Mini Castle Duels: TD Defense Review

Ang Mini Castle Duels: TD Defense ay isang makabagong castle combat tower defense game na higit pa sa isang clash twist lang!

Subukang maging kalaban, maging isang evil at malakas na Dungeon Lord! Buksan ang pintuan ng daanan ng malawak na hukbo ng kadiliman, mangalap ng malaking fleet ng mga monster, manakot sa teritoryo ng kalaban at protektahan ang iyong nasasakupan. Sakupin ang mundo sa kakaibang action game!

Manatili sa pagbabasa ng Laro Reviews at alamin ang pangunahing kaalaman sa paglalaro ng Mini Castle Duels: Tower Defense.

Layunin sa Tower Defense

Sa Mini Castle Duels: Tower Defense, simple lang ang kailangang gawin: sugurin ang castle ng kalaban habang pinoprotektahan din ang sa’yo. Hindi tulad ng ibang may kaparehong genre, may magagamit na cards na makakatawag ng mga succubi, ghosts, minotaurs, at kahit mages sa halip na mga tower. Kailangang maging maingat dahil ang strategy ng kalaban ay nakahanda para sa malakihang pag-atake at ang bara-barang taktika ay hindi uubra. Gumawa ng maayos na plano ngunit huwag pabayaan ang iyong PvP protection.

Pag-download ng Mini Castle Duels: Tower Defense

Ang Mini Castle Duels: Tower Defense ay available para sa pag-download sa Google Play Store para sa Android devices lamang at hindi sa App Store for iOS devices. Maaaring malaro ito sa PC sa pamamagitan ng paggamit ng emulator sa pag-download ng laro.

Maaaring i-download ang laro rito:

Download Mini Castle Duels: Tower Defense on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.my.etd.dev

Download Mini Castle Duels: Tower Defense on PC https://m.apkpure.com/mini-castle-duels-td-defense/com.my.etd.dev

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Mini Castle Duels

Ilagay ang tower na may limited range (kadalasang ito ang mga item na mayroon lamang sa pagsisimula ng laro o maaaring ang iba ay malakas ngunit short-ranged lang din) sa pinakamalapit sa maze’s turning units hangga’t maaari. Sa ganitong paraan, magpapatuloy sila sa pagbaril nang mas mahabang oras.

Ipwesto naman ang mga long-ranged tower sa gitna ng mapa. Tandaang kapag na-upgrade na sila ay tumataas na ang kanilang range. Sa ganitong pagkakataon, mas malawak na ang masasakop nito sa direksyon ng kalaban.

Pumili ng mga tower na magiging kapakipakinabang sa iyo. Sikaping makamit ang maximum na kakayahan ng mga tower na napili. Isang magandang halimbawa nito ay kung mayroon kang tower na may kakayahang makapagpabagal o ice impacts. Gamitin ito at ilagay sa unahang bahagi ng hukbo ng mga tower o maaari ring gumamit ng poison towers sa simula pa lang upang agad na mabawasan ang buhay ng mga kalaban. Kung alam mong ang kalaban ay may kakayahang gumaling agad o may self-healing, huwag paghiwa-hiwalayin o gawing magkakalayo ang iyong mga tower. Hindi mo gugustuhing magbigay sa kanila ng oras upang maka-recover sa binigay mong damage.

Kung mayroon kang poison towers, kailangang mailagay ito sa tamang intervals sa simula pa lang ng maze upang malason ang kalaban ng paulit-ulit kahit na mawala na ang bisa nito.

Sa paglalaro ng Mini Castle Duels: Tower Defense, kailangang alamin kung aling tower ang sulit na i-upgrade. Halimbawa nito ay ang pag-a-upgrade ng mabagal na tower ay maaaring mas kapakipakinabang bilang proteksyon dahil higit itong mura kaysa sa pag-upgrade ng kabuuang class towers sa likod nito. Sa anumang pagkakataon, sa maliliit na mapa at kapag malapit na sa katapusan, mahaharap sa pagpiling gawing prayoridad ang quality kaysa sa quantity, lalo na kung ang kalaban ay may combat gear.

Karamihan sa mga tower defense game, may mga kalabang higit na madaling mapinsala sa partikular na tower. Ang kakayahan ng manlalaro ay masusukat kapag natuklasan nila ito at magamit laban sa kalaban.

Related Posts:

Braveland Heroes Review

Grepolis – Divine Strategy MMO Review

Ang pag-scroll ng mapa ay kalaban ng konsentrasyon. Kung laging iintindihin ang nangyayari sa kabuuan ng mapa o sa bahaging hindi sakop ng iyong field of view, masisira ang iyong pokus at maaaring maging sanhi ng pagkatalo.

Dahil ang kailangan lang pagtuunan ng pansin sa Mini Castle Duels: Tower Defense ay ang pagprotekta sa iyong items, ang pagbibigay ng pokus sa kung ano lang ang sakop na nakikita ay nakakatulong ng malaki. Sa kabuuan, nakakatulong itong paliitin ang sukat ng mapa at magkukulong sa iyo sa disenyong pagpipilian para sa base. Bukod dito, ang mas malawak na mapa ay may katapat na mas mataas na halaga – ang konsepto ng trabahong pag-scroll gayundin ang stress ng pag-aalala sa mga pangyayari off-screen. Kahit na nakakatulong ang mini-maps at alerts, nananatili pa rin ang kapalit nito.

Pros at Cons ng Mini Castle Duels

Ang bawat laban ay exciting, kakaiba, at ang laro ay simpleng matutunan ngunit mahirap maging bihasa. May available na masusing tutorial upang matiyak na maintindihan ang pangunahing kaalamang kailangan at masusing pagsasanay sa paglalaro na lang ang kakailanganin. Hindi bibiguin ng PvP sa Mini Castle Duels: Tower Defense ang mga manlalarong susubok nito. Ang isang laro ay tunay na mas enjoyable kung lalaruing may kalabang tunay na manlalaro rin at hindi mababagot sa paglalaro. Ang pagiging kabilang sa top-ranked players ay magbibigay sa iyo ng kapakinabangan at karangalan. Mayroon pang mas maraming mga misyon sa Co-Op fights na available para sa mga naghahanap ng ibang uri ng bilis.

Ang Mini Castle Duels: Tower Defense ay isang kasiya-siyang libangan. Dahil walang malawak na player base, mangangailangan ng maraming oras upang mahanap ang matches, at karamihan sa multiplayer games ay medyo matindi maging sa iyo man o sa iyong kalaban. Kung ang isa sa inyo ay may mas mataas na tier cards, mas malamang na mananalo ito. Ngunit kahit na may pagiging paulit-ulit ang gameplay ng Mini Castle Duels: Tower Defense, masasabi pa rin ng Laro Reviews na ang karanasan sa paglalaro nito ay enjoyable sa kabuuan.

Konklusyon

Kailangang umatake sa mga outpost ng kalaban sa mga tower defense games sa pamamagitan ng pagkontra sa mga atake ng kalaban sa tangkang pag-angkin ng teritoryo nila. Ang larong ito ay maaaring hindi para sa lahat ngunit sa fans ng larong tulad nito ay maituturing itong best genre available.

Ang oportunidad ng manlalarong mag-ayos ng posisyong taktikal, pagtatayo, o pagsa- summon ng disruptive structures at nakakatulong na mga obstacle sa trail ng mga susugod na kalaban ang siyang naghihiwalay ng tower defense ground defensive games sa iba pang ground defensive games.

Ang mga TD game ay may sense hindi lang dahil sa nararanasan sa paglalaro nito kundi dahil sa mga pangunahing kaganapan ritong humahambing sa isang malalim na bagay sa buhay ng mga manlalaro. Sinasalamin ng larong ito ang passion ng mga tao para sa proteksyon, pag-aari, at ang pag-iingat sa mga bagay o taong mahalaga sa atin. Gumagawa tayo ng defense systems laban sa mga masasama tulad din ng mga ginagawa ng isang batang nagtatayo ng pananggalang sa paglalaro nila.

Ang depth, tactical variability, at ang enjoyable challenge na nanggagaling sa creep, tower, at mapa na may malawak na katangi-tanging mga bagay ay konektado sa isa’t-isa. Ang mga Tower Defense game ay maaaring magbigay ng pakiramdam na neutral dahil halos lahat ng gawain ay ginagawa na ng tower at ang kailangan lang gawin ay buuin sila. Kung naghahanap ng bagong challenge, maaaring subukan ang Mini Castle Duels: Tower Defense.

Laro Reviews