Candy Bomb: Lucky Game Review

Sa halos dalawang taong pananatili lamang sa loob ng bahay dahil sa restrictions ng pandemic, sigurado akong may mga naiinip at bugnot na sa pang-araw-araw na routine. Bakit hindi ka sumubok ng mga bagong bagay? Isa itong mabisang paraan para maalis ang pagkabagot. Halika’t tuklasin ang ganda ng mundo at paligid nang hindi umaalis ng iyong tahanan. Maglaro ng libre kasama ang iyong mga kaibigan! Tiyak na mare-relax ka at makakapagpahinga. Mayroong humigit-kumulang 100 na masasarap na levels ang naghihintay sa iyo sa Candy Bomb: Lucky Game!

Katulad ng desserts, mayroong pantanggal-umay na bagong Match 3 game na malalaro rin ng libre! Tiyak na hindi magsasawa ang mga players sa paglalaro. Naghahanap ka ba ng mga libreng laro na hindi nangangailangan ng koneksyon sa internet? Gusto mo bang hamunin ang iyong mga kaibigan sa isang libreng match-3 na laro? Narito na lahat ng ‘yan! Para mapatunayan mo ang sinasabi ko, i-download na ang laro gamit ang mga sumusunod:

  • Download Candy Bomb: Lucky Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=com.newstudios.Homesweet
  • Download Candy Bomb: Lucky Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/candy-bomb-2-match-3-puzzle/id1480473187
  • Download Candy Bomb: Lucky Game on PC https://apps.apple.com/us/app/candy-bomb-2-match-3-puzzle/id1480473187

Ano ang Candy Bomb: Lucky Game?

Ang Candy Bomb ay may masinsing idinisenyo upang magkaroong ng isang game na maraming pakulo at pasabog! Bukod pa riyan, regular ito ginagawan ng mga bagong Match 3 games upang matiyak na hindi ka mananawa o mababagot ang mga manlalaro pagdating sa mas matatas na levels. Isang halimbawa nito ay paggamit ng virtual Rubik’s Cube. Pagtutugmain lamang ang mga bahaging may pare-parehong kulay para manalo sa laro. Hindi lang isang klase ng laro ang makikita mo rito. Kaya huwag nang magpatumpik-tumpik pa at subukan na ang free-to-play 2021 game na ito!

Paano laruin ang Candy Bomb?

Ang Candy Bomb: Lucky Game ay madali lang makabisado. Walang dapat ipag-alala dahil simple lang mga proseso ng laro. Kailangan mo lamang sundin ang mga tagubilin at maging mahusay sa paggamit ng mga teknik para ma-master ang larong ito.

  1. Bumuo ng isang linya ng tatlo o higit pang magkakatulad ng items upang mabasag ang mga ito at maalis sa board. May mga cues sa laro para tulungan kang makatapos ng level.
  2. Mag-match ng 5 items na nakaayos na tila T o L para makabuo ng Rubik’s Cube at makapasok sa minigame.
  3. Upang makausad ng mabilis sa iba’t ibang levels, ipinapayong gumamit ng mas kakaunting mga galaw at itodo ang paggamit ng mga espesyal na mga kombinasyon ng boosters.

Ang Candy Bomb: Lucky Game ay isang Match 3 game na sinadya bilang pamparelax. Siguradong masisiyahan ka sa pagbabasag ng mga sagabal sa pagbuo ng puzzles, habang nakakakita ng mga nakatutuwang bagay na sumusulpot sa screen na sinabayan pa ng nakakaaliw at tila may pampakalmang mga tunog sa bawat hanay na mapagtutugma-tugma mo. Ang kumbinasyong ito ay lalo pang gumagatong sa excitement habang naglalaro. Kaya’t huwag nang ipagpaliban ang iyong Candy journey, umpisahan na ‘yan!

Related Posts:

Stickman Legends: Shadow Fight Offline Sword Game Review

Lords Mobile: Tower Defense Review

Mayroong ilang mga diskarte at tips para manalo sa larong Candy Bomb: Lucky Game. Ito ay isang perpektong pagkakataon upang mahasa ang iyong focus at talino. Ang nakakatuwa pa nito, naglalaro ka lang pero nasasanay mo ang kaliwang bahagi ng iyong utak sa pamamagitan ng pag-iisip kung paano pinakamahusay na galaw para malampasan ang bawat stage.

Ano ang hatol sa Candy Bomb: Lucky Game?

Worth it ba? Oo naman! Pero kailangan mong laruin ang game para malaman mo ang eksaktong pakiramdam at kaligayahan sa paglalaro nito.

Para sa mga unang ilang araw o higit pa, ang laro ay magiging kasiya-siya. Subalit dapat mong malaman na ang reward kapalit ng pagkumpleto ng levels ay bumababa sa paglipas ng panahon. Hindi naman mawawalan ng halaga ang pinaghirapan mo dahil mayroon pa ring katumbas ang bawat natatapos na stage. Ako nga ay nakaabot pa ng $16. Ang trick ay magpatuloy lamang paglalaro. Wala namang mawawala, hindi ba?

Kapag nakumpleto mo na ang lahat ng mga antas, ang pagiging proud na nakatapos mo ang laro ang tanging premyo. Nagpasya akong tumigil na nang matapos ko ang lahat ng levels. Hindi naman umabot sa minimum payout ang naipon ko sa laro, kaya wala ring bayad. Maraming mga manlalaro ang umaasa pa rin na magbabago ang patakarang ito at sana ay maibaba ang threshold para makapag-payout ang mga manlalaro.

Para sa mga masugid sa paghahanap ng masayang paraan upang mag-enjoy kasama ang mga kaibigan, patok talaga ang Candy Bomb dahil napakadaling nitong matutunan. Hindi man kayo nagkikita-kita, may space para sa sama-samang paglalaro, pagbibigayan (ng lives) at pagtutulungan. Sa maikling panahon lang, kayang-kaya mong maging master ng Candy Bomb: Lucky Game at sa paglalaro mo nito araw-araw, madali na lang para sa iyo ang pagkuha ng mga premyo.

Isa sa mga positibong feedback ng karamihan sa nakapaglaro na ng Candy Bomb ay mayroon itong cute na graphics at nakakaganang mga tunog. Ginagawa nitong mas kasiya-siya ang laro. Kung hindi mo type ang mga nakakabaliw at mahirap matutunang mga laro, ang Candy Bomb ay super chill kaya mabilis mong makakagamayan at libre pang mae-enjoy kapag wala kang magawa o kailangan mo ng pampalipas-oras.

Ang tanging drawback na naranasan ko sa laro ay ang biglang pagka-crash nito matapos akong mahirapan ng husto sa pinakahuling planet battle. Nang mag-log ako ulit, nag-crash na naman. Maaaring dahil ito sa laki ng data o pwede ring bug o glitch lang.

Laro Reviews