Ang The Walking Dead: Survivors ay isang taktikal na laro online na nag-aalok ng feature na multiplayer kung saan makikilahok ka bilang survivor na may komunidad na itatayo. Maaari kang bumuo ng isang hanay ng amenities sa komunidad, kabilang na ang produksyon ng mga istruktura, mga pasilidad sa pagsasanay ng mga espesyal na pwersa, mga pasilidad na medikal, library, at marami pang iba. Ang bawat istruktura ay may natatanging layunin. Halimbawa, ang Broadcasting Station ay isang istruktura sa komunidad kung saan maaaring manatili ang mga nakaligtas.
Ang laro ay nagpapakita ng ilang matinding gameplay na ang mga mapanghamong elemento ang pinakamahalagang aspetong dapat tandaan upang magtagumpay sa larong ito. Ang mga baguhan ay mahihirapang sumabay sa mabilis na kapaligiran, na kadalasang nagbibigay ng malaking agwat mula sa mga eksperto. Ang pagbabasa ng mga artikulo sa Laro Reviews, na nagbibigay ng pangunahing impormasyong kailangan, ay walang alinlangang tutulong sa mga baguhan. Bukod dito, ito rin ay malaking tulong sa karamihan sa mga manlalaro ng F2P sa paghabol sa iba pang manlalarong may mas maraming karanasan at kakayahan upang mapanatili ang kanilang presensya na kinikilala at kapaki-pakinabang.
Mga Layunin sa Kaligtasan sa The Walking Dead: Survivors
Kung napanood mo na ang The Walking Dead o mahilig kang maglaro ng Zombie at Survival na mga laro, magiging karaniwang kaalaman para sa iyo na ang pagtutulungan ng magkakasama at ang pagkilos nang may pakikipagtulungan ay mahalaga para sa isang malaking panalo. Bilang resulta, ang ilang mga remake ng theme ay madalas na nakatuon sa pagtatatag ng mga pamayanan at pagtatangkang manatiling buhay bilang isang komunidad hangga’t kaya nila. Ang The Walking Dead: Survivors ay sumusunod sa isang katulad na pattern.
Ang pangunahing layunin ng laro ay ang makaipon at magsumikap na iligtas ang pinakamaraming indibidwal hangga’t maaari para masimulan mong mapaunlad ang iyong bayan. Pagkatapos ay kailangan mong makipag-alyansa sa ilang iba pang mga commander ng imperyo na may hawak na parehong mga konsepto, at kailangan mong manatiling naninirahan sa isang mundong sinasakop ng malalakas at kakilakilabot na mga zombie. Sa paggawa nito, kakailanganing makipaglaban sa mga pangkat ng tao sa kanilang walang katapusang paghahanap para sa kapangyarihan at yaman.
Pag-download ng Laro
Tukuyin kung gaano katagal makaliligtas sa The Walking Dead: Survivors sa pamamagitan ng pag-download nito para sa iyong mobile phone mula sa online na play store. Upang laruin ito sa Android device, i-download ito mula sa Google Play Store, habang para laruin naman ito sa iOs device, maaaring i-download ang laro sa App Store. Upang maglaro nang direkta mula sa PC, tingnan ang kanilang website sa
https://twds.elex.com/en/features-n20-1.html
Maaaring i-download ang laro rito:
- Download The Walking Dead: Survivors game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.elex.twdsaw.gp
- Download The Walking Dead: Survivors game on iOS https://apps.apple.com/in/app/the-walking-dead-survivors/id1514546586
- Enjoy The Walking Dead: Survivors game on PC https://roc.lilithgames.com/en
Tips at Tricks para sa Kaligtasan at Tagumpay
Ang pangunahing layunin ng laro ay hindi lamang upang manalo, ngunit upang makakuha rin ng pinakamaraming yaman hangga’t kaya mo at sa pinakamabilis na paraan hangga’t maaari. Ito ay tungkol sa kasanayan, kaya naman ang pagsusumikap na magawa ang mga partikular na bagay kahit sa simula pa lang ay makatitipid sa iyong mahalagang oras. Mangyaring tandaang walang sinuman ang pipilitin kang pumili ng isang partikular na function. Gayunpaman, nagreresulta ito sa pinakamaraming growth. Ang bawat plotline ng The Walking Dead: Survivors ay sinusuportahan ng ilang misyon at kabanata. Kaya ang bawat misyon ay dapat na naglalaman ng mga bagay o mapagkukunang hindi maaaring makuha sa pamamagitan ng mga side mission o kahit na iba pang mga target.
Kapag sinimulan mo ang mga epic na quest at initiatives, ang mas mahahalagang aspeto na dapat tapusin sa simula ay palaging ipakikita sa kaliwang ibaba ng iyong monitor. Sa pangkalahatan, ang listahang ito ng mga misyon ay mas mahaba at maaaring umokupa ng mas maraming espasyo sa iyong monitor. Kapag nagawa na, maaari mong pag-aralan ang mga ito at suriin ang lahat ng target na kasalukuyang ginagawa. Ang Town Hall ay ang tanging istruktura na nakatuon sa parehong mga elemento ng course pagdating sa pag-update ng istruktura pati narin ang construction. Gayundin, hindi ito maaaring pabagalin ng maraming misyong itatalaga rito. Bilang resulta, maaari kang gumawa ng iba pang mga bagay habang tinatapos ang construction, pati na rin ang mga update.
Sa tuwing gugustuhing mabilis na i-upgrade ang iyong istasyon, hindi ka dapat maging masyadong matipid sa iyong mga resource pack at speedups. Bukod pa rito, ang mga bagay na ito ay nilayong gamitin, lalo na sa mga unang stage ng laro. Tila walang “ideal moment” ng paggamit nito maliban sa ngayon dahil pinapayagan nito ang mga manlalaro na mag-level up nang mas mabilis. Para pataasin ang iyong power level, gamitin ang mga speedup para agad na laktawan ang pagsasanay, pagsasaliksik, at pag-a-upgrade.
Makilahok sa isang makapangyarihang clan. Pagkatapos nito, maaari mong anihin ang mga benepisyo ng pagiging miyembro ng isang clan, kabilang na ang pagtanggap ng mga kahon ng regalo, pagtanggap ng tulong sa pagtatayo o pananaliksik, at para subukang atakihin ang Clan-based na materyal sa mapa. Palaging may advantage ang pag-teleport patungo sa clan outpost, kung saan makakasama ka ng mga manlalaro na makatutulong sa iyong iligtas ang sarili mula sa iba pang agresibong manlalaro.
Related Posts:
State of Survival: The Joker Collaboration Review
Rise of Kingdoms: Lost Crusade Review
Ang mga nakaligtas ay itinalaga sa mga indibidwal na function at specialty. Nakatuon ang mga nakaligtas sa labanan sa pagiging deployed upang sugpuin o protektahan ang iyong lungsod laban sa mga pag-atake, kaya hindi mo dapat gamitin ang mga ito para sa anumang bagay. Suriin kung aling mga uri ng yunit ang tumatanggap ng mga bonus para sa tuwing itatalaga mo ang iyong mga mandirigma, maaari mong italaga ang mga ito sa pinakamagandang porma ng hukbo upang palakasin ang kanilang pakikipaglaban.
Pros at Cons ng The Walking Dead: Survivors
Ang The Walking Dead: Survivors ay mahusay ang pagpapakilala sa iyo sa mundo ng Zombie at pagtuturo sa iyo ng mga pangunahing kaalaman. Bagaman, maaaring medyo iba ang pakiramdam pagkatapos nito.
Ang laro ay may mga plotline na nakasalalay sa mga komplikadong misyon at mga seksyon. Ang mga plotline mismo ay napakahusay na ginawa at naghahatid sa iyo ng isang kawili-wiling storyline na nagpapanatili sa iyo na nakatuon sa laro at naaaliw hanggang sa katapusan.
Ito ay hindi isang estratehiya sa laro kung saan dapat mong labanan ang bawat pagkakataon at subukang kontrolin ang buong istasyon nang mag-isa. Malaki ang posibilidad na ma-invade ka ng multiple strike sa parehong oras. Ang larong ito ay higit na labanan ng clan versus clan kaysa labanan ng manlalaro laban sa manlalaro.
Ang The Walking Dead: Survivors ay isang kawili-wiling strategy game na pinahusay ng pagsasama ng mga paborito ng tagahanga. Sa karamihan ng mga bahagi, ang laro ay may kasamang tipikal na RTS gameplay. Ang salungatan sa magkabilang panig ay isang mapaglarong taktikal na twist. Ang laro ay isang interactive na karanasan sa RTS na maaaring makaakit ng mga tagahanga at mga baguhan.
Konklusyon
Ang The Walking Dead: Survivors ay hindi kabilang sa isa sa mga simple at madaling laro na available. Ang laro ay nagbibigay ng isang detalyadong tutorial at ito ang magbibigay sa iyo ng matibay na pang-unawa sa gameplay. Gayunpaman, tulad ng anumang iba pang strategy-based game, ang mga kakayahan ay maaaring makuha at mabuo sa pamamagitan ng pagsasanay. Kapag mas matagal kang naglalaro at magbibigay ng game potential, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng epektibong pagpapatupad. Kung susundin mo ang tips na nababggit mula sa Laro Reviews, mas mabilis na maunawaan kung ano ang susunod mong gagawin kapag medyo nahuhuli na sa laro.
Laro Reviews