Solitaire Journey Review

Ang Solitaire Journey ay isang card game mula sa Queens Solitaire Game, isang Hong Kong-based Android game developer. Simula nang inilabas ito noong Agosto 14, 2017, maraming manlalaro ang kaagad nahumaling dito. Sa kasalukuyan, ito ay nakapagtala ng mahigit sa kalahating milyong downloads sa Google Play Store.

Ang layunin ng mga manlalaro rito ay maglakbay sa mga sikat at magagandang lugar sa mundo sa pamamagitan ng paglalaro ng card game. Katulad ng karaniwang Solitaire Tripeaks, kailangan nilang mailagay ang lahat ng cards na nasa tableau sa discard pile. Magagawa nila ito sa pamamagitan lang ng pag-tap sa linked card o sa card na mas mataas o mas mababa ng isang value kaysa sa top card na nasa discard pile.

Maaaring napakasimple nitong pakinggan, subalit sa sandaling masubukan mo ang larong ito, kaagad na maaakit ka sa mapanghamon nitong gameplay. Kahit ito ay isang single-player game, may sapat itong mga pagsubok upang ma-challenge at malibang ang mga manlalaro .

Paano i-download ang Laro?

Ang game app na ito ay available sa Google Play Store at maaaring i-download nang libre sa Android running devices. Sa kasalukuyan, wala pa ito sa App Store, kaya hindi pa ito pwedeng laruin sa iOS devices. Maaari rin itong laruin gamit ang laptop o desktop sa pamamagitan ng pag-download ng APK file nito sa computer at pag-run gamit ang isang lehitimong emulator. Pwede mo ring gamitin ang mga sumusunod na link:

Download Solitaire Journey on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.queensgame.solitaire.journey

Download Solitaire Journey on PC https://m.apkpure.com/solitaire-journey/com.queensgame.solitaire.journey

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Sa paglipas ng maraming taon, iba’t ibang versions ng Solitaire Tripeaks ang nagsilabasan. Hindi maikakailang napakahigpit ng kompetisyon sa larangang ito ng card games. Karamihan ay may kakaibang features at bagong gameplay kung kaya’t talagang napakahirap tukuyin kung alin nga ba talaga ang nangunguna sa lahat.

Gayunpaman, may mga manlalaro pa ring mas pinipili ang mga classic version dahil ang mga ito ay hindi kumplikado, mas nakakarelaks at mas nakalilibang. Maaaring ang Solitaire Journey ay may kakaunting features kung ikukumpara sa iba, subalit ang pagiging simple nito ang siyang malaking kalamangan nito. Binigyang-buhay kasi nito ang classic Solitaire Tripeak gameplay na nakapagbigay ng kasiyahan sa karamihan.

Upang manalo sa stylized solo-player card game na ito, mahalagang malaman ng mga manlalaro ang gameplay at features nito. Huwag mabahala dahil malugod kang tutulungan ng Laro Reviews sa aspetong ito. Ang mga sumusunod ay mahahalagang bagay na kailangan mong malaman tungkol sa laro:

  • Gameplay

Sa simula ng bawat round, may ilalatag na cards sa gaming table. Ang tableau ay matatagpuan sa gitna ng iyong gaming screen habang ang stockpile at discard pile naman ay matatagpuan sa ibabang bahagi. Kailangan mong i-tap ang linked cards na nasa tableau upang mailipat sa discard pile. Tandaan na hindi sa lahat ng oras ay may mahahanap kang linked card sa tableau. Sa mga ganitong sitwasyon, kailangan mong kumuha ng karagdagang card o cards mula sa stockpile at tapusin ang laro. Siguraduhing makapag-ipon ng kinakailangang bilang ng stars upang makapaglaro sa mga sumusunod na game level.

  • Game Features

Ang background design na ginamit sa Solitaire Journey ay hango sa mga sikat na tourist spots sa iba’t ibang bahagi ng mundo tulad ng Eiffel Tower sa Paris, Great Wall of China at Cherry Blossoms sa Japan. Hindi ba’t nakamamangha kasi para ka na ring nakapaglakbay nang libre?

Bukod pa rito, mayroon din itong higit sa 100 game levels na pwede mong pagsawaan kahit saan at kahit kailan. Ang Solitaire Journey kasi ay maaaring laruin kahit walang internet connection. Pwede mo ring gamitin ang Undo feature nito kung sakaling magkamali ka sa iyong game move. Mayroon din itong Shuffle icon kung sakaling gustuhin mong baguhin ang takbo ng laro. Subalit, tandaan na ang features na ito ay hindi libre. Kinakailangang magbayad ng in-game coins para magamit ang mga ito. Abangan mo rin ang bihirang paglitaw ng mga Joker na nagsisilbing wild card sa larong ito.

Bukod sa regular rewards, makakatanggap ka rin ng combo bonus kapag sunud-sunod mong nailipat ang cards mula sa tableau. Maaari ka ring manood ng ads kapalit ng karagdagang coins. Higit sa lahat, huwag kaligtaang i-click ang rewards icon upang makolekta ang Daily rewards.

Pros at Cons ng Solitaire Journey

Ang classic Solitaire Tripeaks gameplay ng laro ay simple at madaling maunawaan ng marami. Ang konseptong ginamit dito ay nakakaaliw at nakaka-relax din. Ang paglalaro nito ay isang magandang paraan upang makapaglibang kahit sa maikling oras lamang. Hindi katulad sa iba, ang mga manlalaro ay hindi napipilitang gumastos ng pera para sa in-game items upang makapag-level up. Marami kasing mga paraan upang makakuha ng in-games coins sa laro at isa na rito ay sa pamamagitan ng panonood ng ads.

Kahanga-hanga rin ang game execution nito. Ang graphics at animations ay nakaka-enganyo at may magandang kalidad dahil tila dinadala ka nito sa mga magagandang lugar habang naglalaro. Ang disenyo at arrangement ng game menus at icons ay maayos at hindi magulong tingnan. Ang music at ang sound effects ng laro ay bagay sa tema nito at nakakaaliw pakinggan.

Sa kabilang banda, may mga kahinaan din ang larong ito. Marami ang nagrereklamo tungkol sa madalas na glitches at biglaang pagfi-freeze ng gaming screen sa kalagitnaan ng laro. Ang ilang game levels ay tila napakahirap ding malampasan dahil madalas magkaroon ang mga ito ng loading problems. Nakakadismaya rin ang madalas na paglitaw ng mahahabang ads na labis na nakakaapekto sa buong gaming experience. Maraming manlalaro rin ang nagsasabing sa katagalan, nagiging boring at paulit-ulit lamang ang larong ito dahil sa kawalan ng mga bago at karagdagang kaganapan at updates. Ang mahabang tutorial nito ay labis-labis dahil simple at napakadaling unawain din naman ng gameplay nito. Ang mahabang boarding stage ay tila hindi naman kinakailangan dahil karamihan sa mga manlalaro ay alam na kung paano maglaro ng classic Solitaire Tripeaks gameplay.

Konklusyon

Ang Solitaire Journey ay nakakuha ng average rating na 4.7 stars mula sa mahigit na 13,000 reviews sa Play Store. Sa kabuuan, dahil sa napakahigpit na kompetisyon sa larangan ng solitaire-inspired games at sa pagiging mapili ng mga manlalaro, masasabi ng Laro Reviews na ang larong ito ay stand out kung ikukumpara sa iba. Maraming solitaire card games na mas lamang sa gameplay at features kaysa rito. Subalit, kung nais mo naman ng simple at classic na Solitaire Tripeaks gameplay, maganda itong alternatibo. Gayunpaman, may malaking tsansa na sa katagalan, mapapagod at mabuburyong ka lang sa monotonous nitong gameplay.