Toca Life World: Build Stories Review

Pinangarap mo na ba ang manirahan sa mundong base sa iyong kagustuhan? Gusto mo bang umalis at tumakas sa reyalidad? Hayaan at iwan ang lahat sa pamamagitan ng paglalaro ng Toca Life World: Build Stories! Gumawa ng sariling kwento, bumuo, at ayusin ang lahat. Idisenyo ito sa paraang gusto mo at palawakin ang iyong imahinasyon.

Ang app ay magbibigay ng walong (8) mga lokasyon at tatlumpu’t siyam (39) na mga karakter. Ito ay sapat na para maging starter-pack ng mga baguhan pa lang sa laro. Palawakin ang iyong mundo sa pamamagitan ng pagbili ng mga bagong lokasyon at karakter. Mayroong 100 lokasyon o isla, 500 karakter, at 500 alagang hayop na mabibili at masusorpresa ka sa mga regalong hatid nito bawat linggo!

Huwag mag-alala kung may iba ka pang Toca Life app. Kung ito naman ay mula sa iisang app store, maaaring pag-isahin ang mga ito at maaaring magpatulong sa Support para mailipat nila ang narating mong bahagi ng laro isang app, nang sa gayon ay hindi mo na kailangang bumili muli.

Ano ang layunin ng laro?

Ang pangunahing layunin ng larong ito ay upang palawakin ang imahinasyon ng bawat bata. Nakitaan ito ng potensyal na maging kawili-wili para sa mga bata dahil sa gameplay nito. Maaari silang bumuo, mag-ayos at lumikha ng sariling kwento batay sa kanilang pananaw. Sa ganitong paraan, makikita nila kung paano gumagana ang mga bagay at mabighani sa pagtuklas sa pamamagitan ng paglalaro ng app.

Ilan sa mga layunin nito: Lumikha, maglaro, at sumisayat.

Lumikha – Binibigyang-daan nitong palawakin ang iyong imahinasyon. Tutulungan ka nitong magpantasya pa at malaman ang mga bagay-bagay. Inilalabas nito ang pagiging malikhain ng mga manlalaro. Idisenyo ang lahat ayon sa iyong mga kagustuhan at pamunuan ang mundong iyong nilikha.

Maglaro – Nag-aalok ito ng kasiyahan sa mga manlalaro. Maraming iba’t ibang lokasyon at maaaring baguhin ang iyong mga character – mula sa kanilang hitsura, pananamit, at maging kulay ng balat. Magsaya kasama ang iyong kaibigan, anyayahan sila at huwag mag-isa!

Sumiyasat – Huwag maging kampante sa pananatili lamang sa isang lugar! Lumibot sa mundong ginawa mo. Galugarin at gawing kapana-panabik ang iyong paglalakbay. Punan ang iyong sarili ng mga pagtuklas at huwag limitahan ang iyong imahinasyon. Galugarin at makipag-ugnayan sa kakaibang mundo na puno ng mga kaakit-akit na lugar.

Paano laruin?

Simulan ito sa pamamagitan ng pag-sign up sa isang Google account para ma-download ang application. Kapag na-install mo na ang laro, maaari mo itong laruin sa iyong mobile device. Kailangan mo rin ng Google account para makabili ng mga lokasyon, character, at alagang hayop.

Sa mapa, kailangan mo lang i-swipe ang iyong screen pakaliwa o pakanan para makita ang iba’t ibang distrito. Maaari mo ring pindutin ang araw o buwan upang ilipat ito sa araw o gabi at pindutin ang gusali para direktang mapuntahan ang lugar.

Para sa mga karakter, sila ay malaya mong maaayusan! Maaari mong bihisan ang mga ito o baguhin ang kanilang itsura ayon sa istilong gusto mo. Maaari mo silang bigyan ng pagkain o inumin, o kaya naman ay hayaan silang matulog. Maaari mong ilipat ang mga karakter saan mo man naisin.

Ang mga bagay ay pwedeng ayusin at galawin. Maaari mong ihagis o ayusin ang mga ito. Maaari mong baguhin ang ilang bagay sa pamamagitan ng pagpindot sa mga ito tulad ng mga bumbilya, palitan ang musika mula sa radyo, palitan ang mga channel sa telebisyon, at iba pa.

Paano i-download ang laro

  • Download Toca Life World: Build Stories on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=com.tocaboca.tocalifeworld
  • Download Toca Life World: Build Stories on iOS https://apps.apple.com/us/app/toca-life-world-build-stories/id1208138685
  • Download Toca Life World: Build Stories on PC https://toca-world.io/

Ang kailangan para ma-download ang Toca Life World: Build Stories ng mga Android users ay Android 6.0 o mas mataas pa. Para sa iOS users naman ay iPhone 6s o mas bago at mataas sa iOS 10.0. Ang laki ng space na dapat ilaan para sa app ay 536 MB sa Android at 939.4 MB para sa iOS.

Mga hakbang para magkaroon ng account sa larong Toca Life World: Build Stories

Walang sariling account ang app na ito. Kailangan mo lang ng Google account para ma-download at magkaroon ng back-up ang mga data mula rito. Kung na-download mo ito sa parehong app store, wala kang poproblemahin sa paglilipat ng data ng iyong laro sa ibang device kahit ikaw man ay may mga nabiling items – hindi ito mawawala. Kung ikaw naman ay naka-iOS ay malabong mailipat mo ito sa Android device. Hindi maaring mapagsama ang content ng laro kapag magkaiba ang app store na pinanggalingan.

Tips at tricks sa paglalaro ng Toca Life World: Build Stories

Ang laro ay wala naman masyadong tricks para laruin. Ang bawat tao’y may kalayaang laruin ito sa paraang gusto nila. Idinisenyo ito lalo na para sa mga bata upang makatulong na mapahusay ang kanilang pag-iisip at pagdiskubre ng mga bagay-bagay. Ang pagtuklas ng mga bagong kaalaman ay sobrang pangkaraniwan para sa mga bata. Binubuksan nito ang kuryusidad at pinupukaw ang kanilang atensyon.

Related Posts:

Fidget Toys Trading: Pop It 3D Review

Garena Free Fire MAX Review

Sa Toca Life ay walang kompetisyon na magaganap. Ito ay base lahat sa kwentong gagawin mo. Hindi dapat mag-alala tungkol sa mga bagay-bagay habang naglalaro at ang tanging dapat gawin ay mag-enjoy sa paggalugad at pakikipag-ugnayan sa laro.

Pros at Cons review para sa larong Toca Life World: Build Stories

Maraming positibong feedback ang natanggap ng app na ito. Tumutulong itong mapabuti at mapahusay ang pagkamalikhain at imahinasyon ng mga manlalaro. Isa rin itong app na inaprubahan ng mga guro kaya huwag mag-alala pagdating sa gameplay. Walang anumang karahasan at lahat ng mga disenyo ay akma para sa mga bata. Walang pag-antalang mararanasan dahil wala itong masyadong ads na lumilitaw habang naglalaro.

Gayundin, maaari mo itong laruin kasama ng iyong mga kaibigan, kapamilya o laruin lamang ito nang mag-isa. Ang sistema ng laro ay ginawang mas madali upang ang mga batang manlalaro ay mabilis na matuto. Ito ay isang laro na maaaring laruin anuman ang edad. May mga sorpresang regalo linggo-linggo para sa mga manlalaro. Maaaring ayusin at iayon mo sa iyong istilo ang pagdidisenyo ng mga character, lokasyon, at alagang hayop. Maaari mo ring dalhin at laruin ito kahit saan.

Isa sa mga negatibong reaksyon ay kailangan mong bumili ng mga character, alagang hayop, at lokasyon para mapaganda mo ang lugar. Kailangan mong gumastos ng totoong pera dito, kung hindi ay may mga limitasyon sa pagpapaganda at pagpapalawak ng mga lugar. Pagtiyagaan na lamang mga karakter sa starter pack, lokasyon, at mga alagang hayop na nakuha ng libre. Mas maganda kung may mga paraan para kumita ka sa laro at gamitin ito sa pagpapaganda at pagbili ng mga gamit. Dapat din malaman at bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak kapag naglalaro dahil kapag natutunan nila kung paano gumawa ng mga transaksyon sa online kaugnay sa pagbabayad ng mga kagamitan ay baka maubos ang iyong pera.

Konklusyon

Ito ay higit na inirerekomenda para sa mga batang manlalaro. Ito ay isang app na inaprubahan ng mga guro na ligtas para sa murang kaisipan. Gayunpaman, kung hindi maalam ang isang magulang sa setting ng laro ito ay maaaring magdudulot ng problema. Malaki ang tyansang makita ng mga bata ang iba pang Toca Boca app at matutong bumili ng mga kagamitan sa in-app store nito.

Laro Reviews