Space shooter – Galaxy Attack Review

Space shooter – Galaxy Attack – Ang kalawakan ay nangangahulugan ng isang malawak na pakikipagsapalaran, isang sikat na temang ginagamit ng media sa halos lahat ng bagay na may kinalaman sa sci-fi, at isa na ring malaking hamon.

Dito ay makakalipad at makapaglalakbay ng walang hanggan sa dagat ng mga bituin, dumadaang mga planeta, at ilang mga nilikha na na-stranded sa malawak na kawalan. Maaaring makatuklas ng iba pang mga nabubuhay na nilalang. Maging ito ay agresibo o tahimik, ang mga nilalang na ito ay maaaring nananatili, dahil hindi lang tayo ang nabubuhay sa isang maalamat na celestial body na napapaligiran ng tubig, lupa, at mga damo.

Kapag nagsimula ang isang digmaan, ang Earth ay nakakasigurong maipagtatanggol ang sarili mula sa mga mananakop gaya ng makikita sa Space shooter – Galaxy Attack. Ang larong ito ay dadalhin ka sa loob ng hangar ng iba’t ibang warship na bawat isa ay may kani-kanyang espesyalisasyon. Tanging ikaw at ang iyong hukbo ang makakaprotekta sa mundo gayundin ang buong solar system. Handa ka na bang itaboy ang mga nagbabanta sa Earth sa pamamagitan ng laser blasters at plasma gunships?

Paano Maglaro ng Space Shooter – Galaxy Attack?

Ang pangunahing dapat gawin sa Space gamit ang ship ay nananatiling katulad ng mga normal na shooting games, subalit dinagdagan ito ng mga vessels, updates, at power-ups para gawing mas exciting.

Para makakuha ng mataas na resulta, kailangang linisin ang bawat wave sa itinakdang oras. Gayundin, may mga bagay na nakakaapekto sa scoring rate at pagkatapos ng wave. Ang pagtatapos ng waves ng mas mabilis ay isang paraan para makakuha ng mataas na score.

Paano I-download ang Larong Space Shooter – Galaxy Attack?

Para makapagsimulang barilin ang space enemies, i-download ang Space shooter – Galaxy Attack sa Android devices gamit ang Google Play Store at App Store sa mga iOS devices. Para ma-enjoy ang labanan gamit ang PC, gumamit ng emulator sa pag-download ng laro.

I-download ang laro dito:

  • Download Space shooter – Galaxy attack game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.game.space.shooter2
  • Download Space shooter – Galaxy attack game on iOS https://apps.apple.com/us/app/galaxy-attack-space-shooter/id1225548580
  • Download Space shooter – Galaxy attack game on PC https://pcmac.download/app/1225548580/galaxy-attack-space-shooter

Mga Taktika sa Paglalaro

Ang mataas na score ay nangangahulugan ng pagkamit ng sapat na gold coins na magagamit sa bandang dulo ng laro. Ngunit ang top score ay nangangahulugang nakuha ang lahat ng coins sa unang bahagi ng laro. Posible din ito makuha sa pagbili ng bagong ships, na nagbibigay ng mas mataas na pagkakataon para makakuha ng mataas na score. Kapansin-pansin na ang laro ay nagtatalaga ng mga misyon sa unang bahagi ng stage. Ang paglilinis ng kalahati ng wave ay makakapagbigay ng reward points, subalit ang pagsimot sa wave ay makakapagbigay ng mas mataas na puntos sa dulo ng stage.

Kahit ang inirerekomenda ay ang pagsimot ng buong wave para sa mas mataas na score, may iba pang paraan para mas mapataas pa ito. Ang mga power-ups ay maaaring makuha ng mga players sa laro. Napakaraming power-ups na maaaring makuha, Isa sa mga ito ay nakakapagpataas ng score hanggang hundred points na malaki ang maitutulong sa kabuuang score sa bawat stage. Ilan sa mga power-ups ay may kasamang bagong ships, mas malakas na firepower, mas mataas na injury, at paminsan minsan ay karagdagang buhay. Dalhin ang spaceship patungo sa mga power-ups tuwing makikita ito.

Sa una, ang Space shooter – Galaxy attack ay simple lang laruin at walang gaanong challenges. Ito marahil ay dahil sa pagbibigay ng pagkakataon sa player na masanay kung paano laruin ito. Sa pag-angat ng levels, ang mga bagay ay nagiging lubhang mapanghamon. Mas maraming alien ships ang biglaang sumusulpot na nagpapahirap sa laro. Ang mga baguhan pa sa larong ito ay hindi alam ang gamit ng red flashing light bilang indicator. Ito ang nagpapahiwatig kung saan susulpot ang mga alien ship ng kalaban para mapaghandaan ito.

Ang mga newbies ay karaniwang nananatili sa iisang posisyon mula sa pagsisimula ng atake ng mga waves na para bang wala nang ibang pwestong mapupuntahan. Sa parami ng paraming ships ng kalaban, mahihirapang maiwasan ang fireballs o ang pag-iwas na mabunggo ito. Kaya iminumungkahi ang paggalaw at pag-iwas na manatili sa iisang posisyon sa kabuuan ng laro. Kailangang tuluy-tuloy lang sa paggalaw para makakuha ng power-ups at maiwasan ang projectiles. Pinapayo ito lalo na sa mga boss combats kung saan pauulanan ka ng iba’t ibang mga bagay.

Bawat stage ng Space shooter: Galaxy Attack ay nahahati sa waves. Bawat wave ay may kakaibang mga kalaban at may nakatakdang misyon. May mga bonuses sa katapusan ng stage na makukumpleto. Ang mga unang bonus na ibinibigay ay gold coins o minsan ay gems. Ang gems ay mahalaga sa laro dahil ito ang ginagamit sa mga upgrade ng ships at iba pang mga bagay. Mabibili ang gems ng totoong pera ngunit kung hindi nais na bumili nito, ang isang paraan para makakolekta nito ng libre ay kumpletuhin ang kauna-unahang bonus. Tapusin ang mga tasks sa bawat stage para makuha ang mga bonus sa unang pagtatangka. Maaari ding mag-spin ng lucky wheel para makakuha ng gems.

Related Posts:

Life of Mellow Review

Life Challenges: Game Royale Review

Space shooter - Galaxy Attack

Space shooter – Galaxy Attack

Space Shooter – Galaxy Attack Game Reviews

Ang Space shooter – Galaxy Attack ay may magandang graphics, lighting, at digital effects. Ito ay may challenging na gameplay at mahigit 200 levels na puno ng space aliens! Maaaring ito na ang isa sa walang katapusang shooting expeditions! Ito ay mayroong online action games, maaaring laruin kasama ng mga kaibigan, at may kakayahang mag-organize ng sariling space group. Higit sa lahat, may patas na tsansa ang lahat na mapasama ang pangalan nila sa world leader board.

Ang larong ito ay enjoyable ngunit medyo mahirap lalo na kung walang balak gumastos para sa upgrade. Maaaring manood ng ads para makakuha ng gems at makapag-upgrade ngunit mangangailangan ito ng mahabang oras at maaaring mainip sa panonood nito.

Konklusyon

Kung nag-eenjoy ka sa shooting games at modernong labanan at gusto mong magbigay ng kasiyahan sa galaxy gameplay, ang Space shooter ay magandang subukang laruin. Ang Galaxy Attack, ay isang tradisyunal na free space games theme, isang klasik ang laro na may modernong setting ang magdadala sa iyo sa walang katapusang yugto ng space shooting. Sa galaxy battle, makakalaban ang iba’t ibang evil opponents at striker bosses. Kaya mo bang maka-survive sa extraterrestrial action game na ito?

Laro Reviews