A Dance of Fire and Ice Review

Ang A Dance of Fire at Ice ay isang rhythm game na gawa ng kumpanyang 7th Beats Game. Ito ay inilabas noong Oktubre 4, 2014. Sa kasalukuyan, isa ito sa mga pinag-uusapang laro. Mahigit sa 500,000 beses ng nai-download ang app nito sa Play Store pa lamang.

Sa larong ito, kailangang gamitin ang isang daliri upang i-control ang dalawang orbs. Kailangang gabayan ang mga ito sa pagtahak ng mga nakakalitong landas habang ito ay patuloy na umiikot at tumatalbog. May iba’t ibang hugis at nakakalitong mga kurbada ang larong ito. May background music din ito na magiging batayan ng tamang galaw ng orbs.

Paano I-download ang Laro?

Maaaring laruin ito gamit ang mga Android o iOS device. Bago pa man ang lahat, dapat mong malaman na ito ay may bayad. Kailangan mong bilhin ang app dahil ito ay hindi libre. Kung gusto mo namang gumamit ng laptop o desktop computer, maaari mo itong laruin sa mga lehitimong gaming websites. At, sa pamamagitan ng isang emulator, pwede mong i-install ang app sa computer. Nais mo bang i-download ito kaagad? Gamitin lang ang sumusunod na link na angkop sa iyong device:

  • Download A Dance of Fire and Ice game on PC https://www.fibonapps.com/en/games/download-32219-a-dance-of-fire-and-ice/pc
  • Download A Dance of Fire and Ice game on iOS https://apps.apple.com/us/app/a-dance-of-fire-and-ice/id1456547302
  • Download A Dance of Fire and Ice game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.fizz.connected

A Dance of Fire and Ice: Tips at Tricks para sa mga Manlalaro

Kung ikaw ay isang baguhan sa larong ito, kailangan mong gumawa ng username. Simple at madali ang game mechanics at features ng A Dance of Fire and Ice. Ngunit, ang mga hamon ay hindi basta-basta. Maaari kang makaramdam ng matinding pagkabigo lalo na kapag malapit mo na itong matapos at bigla kang nagkamali. Huwag mag-alala, ang Laro Reviews ay narito upang tulungan ka. May ilang tips at tricks kaming ibabahagi upang mas mapabilis ang iyong pag-level up.

Bago magsimula ang aktwal na laro, may pagkakataon kang subukan at magsanay sa laro sa pamamagitan ng maikling tutorial. Ang pangunahing layunin dito ay ang gabayan ang orbs patungo sa goal. Ang asul na orb ay ang “ice” at ang pula naman ay ang “fire”. Gamit ang isang daliri lang, kontrolin ang mga ito habang sinusunod ang ritmo ng kanta. Kapag ikaw ay nagkamali, mawawalan ka na ng pagkakataon na matapos ang buong antas. Kailangan mong maglaro muli mula sa simula. Babala: Ang mga landas na iyong tatahakin ay balu-baluktot at paliko-liko. Makinig ng mabuti sa kanta at isabay ang iyong galaw. Ito ay isang magandang aktibidad para subukin at sanayin ang koordinasyon ng iyong pandinig at paggalaw ng mga kamay o daliri.

Tandaan na ang orbs ay hindi lamang simpleng tumatalbog, umiikot din ang mga ito. Mas mabilis silang nakakalipat ng direksyon kapag umiikot ng clockwise. Samantala, bumabagal naman ang mga ito kapag umiikot ng counterclockwise. Iwasan ding magbanggaan ang mga ito. Ang pagsunod sa tiyempo ay napakahalaga – makinig ng mabuti at sabayan ang ritmo nito. Hangga’t maaari, siguraduhin na makapag-concentrate ka habang naglalaro. Iwasan ang anumang bagay na maaaring makagambala o makawala ng iyong focus.

Ang karamihan sa music games ay gumagamit ng musika para lamang sa dagdag na kasiyahan. Ang A Dance of Fire and Ice ay gumagamit ng millisecond-accurate rhythm engine, kaya hindi talaga nanaisin ng sino man na mawala sa ritmo sa larong ito. Kung pakiramdam mo ay sisiw lamang ang mga hamon sa regular levels, maaari mo ring subukan ang mga speed trials. Maaari kang manalo ng mga karagdagang puntos at mga bonus sa pamamagitan ng pag kumpleto ng mga maikling hamon. Kung sakali mang mabigo ka, walang mawawala sa’yo. Maaari rin itong magsilbing pagsasanay upang ikaw ay maging mas mahusay.

Kasama rin sa mga tampok ng laro ang Calibration option. Pwede mong i-adjust ang mga settings sa laro upang maging mas angkop ito sa’yo. At ang pinakamahalaga sa lahat, huwag matakot na magkamali at umulit dahil dito ka matututo at masasanay talaga.

A Dance of Fire and Ice: Pros at Cons ng Laro

Makalipas ang mahigit sa pitong taon mula ng una itong ilabas, ang larong A Dance of Fire and Ice ay nananatiling isa sa mga may pinakamataas na rating sa mga kilalang gaming platforms. Mayroon itong average rating na 4.6 stars mula sa higit 15,000 reviews sa Play Store. Mas mataas pa ang rating nito sa App Store – 4.8 stars mula sa 1000+ reviews.

Ang game mechanics nito ay madaling maunawaan. Ang gameplay naman nito ay simple ngunit mapanghamon at nakakahumaling. Pagdating naman sa antas ng kahirapan, ang larong ito ay nagbibigay ng matinding satisfaction lalo na kapag natapos mo ang mga level. Gayundin, ang iba’t ibang uri ng musika na ginamit ay interesante at nakadaragdag ng kasiyahan.

Related Posts:

RUSTED WARFARE – RTS STRATEGY Review

Tropico Game Review

Gayunpaman, may mga isyu at pagkukulang din ang larong ito. Wala itong opsyon para mai-share ng mga manlalaro ang kanilang achievements sa kanilang social media accounts. Karamihan sa mga manlalaro ay gustong i-save at i-share online ang kanilang game data. Ang android version nito ay walang custom levels and level editor features na meron sa PC version. Mayroon rin itong ilang bugs na nakakaistorbo sa laro. At, may ilang mga manlalaro na nagrereklamo dahil tila napakahirap na mapagtagumpayan ang ibang antas nito.

Konklusyon

Ang app na ito ay nangangailangan pa ng regular na mga update. Dapat din na idagdag ng mga developer ang lahat ng mga tampok sa PC version sa mobile version dahil ang mga manlalaro ay nagbabayad para ito ay mai-download.

Para sa Laro Reviews, kahit na ang A Dance of Fire and Ice ay may bayad, ang presyo nito ay makatwiran pa rin. Ang musikang ginamit ay de-kalidad at ang konsepto nito ay kakaiba. Ang makukulay nitong graphics ay nakakaaliw at hindi nakakagambala sa paglalaro. Kahit na kailangan mong gumastos ng kaunti para rito, sigurado ka naman na ito ay sulit. Sa simula, malaking hamon talaga ang pag-level up ngunit, habang tumatagal masasanay at matututo ka rin. At sa huli, makikita mo ang iyong sarili na na-eenjoy ang rhythm game na ito ng higit pa sa dati.

Laro Reviews