wakasan ang paghahari ng kasamaan. Lupigin ang kadiliman gamit ang kaliwanagan bago ka tuluyang sakupin nito.

Ipamalas ang iyong husay sa pakikipaglaban at talunin ang pwersa ng kalaban. Gumamit ng mga estratehiya at pamamaraan sa labanan. Nasa iyo nakasalalay ang tagumpay ng bawat laban, handa ka na ba sa isang matinding bakbakan?

Kung handa ka na isang labanan, ihanda mo na ang iyong sarili. Ang unang hakbang dito ay alamin mo ang ilang mga pangunahing impormasyon sa paglalaro. Sa ganitong paraan, mayroon ka nang ideya kung tungkol saan nga ba ang larong ito.

Para mas maunawaan ang larong ito, narito ang iba pang impormasyong makakatulong sa iyo. Basahin ang buong artikulo upang matuklasan kung ano ang mga feature, tips at tricks, pros at cons ng larong Awaken: Chaos Era.

Features ng Awaken: Chaos Era

HD Graphics at Cinematic-Style Visuals – Ang larong ito ay mayroong HD graphics katulad ng ibang mga RPG. Ang mga disenyong ginamit sa kabuuan ng laro ay mahuhusay at hindi nakakadismaya. Nakadagdag rin ang pagiging cinematic-style visuals ng larong ito upang mas lalong maging maganda. Mayroon din itong 3D artwork pagdating sa heroes ng laro.

Iba’t ibang Uri ng Mandirigma – Mayroong iba’t ibang uri ng mandirigmang pwede mong laruin sa Awaken: Chaos Era. Aabot sa mahigit 100 heroes ang pwede mong pagpilian sa larong ito. Ang ilan sa mga karakter ay sina Zatlux, Zachary, Ravyn, Evelyn, Connor, Abbot at marami pang iba. Dagdag pa rito, mayroon din itong limang elemento (Fire, Water, Wood, Light, at Dark), tatlong tungkulin (Offense, Defense, at Support), limang rarities (Common, Rare, Elite, Epic, at Legendary), at walong factions (Holy Light Empire, Crisas, Lasir, Soulplunders, Sylvan Woodlands, Titan Icelands, Free Cities at Dragonscale Marsh). Ang bawat karakter na ito ay may kanya-kanyang katangian at galing na dapat mong malaman.

Game modes – Sa larong ito, maaari kang maglaro sa dungeons, arena, at adventure. Mayroon din itong mga quest, altar, guild, shop, at events na maaari mong laruin. Maraming features ang larong ito kaya mahihikayat ka at mag-e-enjoy na laruin ito.

PvE Modes – Ang Player vs Environment o PvE mode ay mayroong 12 dungeons na nahahati sa limang grupo. Ito ay ang Endless Trial, No Man’s Land, Arcane Dominator, Void Tower at Bounty Hunt. Sa mode na ito, maaari kang makipaglaban at makakuha ng mga special item para sa iyong heroes.

PvP modes – Ang Player vs Player o PvP mode ay ang pakikipaglaban sa ibang mga manlalaro at pagpapataas ng iyong ranggo sa laro. Ito ay nahahati sa limang grupo, ang Legend, Diamond, Platinum, Gold, Silver, at Bronze. Bago ka makapagaro sa arena, kailangan mo ng arena pass.

Para malaman pa ang ibang features ng larong ito, subukang laruin ang Awaken: Chaos Era at i-download ito sa iyong devices.

Saan pwedeng i-download ang Awaken: Chaos Era?

Kung nais makuha ang larong ito, narito ang mga link ng laro. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Awaken: Chaos Era on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ace.global Download Awaken: Chaos Era on iOS https://apps.apple.com/us/app/awaken-chaos-era/id1574271250 Download Awaken: Chaos Era on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/awaken-chaos-era-on-pc.html

Para mai-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na ito, maaari mo nang buksan at laruin ang Awaken: Chaos Era.

Kung nagkakaroon ng problema sa pag-download, maaaring magpadala ng mensahe sa email account ng developer. Maaari ring mag-iwan ng komento tungkol sa laro upang malaman ng mga creator ang problema.

Tips at Tricks kung nais Laruin ang Awaken: Chaos Era

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Awaken: Chaos Era, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na tiyak akong makakatulong sa iyong paglalaro.

Kung ikaw ay bagong manlalaro, mayroong gagabay sa iyo kung ano ang mga dapat mong gawin. Sundan lamang ang itinuturo at basahin ang sinasabi sa direksyon. Ito ay para mas mabilis mong maunawaan ang daloy ng laro at maging pamilyar ka rito. Kapag nalagpasan mo na ang tutorial stage, magiging madali na sa iyo kung paano ito laruin.

Simple at madali lang matutunan ang larong ito. Sa simula ng laro, kailangan mo munang gumawa ng account. Maaari mong ikonekta ito sa iyong social media account o Google Play account. Gumawa rin ng iyong username na gagamitin mo sa laro. Pagkatapos nito ay maaari mo nang simulan ang paglalaro. Ang inirerekomenda sa mga unang manlalaro ay ang paglalaro ng adventure mode. Mayroon itong tatlong levesl, ang Normal, Hard, at Mythic. Subalit ang pipiliin mo muna ay normal upang masanay ka sa paglalaro. Kapag natutunan mo na ito, saka ka maglaro ng hard at mythic levels upang tumaas ang iyong ranggo. Maaari ka ring makakuha ng mga item at premyo at mabuksan ang mga hero.

Dagdag pa rito, bukod sa paglalaro, kailangan mo ring alaming mabuti ang mga katangian ng karakter na iyong gagamitin upang alam mo kung para saan ang mga kapangyarihan nila. Sa ganitong paraan, magagamit mo ang kanilang kakayahan nang maayos sa pakikipaglaban. Kung nais mo namang lumakas ang iyong mga karakter, maaari kang bumili ng mga gear, equipment at i-upgrade ang kanilang abilities. Para magawa ito, kolektahin ang mga coin, diamonds at ibang items na magagamit mo sa pagbili. Sa huli, nakadepende pa rin sa istilo ng iyong paglalaro ang iyong pagkapanalo.

Ilan lamang ito sa tips at tricks na makakatulong sa iyong paglalaro. Kung nais mo pa ng ibang gabay upang madali mong matutunan ang larong ito, maaari kang manood ng mga YouTube tutorials.

Pros at Cons sa paglalaro ng Awaken: Chaos Era

Para sa Laro Reviews, ang Awaken: Chaos Era ay bagong larong inilabas sa Google Play Store na isa sa magagandang role-playing games na malalaro mo. Napakarami rin nitong game features na pwede mong pagpilian. Ito rin ang dahilan kaya mas nakahihikayat itong laruin ng mga manlalaro kahit bago pa lang.

Pagdating naman sa graphics, ang larong ito at nakalalamang sa iba dahil sa HD graphics at cinematic-style visuals na inilapat sa laro. Ang mga karakter na binuo, lugar na pinagdarausan ng laban, mga mode at items na makikita mo ay may magagandang disenyo. Hindi mo ito karaniwang makikita sa ibang laro.

Dagdag pa rito, nakatanggap rin ang larong ito ng iba’t ibang reviews sa Google Play Store. Ayon sa mga komento, isa ito sa mga larong mayroong magaling na cinematic visuals at designs sa mga karakter. Masaya rin daw itong laruin at maraming pwedeng magawang laro. Subalit, ang larong ito ay nangangailangan ng malaking space sa storage ng device dahil aabot sa mahigit 1.1GB ang Awaken: Chaos Era. Samantala, may iba ring komento ang mga manlalarong nagkakaroon ito ng connection error makalipas ang 30-40 minuto ng paglalaro. Malaki rin daw ang RAM na kinukuha ng laro sa kanilang devices.

Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app na produkto gamit ang tunay na pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱48 hanggang ₱15,000 kada item. Subalit pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting ang in-app na pagbili kung ayaw mong gumastos.

Subalit, maaari mo pa ring malaro ang Awaken: Chaos Era kahit hindi ka gumamit ng tunay na pera. Mayroon itong mga item na makukuha mo sa pamamagitan ng paglalaro at pagkapanalo sa mga laban. Ibigay ang lahat ng iyong makakaya upang manalo sa mga laban.

Konklusyon

Ngayon, mayroong itong 4.7 stars out of 5 ratings sa Google Play Store, at umabot na sa mahigit 500 libong downloads kahit bagong labas pa lamang ito ngayong taong 2022. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong devices ang Awaken: Chaos Era!