Words With Friends Crosswords Review

Ang Words With Friends Crosswords ay isang bago at kakaibang version ng word game na Scrabble. Dito ay ma-eenjoy ninuman ang aliw na dala ng paglalaro ng crossword game laban sa mga computer-generated na katunggali o kaya ay mga manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Susubukin din nito ang galing mong dumiskarte at lawak ng iyong vocabulary. Ang game app na ito ay inilabas ng Zynga halos walong taon na ang nakalilipas.

Ang konsepto ng larong ito ay hango sa sikat na crossword game na Scrabble. Ang layunin ng mga manlalaro ay manalo sa crossword game matches at kalaunan ay kilalanin bilang isang master wordie. Kinakailangang magsalitan ang magkakatunggali sa pagbuo ng words mula sa makukuha nilang letter tiles at magawang maidugtong ito sa puzzle board. Ang manlalarong makakakuha ng mas mataas na points pagkatapos ng match ang mananalo.

Paano I-download ang Laro?

Ang game app na ito ay libreng mada-download sa Android at iOS devices. Kailangan mo lamang itong hanapin sa Play Store o sa App Store at i-click ang install button. Maaari rin itong laruin sa mga desktop o laptop sa pamamagitan ng pag-download ng app sa computer device at pag-run nito gamit ang isang Android emulator tulad ng GameLoop. Upang mas mapabilis ang proseso, i-click lang ang mga sumusunod na link mula sa Laro Reviews:

Download Words With Friends Crosswords on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.zynga.wwf2.free

Download Words With Friends Crosswords on iOS https://apps.apple.com/us/app/words-with-friends-2-word-game/id1196764367

Download Words With Friends Crosswords on PC https://www.gameloop.com/ph/game/word/words-with-friends-crosswords-on-pc

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Bago ka magkapaglaro, kailangan mo munang mag-sign in gamit ang iyong Facebook account o email address. Mahalaga ang bahaging ito para mai-save ang iyong game progress at para maka-connect ka sa ibang manlalaro.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mahahalagang bagay na dapat mong malaman bago simulan ang iyong crossword adventure:

  • Gameplay

Tulad sa Scrabble, kailangan mong sumabak sa isang 1-on-1 turn-based match. Ang larong ito ay gumagamit ng 15×15 grid board at 100 letter tiles. Ang dalawang manlalaro, ay magsasalitan sa pagbuo ng words mula sa makukuha nilang tig-pitong letter tiles.

Ang iyong player profile ay matatagpuan sa Home screen. Sa ilalim ng iyong username ay makikita mo ang kasalukuyang stats, player level, pati na rin badges na iyong nakuha. Sa kanang bahagi naman ay makikita mo ang + icon. Kailangan mo itong i-tap para makita ang game modes na maaari mong salihan. Ang bawat letter tile ay may nakalagay na bilang na kumakatawan sa points na iyong makukuha kung gagamitin mo ito. May special grid cells din sa board na makakatulong upang madagdagan ang iyong total points.

Upang makapag-level up sa laro, kailangan mong manalo sa game matches. Gamit ang letter tiles na makukuha mo, kinakailangan mong bumuo ng word. Pagkatapos ay kailangan mo itong maidugtong sa puzzle board na nasa gitna ng iyong gaming screen. Kung sa tingin mo ay ayos na lahat, i-tap ang Play button upang makuha ang katumbas na points. Huwag mag-atubiling gamitin ang available na boosts at power-ups.

  • Features, Power-ups at Boosts

Narito ang listahan ng mga natatanging features, power-ups at boosts sa laro:

Shuffle – Makakatulong ito upang makita mo ang ibang words na pwedeng mabuo mula sa iyong set ng letter tiles.

Word Clue – Sa pamamagitan nito ay makikita mo ang moves na maaari mong isagawa. Para gamitin ito, i-tap ang Magnifying Glass icon sa kanang-itaas na bahagi ng iyong gaming screen.

Swap + – Bukod sa regular na Swap option, pwede kang magpalit ng letter tiles ng hindi nagsasakripisyo ng isang game turn. Tandaan na pwede mo lamang itong gamitin ng isang beses.

Pass – Kung sakaling wala ka na talagang maisip na word o wala ka ng ibang option na natitira pa ay maaari kang munang mag-pass at maghintay ng mas mainam na pagkakataon.

  • Game Mode at Events

Kung nais mong hamunin ang isang kaibigan o random na manlalaro sa isang mabilisang match, maglaro sa Beat the Clock mode. Ang bawat match dito ay binubuo ng limang salitan at nagtatagal ng 40 segundo lang. Sa kabilang banda, kung gusto mong sukatin ang lawak ng iyong vocabulary skills, subukan ang Highlights mode. Dito ay kinakailangan mong matukoy ang pinakamainam na word mula sa makukuha mong set ng letter tiles. Samantala, kung nais mo naman ng patas na labanan, ang Smart Match ang para sa’yo. Dito ay makakatapat mo ang manlalarong kapareho mo ng level. Kung nais mo namang mas pagbutihin pa ang iyong kakayahan ay maaari kang magsanay sa Practice Mode. Pwede ka ring maglaro rito ng hindi gumagamit ng Wi-Fi o data connection.

Bukod sa regular game modes, mayroon ding special events na maaari mong salihan upang makakuha ng maraming rewards at badges. Ang mga ito ay may iba’t ibang game mechanics na madaling maintindihan at matutunan. Maaari kang sumali sa Weekly Challenges, Paper Craft Challenge, Quick Play Events at marami pang iba.

Pros at Cons ng Words With Friends Crosswords

Sa loob ng nakalipas na mga taon, marami ang nahumaling sa larong ito. Mahusay kasi nitong nakopya ang saya at mapanghamong gameplay ng Scrabble. Bukod dito, nagawa pa nitong i-level up ang aliw na dala nito dahil sa karagdagang features at iba’t ibang game modes. Nagbibigay din ito ng paraan para makipag-ugnayan ang mga manlalaro sa iba, subukan ang kanilang kakayahan at naghihikayat na mas palawakin pa ang kanilang vocabulary. Ang special events ay kinatutuwaan at inaabangan din ng marami dahil sa eksklusibong rewards at badges na pwedeng mapanalunan sa mga ito. Ang visuals ng laro ay kahanga-hanga at ang controls ay gumagana ng maayos.

Sa kabilang banda, marami rin ang nadidismaya sa larong ito, lalo na pagkatapos ng pinakahuling updates. Napansin ng mga manlalaro na ang updates nito ay mas naka-focus sa magandang design at hindi sa mahusay na game execution. Kahit na mas naging kaakit-akit at makulay ito, karamihan sa idinagdag na features ay hindi naman talaga kinakailangan at sagabal lang sa kabuuang sistema ng laro. Sobrang nakakadismaya rin ang pagkakaroon nito ng napakaraming ads. Hindi rin pwedeng i-skip ang mga ito at napakatagal pang matapos. May ilang pagkakataon din na hindi naibibigay ang dapat sanang rewards kapalit ng boluntaryong panonood ng ads. Bukod sa mga nabanggit, may technical problems din ito tulad ng glitches at bots.

Konklusyon

Ang larong ito ay nakapagtala 4.4-star rating mula sa mahigit 700,000 reviews sa Play Store. Samantala, mayroon itong 4.6-star rating mula sa mahigit 600,000 reviews sa App Store. Sa kabila ng mataas na ratings nito, para sa Laro Reviews ay nakakadismaya pa rin ito. Hindi na kasi ito kasing praktikal at husay tulad ng dati dahil sa pagkakaroon nito ng nakakairitang ads at hindi kinakailangang updates.