MEGA MAN X DiVE Review

Nagaganap ang labanan sa isang lokasyon sa cyberspace na kilala bilang “Deep Log,” na kinabibilangan ng impormasyon ng data ng laro pati na rin ang mga alaala at karanasan ng mga manlalaro habang nagsasaya sa mga video game. Ang bawat manlalaro sa mundo ay may personal na Deep Log, na matagal ng pinoprotektahan at kinokontrol sa loob ng maraming dekada. Sa kabila nito, ang katiwalian at iba pang mga problema ay nagdudulot ng ilang mga bug at error sa software.

Ang Deep Log na pinangangalagaan ni Rico mula sa serye ng Mega Man X ay naglalaman ng hindi matukoy na mga error na nagdudulot ng system failures o pag-corrupt ng data. Responsibilidad ng manlalaro na ayusin ang data at alisin ang lahat ng mga error na ito upang maprotektahan ang Deep Log. Tulungan natin si Rico na i-troubleshoot ang digital world sa pamamagitan ng paglagay ng isang malakas na cyber ​​hero para ibalik ang katahimikan sa cyberspace at alisin ang mga virus at error ng program!

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng manlalaro ay tiyakin na matalo ang lahat ng irregular data mula sa Deep Log. Ikaw ay maninirahan sa loob ng digital domain na tinatawag na Deep Log na naglalaman ng lahat ng iyong alaala mula sa paglalaro ng computer games. Ito ay nasa ilalim ng banta ng pananakop ng mga virus pati na rin ang mga error na nagdudulot ng pagka-corrupt ng data at nagreresulta ng tuluyang pagkasira ng system. Makakaharap mo ang iba’t ibang mga boss na talagang susubok sa iyong kakayahan na maprotektahan ang cyberspace at maibalik ang iyong mga alaala! Maging aktibo sa pakikipaglaban kontra sa irregular data at tulungan si Rico sa pagpapanumbalik ng mga pangunahing programa at data.

Paano ito laruin?

Dadalin ka ng MEGA MAN X DiVE sa virtual space ng Deep Log, kung saan gagampanan mo ang papel ng isang Hunter Program na siyang magdadala ng kapayapaan sa Deep Log sa pamamagitan ng pag-aalis ng abnormal na data at pagtukoy sa pinagmulan ng misteryosong error. Ang data ng laro ng Deep Log ay huminto sa paggana nang maayos, na nagreresulta sa mga iregularidad na nakakaapekto sa mga karakter, armas, at mga level, na nagiging dahilan upang ito ay maging magulo. Kung baguhan ka sa mundong ito, malugod na tutulungan ka ni Rico at ipapaliwanag ang lahat ng kailangan mong malaman sa pamamagitan ng isang tutorial, kaya hindi mo na kailangang mag-alala kung ang mga bagay dito ay nakakalito.

Ang virtual joystick ay nasa kaliwang bahagi ng screen, habang nasa kanan ang mga button para sa special attack, basic attack, pag-dash, at paglukso. Ito ay isang 2D side-scrolling action game kung saan maaari ka lamang gumalaw pakaliwa at pakanan. Maaari kang yumuko o tumalon upang iwasan ang mga atake ng kalaban at hinahayaan ka rin nitong atakihin ang mga kalaban mula sa iba’t ibang direksyon. Ang mga kalaban ay hindi naglalagay ng anumang mga recovery item, sa halip, ang isang karakter ay maaaring humawak ng dalawang sandata. Ang isa ay magsisilbing pangunahing sandata at ang isa naman ay maaaring maging backup na sandata – maaaring anuman mula sa mga busters, rifle, mortar, o mga sprayer.

Ang isang stage ay nahahati sa 5 mga seksyon at bawat isa ay may boss sa huli. Ang bawat clearing stage ay nagbibigay sa mga manlalaro ng mga bituin, na may mga partikular na kundisyon na dapat matugunan. Ang mga karagdagang bonus ay maaaring makuha kung ang manlalaro ay nakamit ang sapat na bilang ng mga bituin sa bawat stage. Kaya, ano pang hinihintay mo? Simulan na nating labanan at alisin ang lahat ng kalaban sa cyberspace upang mapalaya ang virtual space mula sa banta ng irregular data na patuloy na pumipinsala sa operasyon at performance nito!

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang MEGA MAN X DiVE sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 82 MB at 262.1 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download MEGA MAN X DiVE on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=tw.com.capcom.rxd

Download MEGA MAN X DiVE on iOS https://apps.apple.com/ph/app/mega-man-x-dive/id1488067160

Download MEGA MAN X DiVE on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/megaman-x-dive-on-pc.html

Hakbang sa paggawa ng account sa larong MEGA MAN X DiVE

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong MEGA MAN X DiVE pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong LINE, Facebook, Twitter, o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng MEGA MAN X DiVE!

Tips at tricks sa paglalaro ng MEGA MAN X DiVE

Ang larong MEGA MAN X DiVE ay kawili-wiling laruin at nagiging mas mapanghamon habang umuusad ka dito. Kaya narito ang ilang mga diskarte na inihanda ng Laro Reviews para sa iyo.

Sanayin ang mga kakayahan ng iyong karakter at sandata – Ang bawat bayani ay maaaring humawak ng dalawang armas nang sabay. Mayroong ilang mga posibleng kumbinasyon na nagdudulot ng isang malakas na atake sa mga kaaway. Kaya mas mainam na kabisaduhin mabuti ang iyong mga karakter at sandata para mas maging epektibo ito sa labanan. Malalaman mo rin kung ano ang mas magandang unahin na i-upgrade.

I-upgrade ang mga istatistika ng armas – Ang bawat armas ay may mga kasanayan na maaaring palakasin at nangangailangan ng iba’t ibang kagamitan. Pindutin lamang ang icon na “+” at ang paraan ng pagkuha upang magpakita ng listahan ng mga stage at lugar kung saan maaaring makuha ang mga materyales.

I-level up ang iyong hero – Ang pagkakaroon ng mataas na bituin ay may malaking epekto sa pangkalahatang istatistika ng hero pati na rin ang ilan sa mga katangian nito. Bukod doon, sa pamamagitan ng pag-level up ay maaari mong ma-unlock ang mga level ng pag-upgrade sa mga skill ng iyong hero.

Kumpletuhin ang Daily Quests at Achievements – Ang pagkakamit ng 3-stars grade sa ilang level ay nagbibigay ng mga karagdagang reward at ang iba pa ay maaaring makuha sa pamamagitan ng mga misyon ng laro. Kaya patuloy lang na kumpletuhin ang mga ito para sa karagdagang bonus na maaari mong makuha rito.

Pros at cons sa paglalaro ng MEGA MAN X DiVE

Ang Laro Reviews ay lubos na humanga sa pambihirang gameplay performance na alok nito para sa mga manlalaro. Ito ay isang uri ng 2D side-scrolling action game na siguradong aakit ng iyong atensyon. Dadalhin ka nito sa nakamamanghang lugar ng cyberspace at magbibigay-daan sa iyong maranasan ang isang bagong paraan upang madaig ang irregular data na nagbabanta sa Deep Log. Ang labanan kontra sa mga halimaw na ito ay isang kakaibang tema pati na rin ang konsepto nito. Ang bawat karakter ay maaaring gumamit ng dalawang armas ng sabay at may mga natatanging kasanayan na nagbibigay-daan para sa maraming posibleng kombinasyon ng atake. Mayroong napakalaking mga boss sa bawat segment ng laro na nagbibigay ng mapanghamon at kapanapanabik na gameplay. Habang umuusad ka, magagawa mong i-unlock at tumuklas ng mga bagong feature.

Ang mga karakter ay maganda ang pagkaka-animate at lubos na nakakahanga. Ang virtual controls ay malinaw na nakaayos sa ilang bahagi ng screen ng smartphone. Maaari mong ayusin ang mga virtual button sa ayos na gusto mo para gawing mas komportable itong gamitin. Posible rin dito ang pag-upgrade ng iyong mga karakter at armas, na nagbibigay-daan sa iyong palakasin pa ang kanilang mga katangian at sa gayon ay mag-level up ka nang mas mabilis upang ma-unlock ang iba pang features.

Dahil ang laro ay batay sa isang serye ng anime, ang mga karakter dito ay nagsasalita ng Japanese. Ang kanilang mga boses ay nakakabilib at nakakaakit. Ang mga sound effect habang pinapakawalan mo ang kanilang mga kapangyarihan ay nagbibigay ng intensity sa paglalaro at hindi nakakairita sa pandinig. Isa rin sa ikinaganda nito ay maaari mong ikonekta ang iyong laro mula sa mga naa-access na account. Kaya maaari mo ng i-save ang progress ng iyong laro at ilipat ang data mula sa iba-ibang device. Sa pangkalahatan, ito ay isang masaya at nakakahumaling na laro!

Konklusyon

Ang MEGA MAN X DiVE ay magdadala sayo sa isang kapanapanabik na labanan kontra sa irregular data sa Deep Log. Mabibighani ka sa kamangha-manghang gameplay nito, na nagpapahintulot sayo na makapasok sa mundo ng virtual space kasama ang iyong mga paboritong fictional hero. Bawat isa sa kanila ay may mga natatanging kakayahan. Gamitin ang iyong Hunter Program para patumbahin ang lahat ng mga kalaban na sumisira sa data at sa iyong magagandang alaala!