Gods and Glory: War for the Throne Review

Ang Gods and Glory: War for the Throne ay isang strategy war game na gawa ng Deca Games, isang tanyag na Android game developer. Simula ng ito ay inilabas noong Nobyembre 14, 2019, ito ay nai-download na ng mahigit isang milyong beses sa Google Play Store. Ang kumpanyang Deca Games din ang nag-develop ng mga sikat na larong tulad ng Zombie Catcher: Love to Hunt, Dragonvale at Hero Hunters.

Ang pangunahing layunin ng mga manlalaro ay pamunuan ang isang kaharian. Kailangan nilang sumabak sa mga labanan upang maging pinakamalakas at makapangyarihan sa lahat. Bukod sa pagpapanalo ng bawat labanan, napakahalaga ring magkaroon ng items at makakuha ng sapat na resources para sa kaharian. Ang Laro Reviews ay narito upang gabayan ka sa maaksyon at kapanapanabik na pakikipagsapalarang ito.

Paano I-download ang Laro?

Ang larong ito ay maaaring magamit sa Android o iOS devices. Hanapin lamang ang game app sa Play Store o sa App Store at i-click and install button. Kung nais mong maglaro gamit ang iyong laptop o desktop, maaari mong i-download ang app sa computer gamit ang isang Android emulator. Kung nais mong mai-download ang laro sa lalong madaling panahon, gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews:

Download Gods and Glory: War for the Throne on iOS https://apps.apple.com/us/app/gods-and-glory-war-of-thrones/id1050101469

Download Gods and Glory: War for the Throne on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.fridaysgames.godsandglory

Download Gods and Glory: War for the Throne on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.fridaysgames.godsandglory-on-pc.html

Gods and Glory: Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Ang Gods and Glory: War for the Throne ay isang MMO (massively multiplayer online) game na hango sa setting ng medieval times. Nagbibigay ito ng matinding real-time PvP battle experience sa mga manlalaro kung saan kailangan mong makipaglaban para sa kapangyarihan. Bukod dito, nagbibigay din ito ng tsansang maranasan ang excitement na dala ng paggamit ng mahika at digmaan.

Hindi madaling mamuno ng isang kaharian, maraming responsibilidad ang nakasalalay sa’yo tulad ng pagdepensa laban sa mga kaaway at pagpapalawak ng nasasakupan. Bukod dito kinakailangan mo ring mag-summon ng dwarves at legendary gods. Dapat mong ding tiyakin na ang iyong kaharian ay may sapat na resources at koleksyon ng artifacts. Ang isa sa kapanapanabik na bagay dito ay pwede kang sumali sa aktibong alliances at magkipag-team up kasama ng ibang manlalaro para maghanap ng resources at maglunsad ng malakihang pag-atake laban sa ibang kaharian.

  • Gameplay

Ang gameplay ng Gods and Glory ay hindi masyadong mahirap subalit, ito ay medyo kumplikado lalo na sa mga baguhang manlalaro. Karamihan sa mga strategy game kasi ay may battle system na naka-focus lamang sa pag-lineup ng mga sundalo o armas laban sa teritoryong sinasalakay. Sa kabilang banda, ito ay medyo naiiba dahil kailangan ng mas matinding pagpaplano at diskarte rito. Ang bawat desisyong gagawin ng manlalaro ay lubos na makakaapekto sa kalalabasan ng isang match. Ang labanang magaganap dito ay salitan, kapag ang isang ay umaatake, ang isa naman ay magdedepensa.

Related Posts:

Bloons TD Battles 2 Review

Kiss of War Review

  • Battle Arena

Sa pamamagitan ng pag-click sa attack button ikaw ay mapapadpad sa battle arena. Sa simula, ang mga manlalaro ay maaari lamang gumamit ng dalawang battle lines upang paglagyan ng mga hukbo. Pwede mo itong madagdagan habang ikaw ay nagle-level up at sa tulong na rin ng research activities sa iyong University. Tandaan na ang madiskarteng pagpwesto sa iyong mga hukbo ay napakahalaga. Ugaliing pag-aralan ang hukbo ng kaaway at pagplanuhan ang tamang diskarte bago umatake.

Ang isang matchup game ay nahahati sa tatlong yugto: start, moves at rounds. Naa-activate ang lahat ng skills ng hukbo kapag nagsimula na ang aktwal na laban. Kapag pagkakataon mo nang tumira, maaari kang maglunsad ng atake laban sa iyong kalaban o gumamit ng skills ng iyong hukbo. Huwag kalimutan na ilan sa skills na ito ay maaaring gumana kahit hindi pa dumarating ang iyong pagkakataong umatake. Ang bilis ng labanan ay nakadepende rin sa attack speed ng mga hukbo. Magpapatuloy ang salitan ng pag-atake hanggang sa maubos ang lahat ng hukbo ng isang manlalaro. Ang matitira ang s’yang tatanghaling panalo sa match.

  • Game Characters, Units and Heroes

Ang sumusunod ay mga mahahalagang game characters na kailangan mong kilalanin:

  1. Scientist – Sila ang gumagawa ng magical items at high-tech devices na magpapalakas sa fighting skills ng iyong hukbo.
  2. Worker – Sila ang gumagawa ng mga gusali at istruktura sa iyong kaharian. Ang mga blacksmith ay isang uri ng worker na gumagawa ng mga panangga at armas na gagamitin ng iyong hukbo.

Tandaan na isang scientist o worker lamang ang maaaring mong i-activate sa partikular na pagkakataon.

Ang mga hukbo o units sa larong ito ay nahahati sa pitong grupo o race: Beast, Daemon, Golem, Dendroids, Undead, Person at Satyr. Ang bawat isa ay may kakaibang katangian, kakayahan, at abilidad na lubhang nakaaapekto sa kakayahan mong lumaban. Ang mga Hero naman ay may dalawang uri ng skills – active at passive skills. Ang active skills ay isang beses lang umeepekto samantalang ang passive skills ay maaaring makaimpluwensya sa buong hukbo. Pumili ng unit o bayani na sa tingin mo ay mas lamang sa kalaban at swak sa iyong gaming style.

Pros at Cons ng Gods and Glory: War for the Throne

Maraming manlalaro ang nasisiyahan sa customization feature ng laro kung saan pwede nilang gawing mas personalized ang kanilang hero sa pamamagitan ng iba’t ibang armas at items. Patas rin ang gameplay nito dahil hindi na kailangan ng mga manlalaro na gumamit pa ng in-app purchases para makapag-level up. Ang kakaiba at bago nitong konsepto ay mas masaya at nakakaaliw kung ikukumpara sa karamihan ng strategy games.

Sa kabilang banda, may mga isyu at problema rin ang larong ito na kailangang pagtuunan ng pansin. May ilang manlalaro na hindi nagustuhan ang kakaibang battle system nito dahil medyo boring ito. May mga pagkakataon din na bigla na lamang nagka-crash at nagla-lag ang app.

Konklusyon

Ang Gods and Glory: War for the Throne ay nakakuha ng average rating na 4.0 stars mula sa halos 100,000 reviews. Samantala, mayroon naman itong 4.2-star rating sa App Store mula sa halos 1,000 reviews. Kakailanganin mo ng mahabang pasensya kung gusto mo talagang subukan ang larong ito. Marami pa kasi itong technical problems na lubhang nakakaapekto sa kabuuang gaming experience. Napakalaki pa ng potensyal ng larong ito na mas makilala at sumikat pa, lalo na kapag naayos ng developers ang mga isyu at problema nito.

Laro Reviews