Naruto X Boruto Ninja Voltage Review

Ang Naruto X Boruto Ninja Voltage ay isang larong hango sa sikat na mga anime na Naruto Shippuden at ang Boruto: Next Generation. Ito ay mula sa Bandai Namco Entertainment Incorporated na isang Japanese game developer. Ang kumpanya ring ito ang naglunsad sa iba pang mga multi-milyong game franchises tulad ng Tekken, Pac-Man, at Gundam.

Kung ikaw ay isa sa mga masugid na tagahanga ng anime na Naruto, ang larong ito ang magdadala sa iyo sa mundo ng mga ninja. Ang mga manlalaro ay gumaganap bilang mga nangangasiwa sa pag-unlad at pagtatanggol ng nayon. Kailangang kumpletuhin ang bawat misyon gamit ang mga paboritong anime characters. Ito ay maaaring laruin ng offline o online. Maaari rin itong laruin bilang solo-player o bilang isang miyembro ng multiplayer team.

Ang app ay maaaring mai-download ng libre sa App Store at sa Play Store. Siguraduhin lamang na ikaw ay nakakonekta sa internet at may sapat na memory ang iyong device. Maaari ka ring gumamit ng isang emulator upang i-download ito sa iyong computer. I-click lang ang angkop na link sa ibaba upang simulan ang iyong pag-download:

  • Download Naruto X Boruto Ninja Voltage game on iOS https://apps.apple.com/us/app/naruto-x-boruto-ninja-voltage/id1290010412
  • Download Naruto X Boruto Ninja Voltage game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.bandainamcoent.ninjavoltage_app&hl=en&gl=US
  • Download Naruto X Boruto Ninja Voltage game on PC https://www.bignox.com/appcenter/game_management/play-naruto-x-boruto-ninja-voltage-on-pc-with-noxplayer/

Mga Gabay Para sa mga Baguhang Manlalaro

Upang ikaw ay makapagsimula, kailangan mo munang gumawa ng isang account. Punan ang online registration form ng mga kinakailangang impormasyon. Inirerekomenda rin na i-link mo ang bagong account sa iyong Facebook upang ma-save ang game data. Kapag ito ay gusto mong laruin gamit ang ibang device, hindi mo na kailangan pang magparehistrong muli. Ang iyong mga data at progreso sa laro ay hindi mawawala.

Upang mas mapapaunlad ang iyong birtwal na ninja village, dapat mo munang malaman kung paano nga ba talaga gumagana ang laro. Tuklasin ang mundo ng Naruto X Boruto Ninja Voltage at tandaan ang mga mahahalagang tips upang ikaw ay mabilis na makapag-level up.

Features ng Naruto X Boruto Ninja Voltage

Ang game currencies na ginamit at napapanalunan sa laro ay ang shinobite, ang ryo, ang chakra, ang guild medal at fortress medal. Ang shinobite ay maaari lamang makuha sa pamamagitan ng mga espesyal na kaganapan at matagumpay na pagtupad ng mga misyon. Maaari rin itong bilhin ng mga manlalaro. Ito ay ginagamit upang makabili ng iba’t ibang game resources. Ang ryo naman ay ginagamit upang mai-level up ang mga istraktura ng iyong nayon. Ito ay makukuha mo mula sa iyong restawran. Ang chakra ay maaaring gamitin sa parehong paraan tulad ng ryo. Ginagamit rin ito para mas palakasin ang iyong ninja cards. Tandaan na kailangan din ng ability points upang mapalakas ang iyong skills bilang ninja. Maaari mong makuha ang mga ito sa pagsali sa events o sa pagbebenta ng iyong ekstrang ninja cards. Ang guild medals naman ay maaari lamang gamitin para bumili ng items mula sa guild store. Ang panghuli ay ang fortress medals na kinakailangan upang makabili ng items mula sa fortress store o para i-level up ang iyong punong tanggapan.

Ang game mechanics at tampok ng laro ay nakabatay sa isang role-playing game. Maaari mong i-unlock ang mga bagong character sa pamamagitan ng pagkolekta ng sapat na mga hero fragments. Ang ilang ninja cards ay nagbibigay ng mga bonus, habang ang iba naman ay may kasamang ninjutsu o jutsu. Kailangan mong palakasin ang iyong kuta sa pamamagitan ng pangangalap ng resources, pagtatanggol nito mula sa mga kaaway, at pag-atake sa iba pang mga kuta.

Sa simula ng laro, ang iyong nayon ay may limang pangunahing mga gusali: ang base, ang monumento, ang bangko, ang restawran, at ang dambana. Habang sumusulong ka sa laro, magagawa mong magdagdag ng mga gusali. Tiyaking regular na mai-level up ang iyong base. Bagaman ang bawat gusali ay may mahalagang papel sa laro, dapat mong mas pagtuunan ng pansin ang iyong monumento at dambana dahil sila ang pangunahing mapagkukunan ng chakra. Ang pagkakaroon ng sapat na chakra ay nagbibigay-daan upang mai-level up ang iyong ninja cards at makabili ng iba pang items sa laro.

Related Posts:

DIY Makeup Review

Will it Crush? Review

Ang depensa ng iyong nayon ay nakadepende sa dalawang bagay: sa uri ng iyong lupain at sa shinobi guards. Tandaan na kailangan mong gamitin ang pinakamagandang lupain upang magkaroon ka ng mas maraming shinobi. Para bilhin ito, pindutin ang terrain icon, mag-scroll, piliin ang pinakamagandang set ng terrain at i-unlock ito.

Kailangan mo ring kumpletuhin ang ibang mga misyon kasama ang tatlong iba pang mga AI characters. Gamit ang control pad sa kaliwang bahagi ng iyong screen, makokontrol mo ang iyong karakter. Ang mga opsyon naman sa pag-atake ay nasa kanan ng iyong gaming screen. Magagamit mo ang mga ito ng walang limitasyon subalit kailangang mag-cool down muna. Upang manalo sa mga labanan, kailangan ang madiskarteng pag-atake sa kaaway. Maging mapagmatyag at maghintay ng tamang pagkakataon para sumugod at gamitin ang iyong jutsu at tapusin ang kalaban. Pagsikapang makumpleto ang mga misyon at makatanggap ng tatlong bituin dahil magkakaroon ka ng mga karagdagang kard tulad ng shinobite cards o summon cards.

Pros at Cons ng Naruto X Boruto Ninja Voltage

Ang Naruto X Boruto Ninja Voltage ay nagkaroon ng mainit na pagtanggap mula sa mga manlalaro. Ito ay may average rating na 4.7 stars mula sa mahigit na 48,000 reviews sa App Store. Sa kabilang banda, nakatanggap ito ng mas mababang average rating na 4.2 stars mula sa mahigit 900,000 reviews sa Play Store. Ang gameplay nito ay nakakahumaling at nakakaengganyo, lalo na kung mahilig ka sa mga anime. Ang ginamit na graphics at animations sa laro ay mahusay at de-kalidad.

Sa kabilang banda naman, ang larong ito ay hindi perpekto. Ito ay nagka-crash din paminsan-minsan na isa sa mga dahilan ng pagkabigo ng mga manlalaro. Napakamahal din ng in-game purchases nito. Ang card system ay medyo nakapanghihinayang dahil sayang lang ang ibang mga kard kung ang mga ito ay hindi tugma sa mga karakter. Ang isa pang nakadidismayang aspeto ng laro ay ang gastos para sa summoning sapagkat hindi lahat ng manlalaro ay kaya ito.

Konklusyon

Ang larong Naruto X Boruto Ninja Voltage ay isang solid na larong hango sa isa sa pinakasikat na anime. Kung ikaw ay isa sa mga tagahanga ng anime o ng Naruto, dapat mo talaga itong subukan. Gayunpaman, dapat pa rin itong mas pagbutihin pa lalo na sa aspeto ng in-app purchase nito. Mas mapagaganda pa ito kung regular na magkakaroon ng mga karagdagang espesyal na misyon.

Laro Reviews