Last Day on Earth: Survival Review

Last Day on Earth: Survival – Mamangha sa free-to-play zombie survival game na ito, kung saan dapat harapin ng mga manlalaro ang mga nakakatakot na zombie at mamuhay nang mag-isa. Ang mga manlalaro ay dadalhin sa isang lugar na may sirang bahay at ito ang magsisilbing tirahan nila. Nakatuon ka sa pangongolekta ng mga kagamitan na kakailanganin mo upang mabuhay sa mapanganib na lugar na ito. Araw-araw, ang iyong layunin ay manatiling buhay habang nagmamatyag o nakikipaglaban sa mga zombie. Makakatagpo ka ng iba pang mga manlalaro at maaari kang sumali sa mga grupo upang madagdagan ang iyong mga pagkakataong mabuhay.

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang larong Last Day on Earth: Survival ay walang partikular na layunin. Ang laro ay nagbibigay sa iyo ng iba’t ibang mga misyon na dapat tapusin. Kakailanganin mo ring mag-ipon ng mga mapagkukunan ng pagkain at kagamitan para mabuhay. Mayroon ding mga armas na maaari mong mahanap at magamit sa oras ng pakikipaglaban. Habang ikaw ay naglalakbay at naghahanap ng mga kagamitan ay maging alerto ka sa iyong paligid dahil anumang oras ay maaaring may makasalubong ka na kalaban kaya maging maingat palagi.

Paano Ito Laruin?

Basahin ang artikulong ito at ang Laro Reviews ay magbibigay sayo ng sapat na kaalaman kaugnay sa larong Last Day on Earth: Survival. Sa sandaling buksan mo ang game app na ito ay kailangan mong pumili kung saan mo gusto pumasok na server at pagkatapos ay maaari mong i-personalize ang itsura ng iyong karakter. Ang susunod na mangyayari dito ay dadalhin ka nito sa iyong magiging pangunahing base. Magsimula kang mangolekta ng mga kagamitan tulad ng bato, kahoy, berry, buto, at halaman. Makakatagpo ka rin ng ilang mga zombie, lobo, o usa.

Ang iyong pangunahing layunin sa larong ito ay ang manatiling buhay at makakuha ng pagkain para maiwasan ang pagkagutom. Araw-araw, kailangan mong lumaban para sa iyong kaligtasan. Kailangan mong maglibot sa iyong lugar para makakuha ng mga supply at mga kagamitang kakailanganin mo. Maging alerto dahil anumang sandali ay maaaring may makasalubong kang mga kalaban o zombie na maaari kang salakayin. Sa paglaon, kakailanganin mong palakihin ang espasyo na iyong ginagalawan para makapagdagdag ka ng mga fireplace, melting furnace, at iba pa.

Maaari mo rin i-upgrade ang iyong karakter at base. Maaari ka ring bumili ng iba’t ibang items sa in-app purchases ng laro para mabilis mong maihanda ang iyong sarili sa mahihirap na labanan. Dahil ang larong ito ay kasalukuyang nasa BETA Test, maaaring magbago ang ilang partikular na detalye nito sa paglipas ng panahon. Gayunpaman, ito ay nagbibigay pa rin ng magandang panimula para sa mga manlalaro.

Paano I-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Last Day on Earth: Survival sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay nag-iiba sa device at 996 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click an mga links sa ibaba upang mag-download:

Download Last Day on Earth: Survival on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=zombie.survival.craft.z

Download Last Day on Earth: Survival on iOS https://apps.apple.com/us/app/last-day-on-earth-survival/id1241932094

Download Last Day on Earth: Survival on PC https://www.ldplayer.net/games/last-day-on-earth-survival-on-pc.html

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Last Day on Earth: Survival

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Last Day on Earth: Survival pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o mase-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Last Day on Earth: Survival!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Last Day on Earth: Survival

Narito ang Laro Reviews para magbahagi ng ilang tips sa paglalaro ng Last Day on Earth: Survival. Dito kailangan mong matutunan ang mga pangunahing kaalaman sa labanan. Bukod sa mga zombie na kinokontrol ng AI, kakailanganin mo ring harapin ang mga buhay na tao na maaari ring umatake sa iyo. Tiyaking ganap kang handa para sa anumang labanan anumang oras, at magsanay sa pag-atake laban sa mga halimaw na ito. Upang maiwasan na hindi makagalaw sa oras ng labanan, gamitin ang crouch button at lumipat ng posisyon, sa ganitong paraan ay maaari kang makawala sa kalaban o maiwasang mahuli.

Mainam din kung susubukan mong maghanap ng mga armas na makakatulong sa iyo sa labanan. Dahil ang mga kalaban o zombie ay nagiging mas mahirap talunin, hindi ka maaaring basta-basta na lamang susugod at aatake. I-upgrade ang iyong base pati na rin ang mga skills ng iyong karakter. Dapat ka ring kumain upang maiwasan ang gutom sa iyong paglalakbay, at dapat maging alerto ka sa iyong paligid.

Related Posts:

Alchemy Stars Review

Realm of Heroes Review

Pros at Cons sa Paglalaro ng Last Day on Earth: Survival

Nabanggit na ang larong ito ay kasalukuyang nasa BETA Test, na nangangahulugang maaaring magbago ang ilang partikular na detalye ng laro. Mayroong ilang mga bagay na maaaring baguhin, ngunit nagbibigay pa rin ito ng kawili-wili at magandang karanasan sa mga manlalaro. Ang makapigil-hiningang aksyon laban sa mga zombie, lobo, at usa, pati na rin ang mga taong umaatake ay nag-aambag sa mga kapanapanabik na elemento ng laro. Ang mga kontrol ay maayos at napakadaling gamitin. Mayroon ding imbentaryo kung saan makikita mo ang lahat ng iyong mga koleksyon at mga kagamitan. Kung nahihirapan ka sa pag-level up, maaari kang bumili ng mga items mula sa in-app purchases nito. May mga sasakyan din na mahahanap at magagamit para magsilbing transportasyon dito.

Sisikapin mong makahanap ng mga kagamitan or armas na maaari mong magamit sa labanan. Habang umuusad ka sa laro ay nagiging mas mahirap din talunin ang mga kalaban na zombie. Kaya mas mainam na bigyan mo ng pansin ang pag-upgrade ng iyong karakter at ganoon din ang iyong base. Tulad sa totoong buhay, kailangan ng pagkain upang hindi mamatay sa gutom, ganoon din dito. Kailangan mong libutin ang lugar para makakuha ng iyong mga pangangailan at pagkain. May mga hayop, prutas, at halaman na maaari mong mapagkunan ng enerhiya.

Maaaring hindi angkop ang laro para sa lahat ng edad dahil sa karahasan na mayroon ito, ngunit ito ay magiging isang mahusay na app para sa mga manlalarong nasa hustong gulang na gustong subukan ang genre na ito. Ang mga visuals at audio effect ay napakaganda at kaakit-akit. Ang mga kontrol ay napakahusay at napakadali lamang matutunan.

Konklusyon

Ang larong Last Day on Earth: Survival ay isang nakamamanghang laro kung saan matutunan mong mamuhay nang mag-isa mula sa pananakop ng mga zombie. Ito rin ay nakalilibang laruin dahil sa nakaka-challenge na features ng laro. Maghahanap ka ng mga kagamitan na maaari mong magamit at pagkain para mabuhay. Ito ay libre lamang i-download kaya subukan mo na at tiyak na malilibang ka sa aliw na hatid nito.

Laro Reviews