Mahilig ka ba sa mga larong may temang mystery adventures? Ang Suspects: Mystery Mansion ay isang mystery action game mula sa Wildlife Studios, isang Dublin-based game developer. Ito ay inilabas noong Enero 4, 2021 sa Google Play Store. Sa kasalukuyan ay mayroon na itong mahigit sa 10 milyong installs. Maliban sa larong ito, ang iba pang mga laro na mula sa Wildlife Studios ay ang Teen Clash: Multiplayer Game at Zooba: Zoo Battle Royal Game.
Ang mga manlalaro dito ay sasabak sa isang exciting na imbestigasyon tungkol sa mga misteryosong pagpatay na nagaganap sa loob ng isang mansyon. Ang bawat game match ay binubuo ng iba’t ibang manlalarong may gagampanang roles. At ang kanilang partikular na layunin ay nakasalalay sa roles na random na isini-set sa laro. Kapag ang mga manlalaro ay nataon sa role na Guest, Detective o Inspector, kailangan nilang tukuyin at hulihin ang Killer. Samantala, kung ikaw naman ang makakakuha ng role na Killer, kailangan mong protektahan ang iyong pagkakakilanlan at patayin nang palihim ang ibang manlalaro.
Paano I-download ang Laro?
Ang larong ito ay pwedeng ma-enjoy gamit ang mga iOS at Android device sa pamamagitan ng pag-download ng app sa Play Store o sa App Store. Sa kabilang banda, kung gusto mo namang gumamit ng laptop o desktop sa paglalaro, maaari mong i-download ang app sa iyong computer gamit ang isang Android emulator. Para hindi ka na mahirapan pa, maaari mong gamitin ang mga sumusunod na link:
Download Suspects: Mystery Mansions on iOS https://apps.apple.com/tr/app/suspects-mystery-mansion/id1546088542
Download Suspects: Mystery Mansions on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.wildlifestudios.free.online.games.suspects
Download Suspects: Mystery Mansions on PC https://store.steampowered.com/app/1576060/Suspects_Mystery_Mansion/
Ultimate Guide para sa mga Manlalaro
Ang Suspects: Mystery Mansions ay bagay para sa mahihilig sa crime at mystery games. Ang konsepto at gameplay nito ay halos kapareho ng sikat na Among Us, subalit ang game plot nito ay naka-set sa isang mansyong puno ng misteryo. Tiyak na susubukin ng larong ito ang iyong intuition at deduction skills. Bukod dito, kailangan mo ring makipagtulungan sa ibang manlalaro upang mabigyang-linaw ang mga pagpatay na magaganap. Ngunit, huwag basta magtitiwala sa mga kagrupo dahil isa sa inyo ang mismong Killer.
Bukod sa paglutas ng krimen, kailangan mo ring kumpletuhin ang mga task sa bawat bahagi ng mansyon. Habang ginagawa ang mga ito, maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang kilos ng ibang manlalaro. Sa pagtatapos ng bawat match, ang buong grupo ay magkakaroon ng talakayan upang mapagpasyahan kung sino nga ba talaga ang Killer.
Hindi nga ba’t nakakaintriga ang larong ito? Ngunit bago ka magsimula, kailangang alamin mo muna ang features nito sa tulong ng ultimate guide mula sa Laro Reviews:
- Paano Gumawa ng Game Account
Para siguradong hindi mawala ang iyong game data at progress, kailangan mong gumawa ng game account sa Suspects: Mystery Mansions. Para magawa ito, pumunta lang sa Home Screen at i-click ang settings button. Piliin ang account option at i-connect ang iyong Google Play o Facebook account.
- Game Modes
May dalawang game modes ang larong ito: Classic Mode at Special Mode. Sa Classic Mode, makikipaglaro ka sa ibang manlalaro bilang isang Guest o Killer. Ito ay may tatlong level: Beginner, Intermediate at Advance. Habang nagli-level up ka sa laro, makakakuha ka ng mga promosyon kung saan pwede mong mai-unlock ang special roles. Sa kabilang banda, ang Special Mode naman ay may dalawang sub-modes: Vigilante at Everyone Can Kill. Sa Vigilante mode gagampanan mo ang role ng isang vigilante na pwedeng i-kick out o barilin ang Killer. Sa Everyone Can Kill mode, ang lahat ng mga manlalaro ay pwedeng pumatay sa Killer.
- Roles
Kailangan mong mag-level up para mai-unlock ang ibang roles sa larong ito. Ang manlalarong may role ng Detective ay may kakayahang makita ang mga yapak ng iba. Subalit, available lang ang role na ito sa advance mode. Gamit naman ang Inspector role, maaari mong i-examine ang ibang manlalaro para matukoy ang Killer. Bilang Vigilante, magkakaroon ka naman ng kakayahang patayin o kaya’y i-kick out ang Killer. Bilang Guest naman, maaari kang gumawa ng mga task at bumoto para matukoy ang Killer. Kung sakaling makuha mo ang role ng isang Detective, Inspector o Vigilante, tandaan na kailangan mong gawin ang lahat para maitago ang iyong pagkakakilanlan dahil malaki ang tsansang uunahin ka ng Killer.
- IQ Points, Power Ups at Boost
Ang IQ Points ay nagsisilbing batayan upang makapag-level up sa laro. Ang iyong pangunahing layunin ay mapataas ang iyong IQ Points sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na paglalaro at madalas na pagpapanalo. Ang rank system ng laro ay nakabatay rin sa total IQ points, kapag mas mataas ang iyong IQ Points, mas mataas din ang iyong ranking sa game. Gayundin, ginagamit ito sa matchmaking system upang maging patas sa lahat.
Sa tuwing nagli-level up ka sa laro, makakakuha ka ng mga cute na hayop na nagsisilbing power-ups at boosts. Ang bawat isa dito ay may natatanging features na makakatulong para mas mabilis na makapag-level up.
Pros at Cons ng Suspects: Mystery Mansion
Maraming manlalaro ang nasisiyahan sa nakakahumaling at kapanapanabik na konsepto at gameplay ng Suspects: Mystery Mansion. Sa pamamagitan ng voice chat features nito, nagagawang makipag-ugnayan ng mga manlalaro sa isa’t isa kung kaya’t nagiging mas nakaka-enjoy maglaro. Ang graphics at animations nito ay makulay, nakakaaliw at talagang may mataas na kalidad.
Gayunpaman, may ilang isyu at problema rin ang larong ito. May mga pagkakataong napakahirap maglaro dahil sa mga nakakairitang lags, bugs at crashes. Nakakaistorbo rin sa laro ang patuloy na pagpapalabas ng ads. Marami ang nadismaya ng labis sa Private Lobby features ng laro dahil hindi ito gumagana ng maayos. Marami ang automatic na naki-kick out sa room ng walang anumang dahilan.
Konklusyon
Ang Suspects: Mystery Mansion ay may average rating na 3.8 stars mula sa halos 700,000 reviews sa Play Store. Samantala, may 4.6-star rating naman ito mula sa mahigit sa 2,000 reviews sa App Store. Sa kabuuan, kahit na ang konsepto ng larong ito ay bago at kapanapanabik, medyo nakakadismaya pa rin ito. Para sa Laro Reviews, ito ay may napakalaking potensyal na mas makilala at makahakot pa ng mas maraming tagahanga. Kung maaayos lang ang mga problema at masusolusyunan ang mga isyu nito, magiging mas karapat-dapat itong pantapat sa larong Among Us.