Maranasan ang vintage Roguelike encounter kasama ang dungeons na piniling random pati na rin ang activities. Pumili at i-personalize ang iyong monster, at gawing perpekto ito sa stylish outfits! Upang lumabas ang katotohanan, kailangang matalo ang napakaraming bosses at monsters!
Ang paglalaro ng Roguelike-RPG ay maaaring nakakabigla lalo na kung bago pa lamang sa ganitong uri ng gameplay. Sa bagay na ito, makakatulong ang Laro Reviews na magkaroon ng pangunahing kaalaman sa iMonster Classic – Hero Advent.
Storyline ng iMonster Classic – Hero Advent
Ang Floating Island, isang magnificent na suspended island na itinayo ng mga tao, ay naging perched sa tuktok ng Ruling Tower. Ito ay ang forerunner of civilization sa rehiyong ito na nanghihingi ng mataas na energy requirements.
Habang itinatayo ito, isang ideological war sa pagitan ng mga tao at beasts ang nabuo sa bahagi ng isla. Ayon sa legend, ang Devil King ay binihag ng mga tao sa Ruling Tower pagkatapos ng katakot-takot na diplomatic negotiations.
Upang mailigtas ang Devil King, kailangang labanan ang human brutal economic oppression at demons na nagsimula ng laban na nakilala sa katawagang “The Association of Monster’s Rights” upang makuha ang Ruling Tower. Gayunpaman, ang operasyon ay hindi nagtagumpay at maraming beasts ang napatay o nakulong. Ang natirang buhay na monsters ay nagawang makalipad patungo sa kakahuyan at doon ay bumuo ng kampo ng mga natira.
Ang istorya ay umiikot sa development, gathering, discovery, exploration, technique, competing, at revelation.
Gameplay ng iMonster Classic – Hero Advent
Magpalit ng anyo sa pagiging terrifying monster at maging wizard sa pamamagitan ng pagpapalit ng genes, pag-aaral ng magic, equipment forging, at pagliligtas ng monster friends or pakikipaglaban kasama nila.
Magsisimula ang laro bilang monster na naatasang magligtas sa Devil King na ikinulong ng masasamang tao sa Ruling Tower. Sa kabuuan ng amazing challenge, matutuklasan ang despicable human conspiracy at ang buong katotohanan.
Pag-Download ng iMonster Classic – Hero Advent
Ang iMonster Classic – Hero Advent ay maaaring i-download ng direkta mula sa Google Play Store para sa mga Android devices at sa App Store naman para sa iOS devices. Maaaring gumamit ng emulator upang malaro ito sa PC.
Maaaring i-download ang laro gamit ang sumusunod na links:
Download iMonster Classic – Hero Advent on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.loongcheer.imonster.heroadventure.classic
Download iMonster Classic – Hero Advent on iOS https://apps.apple.com/us/app/imonster-classic-heroadventure/id1521216127
Download iMonster Classic – Hero Advent on PC https://www.bluestacks.com/apps/adventure/imonster-classic-hero-advent-on-pc.html
Tips at Tricks sa Paglalaro ng iMonster Classic – Hero Advent
Upang matalo ang difficult bosses at lumabas ang katotohanan, palakasin ang iyong monster sa napakaraming skill fusions at matuklasan ang perfect apparel costume. Mangulekta at magsimulang bumuo ng pinakamahuhusay na weapon at armor na gagamitin sa legendary roguelike combat.
Ang pinakaimportanteng payong maibibigay ng Laro Reviews ay ang mag-slow down. Ang pinakamasamang maaari mong magawa sa disoriented conditions ay ang pagmamadali sa paglalaro sa halip na mag-slow down na makakapagbigay sana ng benepisyo ng turn-based natural order ng larong ito at masusing mapag-aralan ang mga dapat gawin. Mangangailangan ito ng ng maraming effort upang mapatupad ang prinsipyong ito ng natural sa isipan ng mga manlalaro, ngunit kung hindi ito magagawa, magiging sanhi ito ng mas malaking pagkabalam ng one great promised victory. Sa life-or-death situation, mas mabagal ang paggalaw, mas malaki ang tsansa ng survival.
Sa pagsisimula ng panibagong adventure, kakailanganing pumili ng panimulang karakter. Siguraduhing pumili ng karakter na angkop sa iyong playing style. Sa iba’t ibang kakayahan, weapon systems, at stats, bawat karakter ay nagpapahintulot na mag-customize ng sariling playstyle. Ang iba ay angkop para sa defensive strategy o assist, ang iba naman ay lethal para sa offense. Sa maraming stats, ang pagkakaroon ng well-balanced skill set ay mahalaga.
Sa pagsisimulang maglaro ng iMonster Classic – Hero Advent, kahit pagkatapos mag-isip ng mabuti sa pagpili ng karakter na lalaruin, susubukin ka pa rin ng laro at mainam na magkaroon ng pang-unawa sa environment sa simula pa lang.
Pros at Cons ng iMonster Classic – Hero Advent
Ang iMonster Classic – Hero Advent ay isang cool at exciting game na may disenteng ideya. Mas malayo ang magiging progreso, mas mababa ang posibilidad na makakuha ng mas magandang gears na hindi naman malaking bagay kung ang upgrading ng lesser quality equipment ay halos imposible lalo pa at ang pagtaas ng potensyal ng resources ay scarce at ang diamonds ay maaari lang makuha sa pamamagitan ng panonood ng video ads.
Ang iMonster Classic – Hero Advent ay may limited storage space at kapag nakumpleto na ang misyon, magkakaroon ng gears paminsan minsan. Kailangang mamili kung itatapon ang gear na nasa bag at kukunin ang bagong gear o hindi kukunin ang bagong gear. Matagal bago makita ang gear at malaman kung mas maganda ito kaysa sa gear na mayroon ka na. Mas mabilis kung mayroon kang sapat na space. Masyadong maraming tutorial at parang mas marami pa ang swapping armor kaysa sa gameplay.
Dahil sa pagiging likas na paulit-ulit ng content, ang mga manlalaro ay hindi makakapaglaro ng higit sa isang linggo. Ang laro ay mas matagal kaysa sa inaasahan. Tunay na entertaining naman ito at kung nag-eenjoy ka sa goblin developing novels, ang larong ito ay para sa iyo. Ang diamond structure ay humihikayat sa mga manlalaro na manood ng maraming ads at ang net result ng long haul ay frustration.
Konklusyon
Ang distinguishing characteristics ng roguelikes ay nakaka-enganyo hindi lang dahil sa mga features nito kundi sa uri ng larong iniaalok nito. Ang roguelike architecture ay nagpapakita ng power ng games na nangangailangan ng marami at paulit-ulit na na effort at accomplishment. Pinapalawak nila ang mga bagay para sa ganitong uri ng laro sa pamamagitan ng pagpapahintulot ng irreversible death, at sinisiguro nito na ang bawat approach ay kakaiba sa pamamagitan ng random na design at pagpapahintulot ng wala o limitadong carryover ng strengths muna sa naunang matches. Ito ang dahilan kung bakit ang iba’t ibang klase ng larong tulad ng dungeon crawlers at adventure games ay magandang gawing roguelike.
Sa pagkakaroon ng mga computer systems at video gaming systems na equipped ng mas highly developed graphics at game features, maraming mga laro ang nahango mula sa vintage roguelike styling ngunit nagkakaiba sa isa o maraming components ang nagsisilabas ngayon. Ang bulto ng mga kakaibang gameplay sa laro ang makakasiguro na tatapusin ng manlalaro ang specific targets sa maraming paraan na lumilikha ng adaptive gameplay sa iMonster Classic – Hero Advent.