Survival at Gunpoint Review

Ang Survival at Gunpoint ay nagbibigay-daan sa iyo na maranasan ang pananabik sa pakikipaglaban kontra sa mga zombie at pagliligtas sa mga huling survivor sa isang lungsod na puno ng zombie. Ang laro ay may simpleng gameplay kung saan maaari kang mag-auto fire sa mga zombie sa iyong paligid. Magsisimula ka sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa lugar, paghahanap ng mga dropped item, at paghahanap ng iba pang nakaligtas. Itatag ang iyong santuwaryo at pamunuan ang iyong mga tao sa pagbuo ng isang bagong tahanan nang sama-sama. Gumawa ng matatag na base kontra sa mga sumasalakay na pwersa, zombie man o tao.

Ano ang layunin ng laro?

Ang iyong pangunahing layunin sa larong ito ay kumpletuhin ang bawat misyon sa bawat chapter. Maaaring ito ay anumang bagay na kaugnay sa pagliligtas sa natitirang mga survivor, paghahanap ng mga dropped item, o pagpapalawak ng iyong teritoryo. Mayroong ilang mga misyon na dapat gawin. Maaari kang bumuo o sumali sa mga alyansa upang madagdagan ang iyong pwersa. Sa ganoong paraan ay maaari kang humingi ng tulong kapag kinakailangan. Unahin ang pagpapabuti ng mga kakayahan ng iyong mga bayani. Simulan ang iyong paglalakbay ngayon. Ang kapalaran ng post-apocalyptic world na ito ay nasa iyong mga kamay.

Paano ito laruin?

Sa artikulong ito na ginawa ng Laro Reviews, bibigyan ka ng ideya tungkol sa larong ito at iba pang elementong matutuklasan mula rito. Sa sandaling buksan mo ang app, dadalhin ka kaagad nito sa iyong unang misyon sa digmaan. Sa unang engkwentro, bibigyan ka ng isang karakter at armas na gagamitin. Ang iyong unang gawain ay iligtas si Yumi habang pinapatay ang mga zombie sa daan.

Pagkatapos mo siyang iligtas, susundan ka niya habang nakikipaglaban ka sa iba pang mga zombie. May kakayahan siyang tulungan ka. Ang mga potion, powerup, at mga dropped item ay maaaring matagpuan dito. Maaari mong kolektahin ang mga ito upang magamit sa mga susunod na laban. Ang opsyon na “Hero” ay matatagpuan sa ibaba ng screen. I-tap ang opsyong iyon upang tingnan ang mga istatistika ng iyong bayani, at pagkatapos ay pagandahin ang kanilang mga katangian mula doon.

Maaari ka ring bumuo o sumali sa mga alyansa upang palakasin ang iyong pwersa at humingi ng tulong kung kinakailangan. Pagkatapos, para salakayin ang kalaban, pagalawin lang ang iyong karakter gamit ang virtual joystick. May kasama itong auto-fire function na nagbibigay-daan sa iyong kusang mabaril ang mga kalaban sa loob ng iyong range nang hindi kinakailangang gumawa ng maraming pagsisikap upang patayin sila. Ang kailangan mo lang gawin ay sundin ang berdeng arrow na nagtuturo sa lugar o lokasyon kung saan kailangan mong pumunta. Dapat mong maunawaan ang mga pangunahing aspeto at mekaniks ng laro. Ang iba pang feature nito ay maa-unlock habang umuusad ka sa laro.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Survival at Gunpoint sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 279 MB at 847.6 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Survival at Gunpoint on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.global.yysj

Download Survival at Gunpoint on iOS https://apps.apple.com/us/app/survival-at-gunpoint/id1550566525

Download Survival at Gunpoint on PC https://www.gameloop.com/ph/game/role-playing/com.global.yysj

Hakbang sa paggawa ng account sa larong Survival at Gunpoint

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Survival at Gunpoint pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Survival at Gunpoint

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Survival at Gunpoint

Ang Laro Reviews ay malugod na magbabahagi ng ilang pangunahing diskarte na magagamit mo upang manalo sa larong ito. Narito ang listahan ng mga ideya na maaari mong isaalang-alang.

  1. Palakasin ang kakayahan ng iyong mga bayani.
  1. Bumuo o sumali sa mga alyansa upang madagdagan ang iyong mga pwersa at humingi ng tulong kung kinakailangan lamang.
  1. Kunin ang lahat ng makikitang potion, powerup, o mga dropped item sa daan.
  1. Makipagsapalaran sa Challenge mode at kumpletuhin ang lahat ng mga misyon sa bawat chapter.
  1. Sa oras ng labanan kontra sa mga zombie, mahusay na panatilihin ang iyong distansya sa kanila habang umaatake ka upang maiwasang makatanggap ng malaking pinsala mula sa kanila.
  1. Samantalahin ang paggamit ng mga sasakyang magagamit sa field.
  2. Piliin ang pinakamahusay na bayani na gagamitin sa digmaan.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Survival at Gunpoint

Sa seksyong ito, tatalakayin natin ang mga positibo at negatibong aspeto ng laro. Ang Survival at Gunpoint ay katulad din ng iba pang uri ng idle games dahil ang layunin mo ay pahusayin ang mga kakayahan ng iyong karakter at matapos ang lahat ng mga misyon na itinalaga sa iyo upang umabante sa laro. Maaari mo ring kumpletuhin ang gawain nang hindi gumagamit ng anumang diskarte, palakasin mo lang ang iyong grupo para makasabay sa daloy ng laro. Mayroon din itong opsyon na auto-fire na nagbibigay-daan para kusang barilin ang mga kalaban sa loob ng iyong range pati na rin ang isang arrow na nagpapakita kung saan mo kailangang pumunta.

Mayroon itong campaign mode kung saan maaari kang magsimulang kumuha ng mga misyon. Ang mga misyon ay karaniwang nauugnay sa pagliligtas sa iba pang mga nakaligtas, paghahanap ng mga dropped item, pag-aayos ng mga makina, at iba pa. Ito ay hindi masyadong mapanghamon at bukod pa rito, mayroon itong madaling gameplay na kahit isang baguhang manlalaro ay maaari ng magsimula kaagad maglaro nang hindi nangangailangan ng tutorial. Ang lahat dito ay basic at hindi kumplikado sa lahat.

Nagsisimula ang laro gaya ng pinakita nito sa ad ngunit habang umuusad ka sa laro, mapapansin mo na ang iyong base ay nasa World Map kung saan maaaring atakihin ka ng ibang mga manlalaro. Magkakaroon ka ng shield sa umpisa upang protektahan ang iyong base mula sa pag-atake ngunit kung maabot mo na ang isang partikular na antas, ang iyong shield ay mawawala. Sa huli ay pipilitin ka ng laro na dapat kang magbayad ng pera upang makakuha ng mas mahuhusay na karakter at mga shield upang mapanatili ang proteksyon ng iyong base. Ito ay ganap na nakasalalay sa iyo kung handa kang gumastos ng pera upang mag-level up nang mabilis. Ang ganitong uri ng laro ay malinaw na hindi angkop para sa mga free-to-play na mga manlalaro.

Konklusyon

Ang Survival at Gunpoint ay isang mahusay na idle na laro na nagtatampok ng madaling gameplay na maaaring makuha at laruin ng lahat kaagad. Kung nasisiyahan ka sa mga post-apocalyptic world na puno ng kaguluhan kontra sa mga nilalang na zombie, kung gayon ang larong ito ay para sa iyo.