Romancing SaGa Re;univerSe Review

Isa sa mga popular na uri ng laro ay ang role-playing games kung saan ang manlalaro ay may kakayahang kontrolin ang isa o higit pang kathang-isip na karakter sa laro. Ang Romancing SaGa Re;universe ay isang online RPG na ginawa ng Akatsuki Inc. at inilabas ng Square Enix. Patok ito sa mga taong ang interes ay umiikot sa mga larong maraming aksyon at pakikipagsapalaran. Upang mas malaman pa ang tungkol sa Romancing Saga, maaaring basahin ang susunod na mga detalye hatid ng Laro Reviews.

Mga Tampok sa Laro

Ang paglalaro ng Romancing SaGa Re;univerSe ay katulad lamang ng paglalaro ng iba pang action-filled games. Nangangailangan ng kritikal na pag-iisip pati na rin ng kahusayan sa pag-gamit ng iba’t ibang mga estratehiya. Ang gameplay nito ay nakasentro sa mga karakter, o mas kilala sa tawag na Styles, na may sariling kakayahan, lakas, at papel na ginagampanan sa bawat grupong masasalihan. Tampok din dito ang isang storya na siyang pangunahing tema ng buong laro. Bukod dito, may kanya-kanya ring storya ang mga Styles na siyang mas nagbibigay daan upang mas maintindihan ang laro. Medyo komplikado ang mekaniks ng larong ito dahil na rin sa karamihan ng mga quests na kailangang makompleto. Ang pangunahing layunin ng laro ay talunin ang mga malalakas na kalaban kasama ang iyong grupo o tinatawag ding party. Nabanggit kanina na ang mga Styles ay kakaiba sa isa’t-isa kung kaya sila ay may iba-iba ring paraan sa pag-atake na ginagawa upang matalo ang kalaban. Ang mga Styles ay maaaring sumabak sa mga misyon at iba pang quests upang makaipon ng jewels na siyang ginagamit upang makabili ng gamit at makapag-upgrade ng kanilang kakayahan. Ito ang magbibigay daan sa kanila upang mas maging malakas at magdagdag ng kapangyarihan. Napakarami pang magagandang tampok sa larong ito na siya naman talagang kagigiliwan ng mga nagnanais maglaro. Kung gusto mong malaman kung ano ang mga ito, i-download na ang Romancing SaGa Re;univerSe.

Paano i-download ang Romancing SaGa Re;univerSe

Katulad ng mga sikat na RPG, ang Romancing SaGa Re;univerSe ay madali lamang i-access sa kahit anong gadget na mayroon ka lalong-lalo na sa iyong mobile phone. Sundin lamang ang mga gabay na ito. Kung ikaw ay nagmamay-ari ng Android, maaari itong hanapin sa Google Play Store at i-click lamang ang salitang “install”. Para naman sa may mga IOS, pumunta lamang sa App Store at gawin ang proseso na katulad sa Android. Para naman sa mga malalaking gadget katulad ng Laptop o PC, nangangailangan munang mag-download at mag-install ng BlueStacks emulator. Pagkatapos gawin ito ay pumunta lamang sa Google Play Store, hanapin ang laro at i-click ang ‘Install’. Siguraduhing tama ang larong iyong pinili sa pamamagitan ng pagsuri kung ito ba ay inilabas ng Square Enix.

Download Romancing SaGa Re;univerSe on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.square_enix.android_googleplay.RSRSWW&hl=fil&gl=US

Download Romancing SaGa Re;univerSe on iOS https://apps.apple.com/us/app/romancing-saga-re-universe/id1477941081

Download Romancing SaGa Re;univerSe on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/romancing-saga-reuniverse-on-pc.html

Tips at Tricks Para sa mga Baguhan

Dahil mayroong pagkakumplikado ang larong ito, narito ang ilan sa mga tip at trick na ibabahagi ng Laro Reviews para sa mga baguhan pa lamang sa mundo ng RPG. Sa unang bahagi ng laro, matapos makapili ng iyong sasalihang server, may lalabas na prompt kung saan magtatanong kung nais mo bang simulan ang isang tutorial o ipagpaliban ito. Mangyaring taasan ang pasensya at simulan ang tutorial. Ito ay malaking tulong lalong-lalo na sa pag-intindi ng buong istorya ng laro. Ipapakita rin dito ang mga karakter o Styles na maaari mong gamitin pati na rin ang mga kakayahang mayroon sila. Ang mas maganda pa, nakalagay rin sa tutorial kung paano mas madaling talunin ang mga kalaban. Lahat ng mga features na pipindutin sa laro ay may kaakibat na deskripsiyon na siyang galing din sa tutorial. Matapos maintindihan ang konsepto ng laro, maaari nang magsimula sa pakikipaglaban. Inirerekomenda ang pagkakaroon ng tatlo o apat na Styles sa mga unang parte ng laro upang mas madali ang pagtatapos ng unang levels ng pangunahing storya. Sa pamamagitan nito, mas mapapaaga ang iyong pagkuha ng mga quests o misyon na kailangan upang makapag-upgrade ng kakayahan. Mas maraming quests, mas mabuti sapagkat magbibigay daan ito upang mapabilang sa malakas na grupo o party. Kung ikaw ay sigurado na sa kakayahan ng iyong Styles, maaari ka nang pumili ng quests na mahihirap upang makaipon ng mas maraming jewels. Laging tandaan na nararapat maging mausisa sa pagpili o pag-gawa ng grupo o party. Mas mabuti kung malakas ang Styles na iyong kasama upang mapadali ang pag-level up ng inyong mga karakter. Kung ikaw ay baguhan pa sa larong ito, nakatutulong din ang pananaliksik sa kahulugan ng mga terminong ginagamit sa RPG katulad ng stats, HP o hit points, BP o battle points, at iba pa. Ito ay upang mas maintindihan ang mga pangyayari habang umuusad ang laro. Maaari rin naman ang pagbili ng premium skills at game packs sa larong ito gamit ang totoong pera.

Kalamangan at Kahinaan

Maganda ang kabuuang konsepto ng laro at talaga namang maganda ang pagkakagawa nito. Ang graphics ng laro ay hindi pa rin masyadong makatotohanan katulad na lamang sa mga naunang series ng Romancing SaGa ngunit bawing-bawi naman ito sa paraan ng paglalahad ng kwento. Sa katunayan, bukod sa mga karakter at labanang nakapaloob sa laro, isa sa mga aabangan dito ay ang mga ilalabas pang detalye na may koneksyon, hindi lamang sa pangunahing istorya, kundi pati na rin sa buhay ng mga Styles. Hindi rin nawawalan ng quests ang larong ito kung kaya ay malaya kang mas palakasin pa ang iyong kakayahan. Maganda rin ang naisip na konsepto na habang nasa laro ang mga karakter ay malaya silang matuto ng iba pang skills o mas palakasin lalo ang skills at spells na mayroon sila. Ito ay mas nagbibigay kasabikan sa buong gameplay. Malaya ring makapili ng mga atake na iyong gagamitin sa paggapi ng kalaban at para sa mga baguhang manlalaro, magandang oportunidad upang masuri ang kanilang kritikal na pag-iisip sa paglalaro.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, nakakuha ng 4.7 na rating ang larong ito sa Google Play Store at 4.8 naman sa App Store. Masasabi na puro mataas ang markang nakuha ng laro dahil na rin sa magandang sistema ng gameplay at kapanapanabik na game features. Dagdag pa dito ang simpleng graphics ngunit mahihirap na mga pagsubok na siyang mas ikinatuwa ng mga manlalaro. Kung hilig mo ang mga klasikong RPG na puno ng aksyon at pakikipagsapalaran, Romancing SaGa Re;univerSe na ang para sa iyo. Kaya i-download na!