SAMURAI II: VENGEANCE Laro Reviews

Kahit na sila ay lipas na, nananatili pa rin sa pop culture ang mga Samurai. Hiniwa nila ang kanilang mga kaaway sa manga, nakipag-duwelo sa kanilang mga kalaban sa mga pelikula, at pinatay ang mga bandido sa mga anime. Kaya noong inilagay ng MADFINGER Games ang fighting arcade game sa isang mobile phone kung saan maaari mong gamitin ang espada laban sa iyong mga kalaban sa Samurai: Way of the Warrior, nagustuhan ng mga tao ang kakaibang gameplay nito. Ang orihinal na laro ay sa iOS lang available at makakagawa ka lang ng pag-atake sa pamamagitan ng pag-swipe sa iyong screen. Ngunit maraming improvements at higit pang mga features ang idinagdag sa kanilang sequel na pinamagatang SAMURAI II: VENGEANCE.

Nagsisimula ang laro sa isang comic cutscene ng tipikal na goon na nananakot sa isang taong hindi kayang ipagtanggol ang sarili, ngunit sa isang tradisyunal na Japanese setup. At dito na dumating ang bidang si Daisuke na hiniwa ang isang malaking tao sa kalahati bilang kanyang tugon. Iyan ang makukuha mo sa pananakot sa taong may dalang sandata habang nakasuot lamang ng isang pirasong tela. At tila ang napatay na goon ang boss ng ilang gang dahil ang una nilang tugon ay patayin si Daisuke, at dito nagsisimula ang gameplay. Sa kanyang paglalakbay, pupugutan ng bida ang mga hukbo, puputulin sila sa kalahati, at makakaligtas din sa mga nakamamatay na hadlang, lahat ng ito ay para lamang patayin si Orochi.

Features ng SAMURAI II: VENGEANCE

Ang laro ay may tatlong difficulties. Ang Apprentice ang madaling gameplay para sa mga gustong makalusot sa laro. Ang Samurai ay ang normal na antas para sa mga kaswal na manlalaro. At kung gusto mong hamunin ang iyong sarili, maaari kang maglaro bilang isang Ronin, ang pinakamahirap na level. Hindi tulad ng unang laro, ang SAMURAI II: VENGEANCE ay may mga control pad na magagamit mo para ilipat ang iyong karakter at tamaan ang mga kalaban. Ang pagpindot sa X button ay nagdudulot ng magaan na pag-atake, at ang bilog na button ay nagdudulot ng matinding pinsala. Ang isa pang icon sa kanang bahagi ng screen ay ginagamit para sa pag-roll ng character kung gustong umiwas sa pag-atake ng mga

Ang karma points ay isang mahalagang bahagi ng laro dahil magagamit mo ang mga ito upang bumili ng mga combo. Maaari mong makamit ang mga ito sa pamamagitan ng pagsira sa mga bariles at pagpatay sa mga kaaway. Ang mga combo ay ang hanay ng mga galaw na nagbibigay sa iyo ng lamang sa pakikipaglaban. At tulad ng sa anumang brawling game, makikita mo ang iyong health bar sa kaliwang itaas ng screen. Ito ay self-explanatory.

Lumalabas ang mas malalakas na mga kalaban na humahadlang sa iyo habang sumusulong ka sa laro. Magkakaroon ng mga archers, mga nakabaluti na kawal, at maging mga samurai na may dalawang espada. Ang laro ay mayroon ding Dojo, kung saan maaari kang magkaroon ng walang katapusang pakikipaglaban sa mga hukbo.

Saan pwedeng i-download at bilhin ang SAMURAI II: VENGEANCE?

  • Download SAMURAI II: VENGEANCE on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.madfingergames.SamuraiIIAll
  • Download SAMURAI II: VENGEANCE on iOS https://apps.apple.com/us/app/samurai-2-vengeance/id392486160

Tips at tricks sa Paglalaro ng SAMURAI II: VENGEANCE

Ang SAMURAI II: VENGEANCE ay may simpleng gameplay at direktang layunin: patayin ang iyong mga kaaway gamit ang iyong espada. Ngunit hindi ka immortal, kaya may mga pagkakataong matatalo ka, at sasabihin sa iyo ng laro na magsikap. Ang Laro Reviews na ito ay magbibigay sa iyo ng mga bagay na kailangan mo sa iyong pakikipagsapalaran upang matiyak na maaari mong harapin at talunin si Orochi.

Hanapin ang iyong sarili sa Dojo

Sa totoong buhay, ang mga Dojo ay itinayo para sa pag-aaral at para sa pagmumuni-muni. Sa laro, mahahanap mo ang iyong sariling istilo ng pakikipaglaban. Kung nahihirapan kang talunin ang iyong mga kaaway, maaari kang magsanay sa paggawa ng mga combo habang nasa Dojo.

Huwag madaliin ang iyong sarili

Maaari kang mawalan ng pasensya dahil sa mga balakid kung paulit-ulit kang namamatay dahil sa isang pagkakamali. Ikaw ay nasa iyong huling hakbang, ngunit natusok ka ng spike, at kailangan mong magsimula ulit. Huwag magmadali sa iyong pagtakbo. Isipin ang pag-indayog ng pendulum blades at ang mga galaw ng mga spike. Sila ang ritmo ng musika habang nakikipagsayaw kay kamatayan. Alam mo na ang ibig kong sabihin. Bawat bitag ay nagbibigay sa iyo ng oras upang sumulong, kaya gawin lamang ito kapag nakita mo ang pagkakataong lumipat.

Gumulong papunta sa layunin

Ang pag-roll ay katumbas ng dashing sa fighting game, at ito rin ay magbibigay sa iyo ng kakayahang makaiwas sa atake ng mga kalaban. Ngunit maaari mo ring gamitin ito kapag gusto mong gumalaw nang mas mabilis. At ito ay madaling gamitin sa pag-iwas sa mga bitag.

Alisin muna ang mga umaatake mula sa malayo

Mas mabuting bantayan mo sila at patayin muna dahil maaari ka nilang salakayin mula sa malayo. Mag-ingat sa mga arrow.

Related Posts:

Attack the Light Review

Pocket God Review

Pros at Cons ng SAMURAI II: VENGEANCE

Kung ihahambing mo ang larong ito sa unang bersyon nito, makikita mo ang pagkakaiba. Marami itong mga improvements, ngunit mayroon din itong mga pagkukulang.

Ang istilo ng sining ng laro ay may katulad na mga elemento sa cut scene. Ipinaalala nito sa akin ang tradisyunal na sining ng Hapon at tumugma ito. Ang mga combo ay ginawang mas kapanapanabik ang pakikipaglaban sa mga kaaway dahil pinaramdam nila sa iyo na may ginagawa kang kahanga-hanga sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagpindot sa iyong screen. Dahil sa mga balakid, mas naging kapanapanabik ang laro. Ang pagpatay sa iyong mga kaaway ay masaya, ngunit kung minsan ay mapapagod ka na makita ang parehong animation ng pagpugot ng ulo ng isang tao o pagputol sa kanila sa kalahati. Kaya ang mga bitag na ito ang tunay na bayani dahil kung hindi man nila mapigilan, kaya nilang pabagalin ang isang walang awang makinang pumapatay na tulad mo.

Ang laro ay may magandang gameplay, mapanghamong obstacles, malalakas na kalaban, at hindi masama ang kwento. Pero meron pa ring pwedeng idagdag dito. Naiintindihan ng manlalaro kung mayroon lamang itong isang karakter at isang armas. Si Daisuke lang ang bida, kaya magtataka ka kung may iba pang mga bida. Ngunit mas mabuti kung mayroon kang ilang mga build na maaari mong makolekta o exp upang i-level up ang iyong karakter. Ang pagbili ng mga combo na may karma points ay mabuti, ngunit ang skill para sa mas mahusay na depensa ay hindi masama.

Konklusyon

Nakakaaliw ang paglalaro dahil ang MADFINGER Games ay hindi nananatili sa mga fighting games lamang. Idinagdag nila ang elemento ng mga bitag upang magbigay ng variety. Maganda ang pagkakadeliver ng story, pero cliffhanger ang ending. Ibig bang sabihin ay may isa pang sequel? Wala talagang nakakaalam dahil noong nakaraang taon pa lamang ang latest update nila sa larong ito. Sana ay maging kasing ganda nito ang susunod na sequel. Ang laro ay hindi ganoon kamahal. Kaya kung pagod ka na sa paghihiwa ng mga prutas at mahilig kang manghiwa ng mga tao – sa laro, syempre – maaari mong bilhin ang SAMURAI II: VENGEANCE.

Laro Reviews