Pokémon Legends: Arceus, Final Fantasy VII Remake Intergrade, at The Witcher 3: Wild Hunt. Ilan lamang ang mga ito sa mga sikat na RPG sa ngayon. Nagsimula ang lahat sa simpleng graphics at text-based na mga dialogue. Ngayon, nagsisimula nang maging mas makatotohanan ang mga laro. Ang ilan ay pinagsama pa sa ibang mga genre. Ang Kefir! ay isang developer na nag-publish ng ilang RPG na may iba’t ibang tema, gaya ng Last Day on Earth: Survival, Nifelheim Chronicles, at Cyberika: Action Cyberpunk RPG. Nagsama sila ng dark fantasy theme sa kanilang larong Grim Soul: Dark Survival RPG. Isang survival game sa isang MMORPG setting na maaari mong laruin sa iyong mobile device.
Pasukin ang kakila-kilabot na fantasy world ng Plaguelands, isang lugar kung saan hindi na bago ang kamatayan dahil sa plague. Sa katunayan, namatay ka rin dahil dito. Itinapon ng mga tao ang iyong bangkay sa isang random na lote, ngunit ikaw ay muling nabuhay sa hindi malamang dahilan. Parang kahit si kamatayan ay umaayaw sayo. Dahil sarili mo lang ang mayroon ka, kailangan mong mabuhay sa pamamagitan ng pangangalap ng mga resource tulad ng pagkain. Buuin ang iyong base upang protektahan ang iyong sarili at ang lahat ng kinakailangang bagay upang mabuhay. Walang nakakaalam kung bakit ito nangyayari, ngunit ang mga bangkay ay muling nabubuhay habang sila ay nagiging undead. I-explore ang mundo at lutasin ang misteryo sa likod ng kaguluhang ito.
Ang laro ay may katulad na mga kontrol sa iba pang mga real-time RPG. Kontrolin ang paggalaw ng iyong karakter gamit ang D-pad. Ito ay matatagpuan sa kaliwang bahagi ng iyong screen. Ang pinakamalaking pindutan sa kanan ay ginagamit upang atakehin ang iyong mga kaaway. Ang button sa ibaba nito ay ginagamit para sa pakikipag-interact, tulad ng pagpuputol ng mga puno, pagpupulot ng mga bagay, pagmimina ng mga bato, at paggamit ng mga device. Kailangan mo lamang pumunta malapit sa kanilang lugar at gawin ang task. Kung pagod ka nang gawin ang mga ito, maaari mong i-click ang auto-mode. Gagawin ng iyong karakter ang lahat ng mga gawain, tulad ng pangangalap ng mga resource at pakikipaglaban sa mga kaaway.
Features ng Grim Soul: Dark Survival RPG
Customizable Character – Binibigyang-daan ka ng feature na ito na baguhin ang iyong itsura sa iyong unang laro. Maaari mong piliin ang iyong kasarian, style at kulay ng buhok, at ang complexion ng iyong balat. Maaari mo pa ring i-customize ang iyong itsura at magdagdag ng face painting sa mid-game.
Survival – Panatilihing buhay ang iyong sarili sa pamamagitan ng pangangalap ng mga kinakailangang resource. Magkakaroon ka ng hunger at thirst bar, at mauubos ito kapag hindi ka kumain o uminom.
Crafting – Gamitin ang mga materyales upang lumikha ng mga item tulad ng mga device, weapon, at armor.
Designs – Ito ang mga blueprint na kailangan sa paggawa ng mga bagay. Maa-unlock mo lang ang mga ito kapag naabot mo ang mga kinakailangang level, at kailangan mong gumamit ng mga crafting point para matutunan ang mga ito.
Skills – Ito ang mga ability na magpapalakas sa iyong karakter. Makukuha mo ang mga ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat na makukuha mo sa pamamagitan ng pangangalap ng mga resource.
Weapons – Gamitin ang mga item na ito upang patayin ang mga umaatakeng halimaw. Ang dalawang uri ay melee (para sa malapitang labanan) at ranged weapon (para sa malayuang pakikipaglaban).
Armors – Ang kagamitan na magpapalakas sa mga stat ng iyong karakter. Ang mga ito ay ang Helmet, Body Armor, Leg Armor, Gauntlet, Boots, at Shield.
Scrolls at Letters – Ang Scrolls ay ang mga nakasulat na impormasyon na gumagabay sa mga manlalaro kung ano ang mga dapat gawin. Samantala, tinutulungan ka ng mga Letter na malutas ang misteryo habang binabasa mo ang journal ng mga taong sumulat nito.
Province Map – Ipinapakita nito ang lahat ng mga lugar na maaari mong tuklasin. Maaari kang maglakad, tumakbo, o sumakay gamit ang kabayo kung gusto mong maglakbay.
Saan pwedeng i-download ang Grim Soul: Dark Survival RPG?
Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS user naman, at ilagay ang Grim Soul: Dark Survival RPG sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying mai-download ito.
Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:
Download Grim Soul: Dark Survival RPG on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=fantasy.survival.game.rpg
Download Grim Soul: Dark Survival RPG on iOS https://apps.apple.com/us/app/grim-soul-survival-quest-rpg/id1366215798
Download Grim Soul: Dark Survival RPG on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-fantasy.survival.game.rpg-on-pc.html
Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang MEmu Play emulator mula sa kanilang https://www.memuplay.com. Kompletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.
Tips at Tricks sa Paglalaro
Kung nahihirapan kang maglaro, gamitin ang mga tip na ito mula sa Laro Reviews para matulungan kang makaligtas nang mas matagal.
Gamitin ang Auto-mode.
Ang paggawa nito ay makakatulong sa pagkolekta ng mga resource nang mas mabilis. Palaging magdala ng mga kinakailangang tool, tulad ng axe at pickaxe. Huwag kalimutang magdala ng mga weapon upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa mga kaaway.
Mamulot ng maliliit na bagay.
Mas matagal gawin ang pagpuputol ng mga puno at pagmimina ng mga bato. Minsan, maaari kang atakihin ng mga halimaw habang ginagawa ang mga ito. Kaya kapag pupunta ka sa isang bagong lugar, mamulot ng mga sanga at maliliit na bato upang makatipid ng oras.
Gumawa ng isang Peasant Chest.
Unahin ang karagdagang storage sa laro. Makakatulong ito na makakuha ng mas maraming mga resource at mabuhay nang mas matagal.
Mga Hunger at Thirst bar.
Laging magdala ng mga pagkain at inumin para mapunan ang iyong uhaw at gutom. Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng paggamit muna ng mga berry, pagkatapos ay baguhin ang iyong diet sa lutong karne at tubig.
Suriin ang mini-map.
Maaari mong tingnan ito sa kanang tuktok ng iyong screen. Makakatulong ito sa iyong mahanap ang mga bato, bush, puno, chest, at iba pang mga bagay. Tutulungan ka rin ng mapa na makita ang mga paparating na kalaban, kaya laging tignan ito kapag kumukuha ng mga resource.
Pros at Cons ng Grim Soul: Dark Survival RPG
Ang laro ay may mataas na graphics, at mamamangha ka sa grim atmosphere na ibinibigay nito. Kung hindi ito kaya ng iyong device, maaari mo itong ibaba sa settings. Marami ang mga lugar na pwedeng i-explore at mga bagay na gagawin. Darating ang panahon na maaari kang mag-loot sa isang pansamantalang lugar dahil sa isang event.
Ang mga nagsisimulang manlalaro ay maaaring mahirapan sa pag-usad sa laro. Normal na maghintay kapag nagluluto o nagtatanim sa mga survival game, ngunit kakailanganin mong maghintay ng higit sa 10 minuto upang makumpleto ang mga gawain dito. Maaari mo itong tapusin kaagad sa pamamagitan ng paggamit ng mga coin, at makukuha mo ito sa pamamagitan ng pagbili gamit ang totoong pera. Normal na magkaroon ng mga in-app purchase sa mga laro. Gayunpaman, idinisenyo ito ng developer na may mahirap o mabagal na pag-unlad upang ang mga manlalaro ay matuksong bumili ng mga pack at magkaroon ng advantage sa laro.
Konklusyon
Ang Grim Soul: Dark Survival RPG ay isang nakakatuwang survival game. Gayunpaman, hindi ito gaanong free-to-play friendly dahil kakailanganin mong gumugol ng mas maraming oras sa pag-grind para sa mga resource. Inirerekomenda ng Laro Reviews ang larong ito sa mga manlalarong kayang makabili ng mga in-app na purchase at mahilig sa survival RPGs. Palaging tiyakin na mayroon kang stable internet connection para ma-enjoy ito.