Ang DC Legends: Fight Super Heroes ay official game franchise ng DC comics. Kung isa kang tagahanga at tagasubaybay ng sikat na DC movies at series, hindi mo ito dapat palampasin. Dadalhin ka ng larong ito sa maaksyong mundo ng Marvel Universe. Ang single-player RPG na ito ay inilabas ng Warner Bros. International Enterprise noong Nobyembre 2, 2016. Tulad ng inaasahan, marami kaagad ang nahumaling dito. Sa kasalukuyan, ito ay may mahigit na 10 milyong downloads sa Google Play.
Sa larong ito, kinakailangang kontrolin ng mga manlalaro ang kanilang paboritong Marvel superheroes at supervillains. Ang layunin dito ay talunin ang puwersa ng kasamaan na patuloy na naghahasik ng kaguluhan at panatilihin ang kapayapaan sa Atlantis. Kung pinag-iisipan mo kung dapat mo ba itong susubukan o hindi, tutulungan ka ng Laro Reviews na magdesisyon sa pamamagitan ng artikulong ito.
Paano I-download ang Laro?
Bago i-download ang app, siguraduhin na ang iyong device ay may sapat na storage space sapagkat patuloy itong nagda-download ng karagdagang game data habang umuusad ka sa laro. Available ang app na ito sa parehong Play Store at App Store kaya pwede itong i-download sa Android at iOS devices. Maaari mo rin itong laruin gamit ang laptop o desktop. I-download ang app sa computer device at i-run ito gamit ang lehitimong emulator. Para hindi ka na mahirapan pa, pwede mo ring gamitin ang mga sumusunod na link:
Download DC Legends: Fight Super Heroes on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.wb.goog.dc.legends&hl=en&gl=US&showAllReviews=true
Download DC Legends: Fight Super Heroes on iOS https://apps.apple.com/bj/app/dc-legends-fight-superheroes/id932500451
Download DC Legends: Fight Super Heroes on PC https://www.gameloop.com/ph/game/role-playing/dc-legends-fight-superheroes-on-pc
Ultimate Guide para sa mga Manlalaro
Sa paglipas ng panahon, maraming nagsilabasan na mga laro ang hango sa Marvel series at movies. Kung naghahanap ka ng ganitong uri ng laro na pwede mong subukan, tutulungan ka ng Laro Reviews na kilatisin ang DC Legends: Fight Super Heroes. Bago ang lahat, kung nais mong i-save ang iyong game data at progress, huwag kaligtaang i-link ang iyong Google Play o Game Center account sa laro.
- Gameplay
Inaanyayahan ka ng larong ito na makipagsapalaran sa mundo ng Atlantis, ang tahanan ng superheroes at supervillains. Kung naglalaro ka ng gacha games, mapapansin mo na ang game mechanics ng larong ito ay halos kapareho ng mga ito. Gumagamit din ito ng turn-based battle system kung saan kailangan ninyong magsalitan ng pag-atake at pagdepensa.
Kailangan mong pumili ng anim na heroes upang makabuo ng isang unit. Ang pagkakaroon ng malalakas na superheroes ay kritikal upang maipanalo ang mga labanan. Siguraduhing regular na i-upgrade ang mga ito upang makapaglunsad ng malalakas na atake at maubos ang life points ng mga kalaban.
- Hero System
Ang skills ng superhero na iyong mapipili ay makikita sa kanang-ibabang sulok ng iyong gaming screen. Dapat pansinin na hindi lahat ng skills at abilities ay tungkol lang sa pag-atake. May ilang superheroes na ang skills ay naka-focus sa pagpapalakas at pag-heal sa iba. Tandaan na kahit ang mga ito ay kinakailangan din ng partikular na oras para mag-recharge.
Maaari mo ring dagdagan ang iyong superhero collection sa pamamagitan ng pagkolekta sa mga Hero fragments at pag-unlock sa mga ito. Malaking kalamangan ang pagkakaroon ng maraming mapagpipilian sa laro. Ang superheroes ay nabibilang sa iba’t ibang uri batay sa kanilang elemental affinity kaya dapat mo rin itong isaalang-alang. Kailangan mo ring piliin ng mabuti ang magiging pinuno ng iyong unit. Kapag kasi nagkaroon ito ng Team Leader’s Super Power ay makakakuha ka ng special rewards at items.
- Game Modes
Maraming game modes na pwedeng pagpilian sa DC Legends: Fight Super Heroes kung kaya’t hindi ka basta-basta magsasawa sa paglalaro nito. Narito ang iba’t ibang game modes:
- Ang Campaign Mode ang itinuturing na pangunahing game mode. Dito mo kinakailangang maglaro para makakuha ng rewards tulad ng XP, hero fragments, upgrade items at Speed Force.
- Kung nais mo namang makakuha ng bagong items na makakatulong sa pag-upgrade ng iyong superheroes, maaari kang maglaro sa Upgrade Events.
- Sa pamamagitan naman ng pagkumpleto sa Missions, maaari kang makakuha ng mga mahahalagang game resources. May tatlong uri ng missions dito: Daily Missions, Legendary Missions at Campaign Missions.
- Sa Hero Challenge naman malalaman kung sino ang karapat-dapat na magmana sa trident upang mapagkaisa ang lahat ng mamamayan ng Atlantis. Ang bawat labanan dito ay nangangailangan ng special conditions at ang events ay nag-iiba bawat linggo.
- Sa Alliance Missions naman ay pwede kang makipaglaro at makipagtulungan sa iba. Gayunpaman, kailangan mong maging bahagi ng isang alliance. Maaari kang mamili ng sasalihang grupo o kaya naman ay bumuo ng iyong sariling alliance.
- Ang PVP Arena na marahil ang pinakakapanapanabik na game mode ng larong ito. Dito ay makikipagtapatan ka sa ibang manlalaro mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang layunin dito ay mapabilang sa leaderboard. Upang tumaas ang iyong ranking, kailangan mong makakuha ng mga tropeo mula sa iba’t ibang game arena.
Pros at Cons ng DC Legends: Fight Super Heroes
Maraming pumipili sa larong ito upang malaro ang kanilang paboritong Marvel characters. Free-to-play at free-to-download din ito kaya hindi mo na kailangan pang gumastos para i-download ang app at subukan ang laro. Hindi rin napipilitan ang mga manlalaro na gumamit pa ng mga in-app purchases dahil maraming paraan upang kumita ng game resources. Ang rewards na mapapanalunan mo rito ay sapat din. Patas at balanse ang tactical gameplay nito. Kaunti lang din ang ads na lumalabas kung kaya hindi nakakaapekto ang mga ito sa kabuuang gaming experience. Higit sa lahat, maraming game characters ang mapagpipilian dito, lalo na ang mga sikat at paboritong superhero, pati na rin supervillains.
Sa kabilang banda, hindi rin naman perpekto ang larong ito. Maraming mga manlalaro ang nagrereklamo tungkol sa patuloy na pagka-crash ng app at pagkakaroon nito ng accessibility problems sa piling gaming devices. Ang gameplay nito ay nagiging boring din sa katagalan. Ang hero system nito ay medyo magulo dahil may ilang superheroes na talagang mas lamang kaysa sa iba kaya napakahirap ng mga itong talunin. Ang matinding difficulty level nito ay sobra-sobra na nagdadala ng stress at pressure sa marami. Bukod sa mga nabanggit, may mga pagkakataon ding bigla na lamang nawawala ang game progress ng ibang manlalaro dahil sa data syncing issues nito.
Konklusyon
Ang larong ito ay nakakuha ng average rating na 4.3 stars mula sa halos kalahating milyong reviews sa Play Store. Sa kabilang banda, nakakuha ito ng 4.5-star rating mula sa 15,000+ reviews sa App Store. Ang mga hamon sa larong ito ay tila walang katapusan at wala ng ibang pwedeng paglibangan kung hindi ang mag-ipon ng game resources. Kung ikaw ang tipong mahilig sa mga paulit-ulit na gawain at isang masugid na tagahanga ng Marvel, bagay sa’yo ang larong ito.