Runestrike CCG – Pagdating sa literatura, isa sa magagandang kwento ang mitolohiya ng iba’t ibang bansa. Sa malawak na imahinasyon ng tao, maraming labanan at istorya sa pagitan ng mga diyos ang namayagpag. Marahil, ang pinakasikat na mitolohiya sa mundo ay mula sa mga Griyego. At syempre, mayroong counterparts ang mga Romano sa mga diyos ng Greek Myth.
Sa Roman Mythology, ang katumbas ni Zeus ay si Jupiter, si Poseidon ay si Neptune, si Hades ay si Pluto, at marami pang iba. Paano kung sabihin ko sa iyong may isang laro sa mobile phone kung saan maaari mong matalo ang Roman gods sa pamamagitan ng pagkolekta ng cards at pagkakaroon ng maparaang estratehiya laban sa mga ito?
Kung gusto mo ng isang card collecting game na may kinalaman sa Roman mythology, ang tatalakayin nating laro ngayon dito sa Laro Reviews ay ang Runestrike CCG.
Runestrike CCG
Ang Runestrike CCG ay isang card collecting game kung saan kailangan mong sugpuin ang mga diyos ng Roman mythology. Sa larong ito, nasa POV ka ng isang mortal champion. Dahil sa kasakiman ng mga diyos, nalagay sa alanganin ang buhay ng mga imortal at mortal. Dahil sa labanan sa pagitan ng mga diyos, bumagsak ang mahika sa daigdig kaya nagkaroon ng mga kapangyarihan ang iba’t ibang tao.
Dahil dito, may mga taong naging masama at mabuti. Nagkaroon na rin ng galit ang mga mortal champions sa mga diyos dahil sa kanilang ginawa. At dahil may mga kapangyarihan na ang champions, makakapag-aklas na sila laban sa mga diyos. Sa Runestrike CCG, asahan mo ang matinding bakbakan at tagisan ng kapangyarihan.
Game Features
Ang isa sa pinaka-standout na feature ng Runestrike CCG ay ang pagkakaayos ng deck sa larong ito. Hindi gaya ng ibang card collecting games, hindi ka makakakuha ng isang bundle ng cards mula sa isang faction kapag naglaro ka ng Runestrike CCG. Sa halip, magkakaroon ka ng iba’t ibang card mula sa anim na factions sa laro.
Isa ring feature ng Runestrike CCG ang multiplayer mode nito kung saan maaari kang makipaglaban sa iba pang mga manlalaro sa buong mundo. Sa multiplayer ka rin matututo kung paano bumuo ng magandang deck para sa mas solidong gameplay. Pagdating naman sa gameplay, siguradong balanse ang bawat laban sa pagitan ng isang champion at isang diyos.
Related Posts:
Infinite Galaxy Review
Random Clash – Epic Fantasy TD Review
Sa larong Runestrike CCG, hindi ka mananalo kaagad dahil lang puno ng legendary cards ang iyong deck. May mga pagkakataon kung saan maaari kang matalo ng isang baguhan kung hindi mo alam kung paano ilatag ng tama ang iyong mga cards. At hindi gaya ng ibang CCG may unique skills ang bawat champion ng Runestrike CCG.
Ang skills ng mga champion ay nakadepende sa kung ano ang kanilang Realm of Magic. Halimbawa, may buffs ang mga Order Cards at mas nakakapagpataas ng damage ang Chaos Cards.
Kapag naman nakakuha ka ng nature cards, may pagkakataon kang makapagpagaling. Samantala, mahika naman ang dala ng Myth Cards at health buffs naman sa Light Cards. Kapag naman nakakuha ka ng Shadow Cards, asahan mong magkakaroon ng minions mula sa undead at mga demonyo.
Saan Maaaring I-download ang Runestrike CCG?
Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro.
Download on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.makingfun.runestrike
Download on iOS https://apps.apple.com/us/app/runestrike-ccg/id1468291315
Download Runestrike on PC and Mac https://www.runestrike.com
Tips at Tricks para sa Runestrike CCG
Ang pinakamahalagang elemento na kakailanganin ng mga manlalaro para magdisenyo ng deck ay Champions. Ang lahat ng buhay at kakayahan ng mga player ay makikita sa champions na gamit nito. Bilang resulta, kung nabawasan hanggang zero ang buhay ng isang champion, ang mga manlalaro ay tiyak na talo.
Ang bawat kampeon ay may apat na kapangyarihan sa pag-atake na may 100 HP at tatlong blood abilities na may iba’t ibang gastos, kasama ang dalawa pang abilities na maa-unlock habang tumataas ang level ng player. Makakapagpataas ng level ang isang manlalaro sa Runestrike CCG kapag nananalo ito sa mga labanan.
Ang isa pang paraan upang makaangat ka ng mabilis sa larong ito ay kapag alam mo ang card packs na ginagamit sa Runestrike CCG. Ang unang pack ay ang core pack na makukuha mo sa bawat campaign o pagtaas ng level ng champion. Samantala, ang realm packs ay naglalaman ng cards mula sa isang realm. May season pack din kung saan nakakakuha ka ng bagong cards kada season update.
Pros at Cons ng Runestrike CCG
Ang paglalaro ng free-to-play na laro ay karaniwang nangangahulugan na ang cost-cutting ay kailangang gawin sa isang lugar upang mapanatiling libre at sustainable ang laro maliban na lang kung ito ay isang malaking franchise na korporasyon na kadalasang sa graphics nagbabawas. Ang Runestrike ay isang pambihirang laro dahil kahit ito ay free-to-play, hindi tinipid ang budget nito sa graphics.
Samantala, ang mga venue ng laban sa Runestrike ay mahusay na ginawa at pakiramdam mo ay naglalaro ka ng isang premium game. Ang mga artwork sa mga card ay talagang detalyado, at ang bawat isa ay nararamdaman na naiiba mula sa huling natuklasan mo sa ruta. Sa madaling salita, ang mga graphics artwork ng laro ay kahanga-hanga at nagbibigay ng mataas na antas ng kalidad mula sa isang free-to-play na card collecting game.
Pagdating sa deck-building, hindi rin papadaig ang Runestrike CCG. Sobrang gandang features at malawak ang opsyon mo sa pagbuo ng deck na hindi lang umaasa sa mga packs. Nagbibigay ito ng pakiramdam na hindi mo mahuhulaan ang kakahinatnan ng laro kaya dapat mo itong seryosohin sa bawat oras. Pero gaya nga ng kasabihan: There is no such thing as a free meal.
Ang tanging downside ng Runestrike CCG ay ang malakas na battery usage nito dahil sa ganda ng graphics. At kung gumagamit ka ng low-tech na smartphone, may pagkakataong mag-lag ang iyong paglalaro.
Konklusyon
May mga aspeto sa Runestrike CCG na makikita mo sa ordinaryong card game pero karamihan ng katangian nito ay talagang natatangi. Anuman ang gusto mong istilo ng paglalaro, tinitiyak ng mahusay na balanseng mga deck, madiskarteng kakayahan ng Champion, at magkakaibang Realms of Magic na mayroong bagay para sa lahat dito.
Laro Reviews