Pro League Soccer Review

Hindi maikakaila ang kasikatan ng larong soccer sa buong mundo dahil isa ito sa pinaka-inaabangang laro ng lahat. Marami na ang mga taong naging tanyag dahil sa kahusayan ng paglalaro nito. Nagbukas ng maraming oportunidad ang soccer sa bawat indibidwal na interesado at nangangarap na makapaglaro nito. Kaya naman kahit sa maliliit na institusyon pa lamang ay ipinakikilala na ang larong ito.

Kaya kung interesado ka o nagnanais na subukan ang larong ito, maaari ka ng maglaro nito gamit ang iyong device. Sigurado akong magugustuhan mo ang nilikha ng Rasu Games, ang Pro League Soccer. Opisyal itong inilabas noong taong 2021 at patuloy na nilalaro ng marami hanggang ngayon.

Ang Pro League Soccer ay isang sport game na mayroong single-player mode. Mula sa pangalan ng laro, ito ay tungkol sa football o soccer. Ang pamantayan ng laro ay katulad ng totoong larong soccer. Mayroon din itong koponan na lumalaban sa ibang grupo upang makamit ang inaasam na tagumpay.

Diskubrehin ang iyong galing sa paglalaro ng soccer. Ibigay ang lahat ng iyong makakaya at talunin ang kalaban. Handa ka na bang maging isang magiting na manlalaro ng Pro League Soccer? Kung handa ka na, basahin ang artikulo upang malaman ang iba pang impormasyon na makakatulong sa iyo.

Features ng Pro League Soccer

HD Graphics – Ang Pro League Soccer ay mayroong malinaw at maayos na graphics. Maganda ang kabuuang disenyo na inilapat sa laro para sa isang sport game. Mararamdaman mo na ikaw ay talagang naglalaro ng soccer.

Easy controls – Sa larong ito maaari kang gumalaw at umikot hanggang 360 degrees. Kaya hindi malilimitahan ang iyong paglalaro at madali mo itong makokontrol sa direksyon na iyong nais.

Club – Maaari kang sumali sa mga club team at league sa larong ito. Pwede kang pumili mula sa iba’t ibang bansang tumatanggap ng miyembro sa kanilang grupo. Ang ilan sa mga bansang maaari mong pagpilian ay ang England, Spain, Italy, Germany, France, Portugal, Brazil, USA, Japan, South Korea at marami pang iba.

National Team at Tournament – Ang Pro League Soccer ay mayroon ding mga national teams at tournaments. Maaari kang sumama sa mga league ng iba’t ibang bansa at lumaban sa kanilang mga tournament. Kabilang dito ang European Nations League at ang Europa Cup, America Nations League at America Cup, Asia Nations League at Asia Cup, Africa Nations League at Africa Cup at ang pinakahuli, ang World Cup.

Quick Match – Mayroon ding quick match ang larong ito kung nais mo ng mabilis na laban. Pumili lang mula sa club o national match at kung saang grupo mo nais mapabilang.

Saan pwedeng i-download ang Pro League Soccer?

Kung nais mong makuha ang larong ito, narito ang mga link ng laro. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Pro League Soccer on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.rasugames.pls Download Pro League Soccer on iOS https://apps.apple.com/us/app/pro-league-soccer/id1580053372 Download Pro League Soccer on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.rasugames.pls-on-pc.html

Para mai-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na, maaari mo na itong buksan at laruin.

Tips at Tricks kung nais Laruin ang Pro League Soccer

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Pro League Soccer, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na tiyak akong makakatulong sa iyong paglalaro.

Kung ikaw ay bagong manlalaro, mayroong gabay at hakbang kung ano ang mga dapat mong gawin sa umpisa ng laro. Sundin lamang ang itinuturo at basahin ang sinasabi sa direksyon. Sa ganitong paraan, mas mabilis mong mauunawaan ang daloy ng laro at magiging pamilyar ka rito. Kapag nalagpasan mo na ang tutorial stage, magkakaroon ka na ng ideya kung paano laruin ang Pro League Soccer.

Ang pamantayan ng larong ito ay hindi naiiba sa totoong laro na soccer. Ang bawat grupo ay mayroon ding 11 miyembro. Gumagamit rin ng pass, shoot, through, tackle at sprint skills sa larong ito gaya ng totoong larong soccer. Kaya naman kung pamilyar ka na sa larong ito, tiyak akong magiging madali na lang sa iyo ang paglalaro ng Pro League Soccer.

Ang layunin ng larong ito ay madala ng bawat koponan ang bola sa goal o sa net upang magkaroon ng puntos ng walang nilalabag na tuntunin sa laro. Ang grupong may pinakamataas na puntos ang siyang tatanghaling panalo sa laban.

Upang mas tumaas ang posibilidad ng pagkapanalo ng iyong grupo, gumamit ka ng iba’t ibang estratehiya sa paligsahan. Katulad ng totoong larong soccer, mayroon ding mga taktik ang bawat koponan upang manalo. Maaari kang bumuo ng iyong sariling pamamaraan upang makakuha ng mataas na puntos at matalo ang kalaban.

Pros at Cons ng Pro League Soccer

Ang Pro League Soccer ay isa sa mahusay na sport game na maaari mong i-download ng libre sa Google Play Store at App Store. Sa dami ng soccer game na maaari mong pagpilian, tiyak akong magugustuhan mo rin ang Pro League Soccer dahil sa magandang kalidad ng laro. Ang disenyo ng graphics na inilapat sa laro ay mahusay. Ang mga football players, teams, clubs at ang mismong football field na ginaganapan ng laro ay base sa totoong larong soccer. Kaya naman mas nakakahikayat ito para sa mga manlalaro,

Kung ikaw naman ay bagong manlalaro, tiyak akong kagigiliwan mo rin ang larong ito gaya ng iba. Marami ka pang matututunan kung paano ito laruin at tungkol saan nga ba ang larong soccer. Hindi lang kasiyahan ang hatid ng Pro League Soccer sa mga manlalaro kundi pati kaalaman tungkol sa larong ito.

Dagdag pa rito,nakatanggap ang larong ito ng iba’t ibang reviews na a Google Play Store. Ayon sa mga komento, nagustuhan nila ang larong ito dahil sa magandang graphics. Pinuri din ito ng ibang manlalaro kaya tinawag nila itong ‘exceptional game’, ‘awesome’, at ‘best football game’. Wala rin daw masyadong madaming ads na lumalabas kumpara sa ibang mga laro. Ilan lang itong sa magagandang reviews na isinaad ng mga manlalaro. Subalit ang komento ng iba ay nahihirapan daw sila sa controls ng laro dahil hindi daw ganun kadali itong kontrolin. Nahihirapan din daw maka-score o maka-goal ang mga manlalaro kahit hindi totoo ang kanilang mga kalaban.

Sa kanilang bagong update, nagkaroon ng pagpapabuti sa kanilang laro. Nadagdagan rin ang bilang ng mga squad na maaari mong pagpilian at samahan sa Pro League Soccer.

Konklusyon

Para sa Laro Reviews, maganda at sulit itong laruin dahil nasa ikawalong pwesto ito bilang top free in sports game sa Google Play Store. Sa ngayon, mayroon itong 4.0 stars out of 5 ratings at may mahigit 99,000 reviews. Umabot na rin sa mahigit 10 milyong downloads ang larong ito. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong devices ang Pro League Soccer!