Panimula ng Larong Rec Room – Play and build with friends!
Ang Rec Room – Play and build with friends ay isang perpektong lugar para lumikha ng magkakasama ang magkakaibigan. Sumali sa mga grupo mula sa iba’t ibang lugar sa buong mundo upang makilala, makipag-usap, magsimulang mag-explore ng maraming player-created rooms, o gumawa ng mga bagong ideya na maaaring maibahagi sa iba.
Ang Rec Room – Play and build with friends ay isang libreng cross-platform video game na maaaring malaro gamit ang VR headset o maaari rin namang wala nito. Makipag-ugnayan sa iba pang mga tao sa buong mundo sa kahit anong device.
Mga Layunin sa Larong Rec Room – Play and build with friends!
Tuklasin ang napakaraming player-created rooms o makipagtulungan sa mga kaibigan para makapagsimula ng panibagong istilo. Sa maraming rooms na nadadagdag tuwina, hindi mo makukuhang mainip sa larong ito! I-personalize at simulang damitan ang nakakatuwang Rec Room Avatar para maipakita ang sariling personalidad.
Subukan ang mahihirap, nakakalibang, o maging ang sadyang kakaibang mga laro na nilikha ng kapwa mga players na tulad mo. Ilabas na ang paintball gun at humandang magtago mula sa mga kalaban! Saang lugar o mapa ka man mapadpad, sikaping makuha ang bandila ng kalaban. May sapat na mga customizable features ang laro upang mapanatiling fresh lagi ang gameplay nito.
Subukan ang kakayahan sa paggamit ng Maker Pen. Ito ang device na ginagamit ng mga Rec Room designers para makalikha ng kahit ano mula sa mga pets hanggang sa mga choppers na makakaikot sa iba pang bahagi ng mundo.
Bumuo ng grupo ng army kasama ng mga kaibigan at bigyan ng mga sandatang laser gun ang bawat isa sa kanila. Para matalo ang Jumbotron at ang kanyang armed force of robots, kailangang magtulungan bilang isang team.
Pag-download ng Rec Room – Play and build with friends!
Ang larong Rec Room – Play and build with friends ay maaaring direktang laruin sa website nito na “recroom.com” gamit ang browser sa PC o kahit sa mobile devices. Maaari rin itong ma-i-download mula sa Google Play Store para sa Android devices at AppStore naman para sa iOS devices. I-download ang laro gamit ang sumusunod:
- Download Rec Room – Play and build with friends! on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.AgainstGravity.RecRoom&hl=en_SG&gl=US
- Download Rec Room – Play and build with friends! on iOS https://apps.apple.com/us/app/rec-room/id1450306065
- Download Rec Room – Play and build with friends! on PC https://recroom.com/
Mga Gabay sa Paglalaro ng Play and build with friends!
Tingnan ang loob ng backpack para mahanap ang Maker Pen. Buksan ang iyong backpack sa pamamagitan ng suot mong relo. Sa Maker Pen icon, i-click ang “use”. Maraming options na available na mapipili sa Maker Pen menu. Simulan ang pagdedekorasyon na ayon sa nilalaman ng iyong puso!
Para masimulan ang pag-customize ng Dorm Room gamit ang Maker Pen, buksan ang watch, pumunta sa store, i-tap ang enter store icon, pagkatapos ay pindutin ang inventions button. Mula dito ay masisimulan na ang design selections para sa iyong Dorm Room.
Para matipid ang ink sa iyong mga rooms, kailangang bantayan ito. Para magawa ito, kailangang ilabas ang pen. Buksan ang watch, magtungo sa backpack, ilabas ang pen sa pagpindot ng use icon, i-click ang open palette button at makikita na dito ang ink. Mahalagang malaman na lahat ng shapes, colors, gadgets, props, at inventions ay may katapat na dami ng ink na dapat gamitin. Siguruhing i-merge ang shapes para matipid ang ink. I-configure ang mga simpleng bagay bilang dekorasyon para makatipid ng space at ink. I-merge ang circuits sa circuit board.
Para makapagdisenyo ng sariling room, kailangang munang magpasya ng magiging pangunahing layunin ng room. Kapag pumasok ang players sa Rec Room sa loob ng 5-30 segundo, dapat ay maunawaan nila kung ano ang layunin sa room. Ito ay makakatulong sa kanilang pagdedesisyon kung mananatili at magpapatuloy sa paglalaro sa room. Ano nga ba ang mga pagsubok na makakapigil sa player para makuha ang layunin ng laro? At paano malalampasan ng mga players ang pagsubok? Kailangang maramdaman ng mga naglalaro na may progreso sila patungo sa layunin habang naglalaro. Ito ang magpapanatili ng excitement at pananatili sa loob ng room.
Ang Rec Room – Play and build with friends ay nagbibigay-halaga sa “enjoyment” at “accommodation.” Laging tandaan na kahit ang mga players ay sinusuri base sa rooms sa mga kompetisyon. Ang mga may available experiences ay laging mas pinipili. May limitasyon sa pagitan ng paglikha ng isang bagay na masyadong extensive, complex, tough, at sa paglikha ng isang simpleng bagay. Ang mga bagay ay madaling matutunan ngunit mahirap ma-master kaya mas pinipili ito. Ang mga rooms ay dapat na enjoyable at available sa lahat ng players at dapat ay gumagana sa kahit anong device.
Related Posts:
Tile Connect – Classic Match Review
The Sun: Origin Review
Play and build with friends! Game Review
Ang Rec Room – Play and build with friends ay nagbibigay ng maraming pagkakataon para magamit ang creative thinking. Ang configuration nito ay maayos at ang decenter nito ay walang kapantay. Lahat ng games dito ay may kakaibang katangian. Isa itong laro na maaaring gawin ang kung anuman ang ididikta ng instincts. Ito ay tunay na nakakamangha. Ang voice chat at ang kakayahang ma-personalize ang dorm room ay available.
Sa kabilang banda, kahit pa enjoyable ang laro, may ilang mga glitches ang gameplay nito. May mga conflict at strange bright lights ito. Ang control systems nito ay nakakalat sa screen kaya may kahirapan itong ilabas at gamitin. May paminsan-minsang pagla-lag ang laro. Maganda ang malawak na komunidad nito ngunit may mga nakakapasok na bastos at toxic members na nakakabawas sa kasiyahan ng paglalaro.
Konklusyon
Ang Rec Room – Play and build with friends ay isang larong laan para sa mga taong mahilig sa design at paglikha ng mga bagay kung saan mailalabas ang talento sa arts.
Maaaring i-personalize ng players ang kanilang avatars. Maaaring subukan ang mga larong nilikha ng ibang players. At higit sa lahat, maaaring lumikha ng kanilang room at laro na maaaring bisitahin ng ibang players para tingnan at subukan ito.
Ang laro ay may malaking komunidad kung saan maaaring makipag-usap ang bawat players sa ibang tao habang naglalaro. Kung gagamitin ito ng maayos, makadaragdag ito sa saya at excitement ng laro, ngunit para sa ilang mga toxic na tao, hindi ito maganda dahil ginagamit nila ang chat para sa pagmumura o pangba-bash. Karaniwan na ito sa mga laro na may mga chatrooms.
Kung may natatanging talento, lumikha ng sariling room at magdisenyo ng sariling laro sa Rec Room – Play and build with friends! Malay mo, ito na ang unang hakbang para makalikha ka ng pambihirang game app na balang araw ay ma-eenjoy na laruin ng mga tao.
Laro Reviews