Ang WindWings: Space Shooter, Galaxy Attack (Premium) ay isang 2D arcade shooting game laban sa mga alien spacecraft. Ang larong ito ay inilabas ng GCenter noong Oktubre 9, 2020. Ang mga manlalaro ay maaaring pumili ng dalawang klase ng mga starcraft na gagamitin sa labanan bago mag-umpisa ang isang level. Kokontrolin ng mga manlalaro ang mga spracecraft na iyon at dapat silang magtagumpay laban sa mga alien starcraft na may iba’t ibang armas at sari-saring mga pattern ng pag-atake. Marami pang feature na tatalakayin sa artikulong ito mula sa Laro Reviews kaya siguraduhing tapusin ang pagbabasa nito hanggang sa dulo.
Paano I-download ang Laro?
Ang larong ito ay maaaring i-download gamit ang sumusunod na links:
- Download WindWings: Space Shooter, Galaxy Attack (Premium) on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.Gcenter.WindWings.SpaceShooter.Premium
- Download WindWings: Space Shooter, Galaxy Attack (Premium) on iOS https://apps.apple.com/us/app/wind-wings-premium/id1547214584
Mga Gabay para sa Baguhang Manlalaro
Ang backstory ng laro ay nakasentro sa isang sundalo na napunta sa isang space rift na nagpadala sa kanya sa hinaharap. Namangha siya sa makabagong mundo na nakita niya. Gumagawa na ngayon ang mga tao ng super advanced na sasakyang panghimpapawid at mga makabagong armas sa pamamagitan ng modernong agham at teknolohiya. Hinahangad nilang maabot ang mga malalayong planeta upang magtatag ng bagong teritoryo. Ibinubuhos nila ang lahat ng kanilang kakayahan at kaalaman para mahanap ang promised land. Kaya, nagpasya ang sundalo na muling sumama sa hukbo at tumulong sa paghahanap nito. Sa kanilang paghahanap, napuno ang kalawakan ng mga kakilakilabot na labanan. Sumalakay ang mga alien monsters upang hadlangan ang iyong layunin at sakupin ang mundo. Sa gitna ng matinding labanan, inutusan ng kumander ang sundalo na manguna laban sa mga kaaway!
Maglalaro ka bilang sundalo ng kwento sa larong ito. Ang iyong layunin ay protektahan ang mundo laban sa pagsalakay ng mga kaaway. Mangunguna ka sa isang lupon ng spacecraft sa isang matinding bakbakan laban sa alien monsters! Dapat mong hadlangan ang plano ng kalaban at magtagumpay laban sa lahat ng mga kaaway! Upang magawa ito, sasailalim ka sa isang tutorial sa unang yugto ng iyong paglalakbay. Mayroong health bar sa kaliwang bahagi sa itaas ng iyong screen. Habang ang bilang ng mga monster na kailangan mong talunin ay naka-display sa kanang bahagi sa itaas ng iyong screen. Ang mga power up at coins ay dapat mong kunin upang mas madali mong matalo ang iyong mga kalaban. Maraming mga power up sa larong ito. Ang ilan sa mga ito ay magbibigay ng boost sa iyong bilis ng pagbaril habang ang iba ay ikakalat ang iyong bala upang maatake ang maraming mga kaaway ng sabay-sabay.
Maraming ding spacecraft na may iba’t ibang uri ng pag-atake. Gagamitin ang mga ito depende sa uri ng mga kaaway na iyong kinakaharap. Maaari kang pumili ng dalawang spacecraft sa simula ng bawat yugto. Kailangan mo lang i-release ang iyong daliri mula sa screen upang magpalit ng spacecraft. Kailangan mong talunin ang boss sa dulo ng bawat yugto. Magbibigay ito sayo ng maraming coins. Ang mga coin ay maaari ring makuha sa pamamagitan ng paggawa ng mga misyon. Bukod sa coins, maaari kang mabigyan ng gems kapag natapos mo ang isang mahirap na misyon. Ginagamit ang coins para i-upgrade ang iyong spacecraft tulad ng pagpapabuti ng health nito, pag-upgrade ng mga canon nito, pag-install ng coin magnet at pag-install ng espesyal na laser weapon. Mayroon ding mga cool na upgrade tulad ng rocket multiplier, stun, invisibility, mga bomba at super lazer.
WindWings: Tips at Tricks sa Paglalaro
Ang WindWings: Space Shooter, Galaxy Attack (Premium) ay isang mahirap i-master na laro lalo na sa mga matataas na level nito. Narito ang pinakamahusay na tips at tricks mula sa Laro Reviews upang madaling tapusin ang maraming levels at talunin ang mga boss sa larong ito:
- Mangolekta ng coins
Ang coins at gems ang ginagamit na currency sa larong ito. Makakakolekta ka ng maraming coins kapag tinalo mo ang mga monster at nakumpleto mo ang mga misyon. Ang mga coin ang pinakamahalagang resource sa laro dahil ginagamit ito upang i-upgrade ang mga teknolohiya ng iyong spacecraft. Para lubusang lumakas, dapat kang mangolekta ng maraming coins hangga’t kaya, para lubos na ma-upgrade ang iyong spacecraft.
- Magsimula sa basic upgrades
Kasama sa basic upgrades ang health, basic at espesyal canons, mga coin magnet at mga espesyal na laser. Ang pagpapahusay kaagad sa mga ito ay nagpapataas sa mga istatistika ng pag-atake at depensa. Tutulungan ka ng health upgrade na tumagal sa laban sa gitna ng patuloy na pag-atake ng kaaway. Samantala, ang mga kanyon at laser naman ang tatalo sa mga depensa ng kalaban. Ang coin magnet ay nagbibigay-daan sa iyo na mangolekta ng mga coins kahit na iniiwasan mo ang pag-atake ng mga kalaban.
- Mag-ipon ng gems para sa VIP points
Bukod sa basic upgrades, may mga espesyal na upgrade tulad ng rocket multiplier, stun, invisibility, mga bomba at super lazer. Kailangang maabot mo ang nakatakdang VIP Level para i-unlock ang mga ito. Halimbawa, maa-unlock ang Invisibility sa VIP 1, ang mga bomba sa VIP 3 at super lazers sa VIP 5. Kaya dapat kang makakuha ng gems sa pamamagitan ng mga misyon upang dumami ang VIP points.
Related Posts:
Monkey Boxing Review
First Strike: Classic Review
WindWings: Pros at Cons ng Laro
Ang WindWings: Space Shooter, Galaxy Attack (Premium) ay isang shooting arcade game na puno ng aksyon. Kahit na mayroon lamang itong 2D graphics, ang visual effects at animation ng larong ito ay napakahusay. Ito ay ang modernong bersyon ng sikat na 1978 arcade game na Space Invaders. Kung naghahanap ka ng larong may retro-vintage na konsepto na sinamahan ng modernong artwork at visuals, ang larong ito ay perpekto para sayo. Kinuha ng GCenter ang arcade gameplay ng Space Invaders at nilapatan ito ng modernong teknolohiya para gawin ang larong ito.
Ang pangkalahatang visual ng larong ito ay katangi-tangi. Ang lupon ng mga spacecraft at alien monsters sa larong ito ay mahusay na iginuhit sa punto na ang mga manlalaro ay siguradong mahuhumaling sa larong ito sa kabila ng simpleng gameplay nito. Dagdag pa riyan, ang mapa sa background ay hindi sagabal sa lahat ng content ng laro. Hindi mo mapapalampas ang alinman sa mga pag-atake ng mga kalaban o ang mga coin at power up na lumalabas kahit bumibilis na ang takbo ng bawat labanan. Real-time din ang pag-render ng video kaya hindi ka makakaranas ng anumang aberya.
Ang progresibong difficulty ng laro ay hahamon sa mga manlalaro ng gumugol ng oras para rito. Kahit na simple at paulit-ulit ang gameplay at mechanics nito, mas titindi ang hamon na lalabas sa bawat yugto ng laro. Gayunpaman, ang difficulty ng laro ay mahusay na binalanse at kayang lampasan sa tulong ng technology upgrade feature ng laro. Maaari mong i-upgrade ang iyong spacecraft sa pamamagitan ng mga coin na kikitain mo sa bawat yugto.
Ang tanging dapat tignan ng mga developer mula sa larong ito ay ang mamahaling VIP feature. Kailangan mo ng maraming VIP points para ma-upgrade sa VIP level. Ang ilang mga technology upgrades ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng VIP na maaari lamang i-unlock sa pamamagitan ng matagal-tagal na paglalaro o sa pamamagitan ng pagbili ng gems gamit ang iyong sariling pera. Sa kabila ng katotohanang ito, maaari ka pa ring magpatuloy sa pamamagitan ng iyong galing sa pag-iwas at mabilis na pagdedesisyon.
Konklusyon
Ang WindWings: Space Shooter, Galaxy Attack (Premium) ay isang 2D action shooting game. Kahit na may 2D graphics lamang ito, ang visual effects at animation ng larong ito ay katangi-tangi. Ito ay lubos na inirerekomenda para sa mga manlalaro na naghahanap ng shooting game na may retro vibe na sinamahan ng modernong visuals. Nagawa ng mga developer nang mahusay ang mga pagbabago mula sa isang klasik Space Invaders, tungo sa isang modernong mobile game. Subukan na ngayon ang WindWings: Space Shooter, Galaxy Attack (Premium)!
Laro Reviews