Shoot’em all – Shooting Game Review

Shoot’em all – Shooting Game – Maraming mga mobile game na may kakaiba at kung minsan ay exaggerated na mga ad. Makukuha nila ang iyong atensyon upang i-download ang kanilang laro, at madidismaya ka na lang dahil hindi nito natutugunan ang iyong inaasahan. Ang iba ay gumagamit ng mga obscure character upang ilagay na mga larawan sa profile ng kanilang laro upang makuha ang atensyon ng mga manlalaro. Ang hoot’em all – Shooting Game ng FTY LLC ay isang puzzle game kung saan kailangan mong barilin ang mga kriminal, ngunit ang iyong bala ay kailangang tumalbog sa mga hadlang at matamaan ang iyong napiling target. Mayroon itong mga wacky character at nakakatawang sound effects na maaaring makaakit ng mga batang manlalaro. Kahit na nakaipon ito ng mahigit isang milyong pag-download, nakakatanggap pa rin ito ng mga batikos hinggil sa mga ad nito. Malalaman mo mula dito sa Laro Reviews kung sulit bang i-download ang larong ito o hindi.

Ang pangunahing layunin ng larong ito ay mabaril ang mga kriminal o iba pang mga kaaway. Ang pulang linya sa dulo ng iyong baril ay nagpapakita ng landas ng iyong bala. Ang linyang ito ang magiging gabay mo at makikita mo ang pagkakahawig nito sa iba pang mga mobile billiard game, gaya ng 8 Ball Pool. Ngunit sa halip na tamaan ang mga bola ng bilyar, kailangan mong matamaan ang iyong mga target. May mga yugto kung saan ang iyong mga kaaway ay may access sa mga baril at ito ay magbibigay sa kanila ng kakayahang barilin ka kung na-swipe mo ang direksyon ng iyong baril sa maling paraan. Kaya’t magsisimula ang hamon kapag kailangan mong maghanap ng paraan upang maalis ang iyong mga kaaway bago ka nila barilin. Kapag nagtagumpay ka, magdiriwang ang iyong karakter sa pamamagitan ng pagsasayaw na may kakaibang animation. Kung ang mga target mo ang nakapatay sa iyo, sila naman ang sasayaw.

Ang unang yugto ang magiging pinakamadali dahil ang iyong target ay walang anumang armas at ikaw lang ang may baril. Ang yugtong ito ay ang tutorial, at itinuturo nito sa iyo ang mga kontrol ng laro. Upang baguhin ang direksyon ng iyong bala, mag-swipe sa kaliwa o kanang bahagi ng iyong screen. Kapag sigurado ka nang matatamaan ang iyong target, i-tap ang iyong screen para mag-shoot.

Features ng Shoot’em all – Shooting Game

Ang mga goon ang iyong una at pinakamadaling target. Kailangan mo lang silang barilin ng isang beses para matalo. Sa pinakadulong mga yugto, makakatagpo ka ng kakaibang nilalang. Mas malaki sila kaysa sa karaniwan mong mga kalaban at mabubuhay nang mas matagal kaysa sa kanila dahil kailangan mo silang barilin ng tatlong beses para patayin. Ang kanilang katawan ay itim, at sila ay may malalaki’t mahahabang ulo. Ang tanging nakikilala sa kanila ay ang kanilang mala-puting mukhang parang nakamaskara at naglalakihang pula at dilaw na mga mata. Ang karakter na ito ay magmumukhang kabilang sa horror game. Ngunit dahil sa upbeat na musika, maliwanag na ilaw, at nakakatawang tema ng laro, isa lamang itong mas mahirap na kalaban.

Magkakaroon ng iba’t ibang mga hadlang sa shoot’em all – shooting game. Ang una ay ang brown brick wall at ang isa ay ang gray brick wall. Pareho silang matibay, at tatalbog ang mga bala kapag tinamaan mo sila. Ang ilang mga yugto ay may mga purple na bombang malapit sa iyong target, at ikaw ang pipili kung gusto mo itong tamaan o hindi. Maaari ka ring makatagpo ng mga asul na tablang tatakpan ang iyong mga kalaban, ngunit matutumba sila kapag natamaan mo.

Makakatanggap ka ng mga coin sa tuwing makukumpleto mo ang yugto at magagamit mo ang mga ito sa pagbili ng mga skin. Ang mga karaniwang karakter ay ang pulis, ang special agent, at iba pa. Maaari mong i-unlock ang mga ito sa pamamagitan ng panonood ng isang ad. Ang mga espesyal na karakter ay magiging kamukha ni Bart Simpson mula sa sikat na TV animation series na pinangalanang The Simpsons. Nariyan din ang mga bantay mula sa The Squid Game, Elmo, at marami pang karakter. Maaari mong bilhin ang mga ito gamit ang iyong mga coin.

Saan pwedeng i-download ang Shoot’em all – Shooting Game?

Pumunta sa Google Play gamit ang iyong smartphone at ilagay sa search bar ang shoot’em all – shooting game. Dahil libre lang ang laro, i-click ang install at hintaying mai-download ang laro.

Narito ang mga link kung saan mo maaaring mai-download ang laro:

Download Shoot’em all – Shooting Game on android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ty.shoot

Tips at Tricks sa Paglalaro

Ang tanging hamon sa larong ito ay kung paano maiiwasan ang pag-atake ng iyong mga kaaway. Minsan, kailangan mong iwasang saktan ang iyong sarili. Kaya sundin ang mga gabay sa artikulong ito upang malutas ang bawat puzzle sa laro.

  • Alamin ang mga pangunahing kontrol.

Maaari mong isipin kung gaano kahirap baguhin ang posisyon ng iyong baril. Ngunit kung maingat mong sinusunod ang mga instruction sa simula, malalaman mo kung gaano kadaling kontrolin ang laro. Huwag mag-swipe pataas o pababa dahil kailangan mo lang itong gawing patagilid.

Related Posts:

Craft Castle Dragon Pixelart Review

Music Tiles – Magic Tiles Review

  • Sundan ang pulang linya.

Sila ang magsisilbing gabay mo sa laro. Ipinapakita sa iyo ng linyang ito ang trajectory ng iyong bala kapag binaril mo ito. Makikita mo rin ang mga posibleng daanan kapag tumama ka sa mga pader. Gamitin ang mga ito upang maabot ang iyong mga target at upang maiwasan ang pag-atake ng iyong mga kaaway.

  • Magsimulang muli.

Sisiw na sisiw lamang ang laro at maaari mong tapusin ang isang yugto sa iyong unang pagsubok. Ngunit maaari mong gamitin ang redo button kung sa tingin mo ay gusto mong magsimula sa umpisa.

Pros at Cons ng Shoot’em all – Shooting Game

Maaaring magmukhang masyadong madali sa simula ang mga puzzle sa larong ito. Ngunit nagiging mas challenging sila sa mas huling levels. Magandang ideya ang ginawa ng mga developer na magdagdag ng gumagalaw na obstacles. Ang ganitong uri ng kahirapan ay nagdadagdag ng saya sa laro, hindi tulad ng iba pang mga puzzle game na nakakabagot laruin. Ang mga wacky character, ang masasayang musika, at ang nakakatawang sayaw sa dulo ang magpasaya sa iyo sa paglalaro nito.

Walang masama sa paglalagay ng mga ad sa iyong laro. Ngunit inaalis nito ang masayang karanasan sa paglalaro. Ang larong ito ay 70% advertisement at 30% gameplay lamang. Maiintindihan mo kung maglalagay sila ng banner sa ibaba ng screen dahil kailangan ng mga developer na kumita ng pera. Sa tuwing tatapusin mo ang isang yugto, lumalaki ang mga banner ad, ngunit maaari mo pa ring balewalain ang mga ito. Minsan, hindi ka makakalipat sa ibang level nang hindi nanonood ng isa pang video advertisement. Habang umuusad ka sa laro, mag-aalok ito ng bagong karakter na maaaring ma-unlock at sasabihin sa mga manlalarong mawawala sila nang tuluyan kung hindi mo sila make-claim. Ito ay isa pang ad at maaari mong palaging bilhin ang mga character na iyon sa shop.

Konklusyon

Ang Shoot’em all – Shooting game ay magiging masayang laruin kung hindi dahil sa hindi mabilang na mga ad. Ito ay may maraming potensyal dahil sa mga hamon at kahirapan habang ikaw ay sumusulong dito. Sa isyung ito, maiisip mong ginawa lang ng developer ang larong ito para kumita ng pera. Inirerekomenda ng Laro Reviews sa mga manlalarong bumili na lang ng mga puzzle game. Maaaring magastos ang mga larong tulad nito, ngunit wala itong anumang ads.