Ang Max Payne Mobile ay isang tipikal na uri ng shooting game. Ito ay isang kwentong hinango sa kwento ng isang undercover agent na ang pamilya ay walang awang pinaslang. Inaalam niya ang motibo at ang katotohanan sa likod ng krimen at nais niyang ipaghiganti ang nangyari sa kanyang pinakamamahal na pamilya. Sinusubukan din niyang linisin ang kanyang reputasyon dahil siya ay na-frame up at inakusahan sa krimen na hindi niya naman ginawa.
Ang laro ay nahahati sa 22 kabanata na pagsisikapan ng manlalaro na makumpleto. Ang bawat kabanata ay nagtatampok ng iba’t ibang misyon na kung saan lahat ay barilan. Hinahabol din siya ng mga pulis mula nang siya ay akusahan sa nasabing krimen. Kaya tulungan si Max Payne na malutas ang lahat ng pagsubok sa larong ito.
Ano ang layunin ng laro?
Ang bawat kabanata ng larong ito ay may sariling set ng misyon. Habang nagpapatuloy ka sa laro, malalaman mo ang lahat tungkol sa nakaraan ni Max Payne na nagdaragdag sa kuryusidad ng mga manlalaro. Sa bawat level, ikaw ay sasailalim sa mas maraming aksyon kontra sa mga kalaban. Ang mga sandata, Molotov cocktail, at granada ay magagamit para sa laban. May puzzle-solving din ito na susubok sa iyong kaisipan na dapat mong lutasin. Ang bala para sa mga armas ay makukuha mo sa paligid o mula mismo sa iyong kalaban. Sa oras na mapatay mo sila ay kusa silang maglalabas ng mga bala at armas.
Paano ito laruin?
Ang mekaniks ng laro ay napakasimple lamang. Sa buong laro, ang madalas na kaganapan ay ang pakikipagbarilan.. Ang ilang mga level ay may puzzle-solving na misyon na nagdaragdag ng isang bagong elemento sa laro. Sa una, ang manlalaro ay bibigyan lamang ng isang armas, ang beretta. Habang umuusad ka sa laro, makakahanap ka ng mas advanced na mga armas na ang karamihan ay makukuha mula sa mga kaaway na napatay mo.
Gaya ng naunang nabanggit, ang laro ay naglalaman ng 22 kabanata na may sari-sariling hanay ng mga layunin. Kapag natapos mo ang isang misyon, magpapakita ito ng mga maiikling comic-style na chapter panel kung saan maaari mong malaman ang kwento ni Payne at ang mga susunod pa na kaganapan. Kapag binuksan mo ang program, makikita mo ang iba pang features nito. Mayroon ding tutorial para sa mga nagsisimula pa lamang maglaro upang matutunan ang basics.
Ang mga virtual control nito ay maayos na naka-display sa screen. Matatagpuan sa kanang bahagi ang fire, junk, at bullet time buttons. Nasa kaliwang bahagi ang virtual joystick na para naman sa galaw at direksyon ng karakter. Ang health meter at mga baril ay matatagpuan sa itaas ng screen. Mayroong opsyon dito na auto-aim kung saan madali mong ma-target ang mga kaaway.
Paano i-download ang laro?
Ang mga kailangan para matagumpay na ma-download ang Max Payne Mobile sa Android devices ay dapat Android 7.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 11 MB at 1.8 GB naman para sa iOS.
- Download Max Payne Mobile on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.rockstar.maxpayne
- Download Max Payne Mobile on iOS https://apps.apple.com/us/app/max-payne-mobile/id512142109
- Download Max Payne Mobile on PC https://www.bluestacks.com/apps/arcade/max-payne-mobile-on-pc.html
Hakbang sa Paggawa ng Account sa Max Payne Mobile
- Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
- Hanapin ang bersyon ng larong Max Payne Mobile. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
- Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
- Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Max Payne Mobile!
Tips at Tricks sa Paglalaro ng Max Payne Mobile
Ang tanging gagawin sa buong laro ay makipagbarilan sa mga kalaban. Kasama sa ilang yugto ang mga simpleng paglutas ng puzzle na nagdaragdag sa entertainment ng laro. May isang armas ka lamang sa simula at ito ay ang Beretta. Sa pag-usad mo sa laro, makakukuha ka ng mas malalakas na armas gaya ng mga pistol, shotgun, at machine gun, pati na rin ang mga Molotov cocktail, missile launcher, at crowbar. Ang mekaniks ng laban ay hindi kumplikado. Upang gawing mas madali ang laro para sa iyo, i-on o i-activate lang ang opsyong auto-aim, na awtomatikong magta-target sa mga kalaban.
Malaki ang papel ng Bullet Time sa mundo ni Max Payne. Kapag na-activate ito, pinapabagal nito ang paggalaw o pagkilos ng mga kalaban na nagpapahintulot sa iyo na magkaroon ng mas mabilis na mga reaksyon at samakatuwid ay madaling barilin ang mga kalaban. Bumabagal din ang paggalaw ng manlalaro sa sandaling iyon ngunit maaari pa rin silang bumaril o umatake na magbibigay sa kanila ng kalamangan sa mga kalaban. Si Payne ay maaaring gumawa ng isang shoot-dodge technique na hinahayaan siyang lumipad habang nagpapaputok pa rin ng kanyang baril. Kung gagamitin mo ang diskarteng ito, ititigil nito ang Bullet Time hanggang sa makamit mo ang Bullet Time Combo.
Pros at cons sa paglalaro ng Max Payne Mobile
Available na ngayon ang Max Payne sa mobile devices na nagtatampok ng mataas na kalidad ng graphics, high-resolution, at magandang tunog na nagdaragdag sa intense ng laro. Habang inaalam niya kung sino ang nag-frame up sa kanya sa pagpatay sa kanyang pamilya ay susubukin mo ring tulungan siyang patunayan na siya’y inosonte. Sa buong laro, sisikapin mong malutas ang misteryo habang ginagamit ang pinakabagong slow-motion bullet-time na gimmick ni Max. Dahil ang mobile game na ito ay magbibigay sa iyo ng mas maraming features at makagagawa ka ng iba’t ibang istilo ng pagbaril sa ganap na nako-configure ang mga kontrol, at marami pang iba.
Ang mga kontrol ay halos parehas din sa ibang shooting game app na may virtual joystick. Ang mga galaw ni Max ay parang lumulutang at ang pag-scan sa paligid ng lugar ay maaaring mahirap, ngunit ang laro ay mananatiling madali dahil sa isang epektibong mekanismo ng auto-aim. Maraming manlalarong ayaw gamitin ang konsepto ng auto-aim, ngunit ginagawa nitong mas cinematic at kasiya-siya ang karanasan. Kapag hindi mo pinagana ang auto-aim, ang mga resulta ay kadalasang naka-iirita . Subalit ang karanasan ay maaaring mag-iba depende sa manlalaro.
Dahil ito ay naglalaman ng karahasan, ang larong ito ay hindi angkop para sa mga bata. Maaaring magkaroon ito ng epekto sa mga bata dahil sa gameplay at environment nito kaya lubos na ipinapayo na ang mga nasa hustong gulang lamang ang pwedeng maglaro nito. Bilang isang mobile app, maaari mo itong dalhin at laruin saan man at kahit kailan mo gusto. Sa kasamaang palad, hindi mada-download ang laro maliban na lamang kung bibilhin mo ito mula sa app store na available sa iyong device. Maa-access ito para sa mga user ng Android, iOS, at PC, kaya maraming manlalaro ang matutuwa rito.
Konklusyon
Pagdating sa mga shooting event, ang laro ay nagbibigay ng isang buong bundle ng entertainment value. Habang naglalaro, mabibighani ka sa kwento ng buhay ni Max Payne. Ang buong plot ay mahusay na naisagawa at siguradong hindi ka magsisisi sa pagbili rito.
Laro Reviews