Wheel of Fortune: TV Game Review

Itinampok ng Laro Reviews ang relaxing word guessing game na pinangalanang Word Free Time – Crossword Puzzle na inilabas ng Word Puzzle Games sa huling artikulo. Ngunit sa larong ito, mararamdaman mo ang excitement dahil tatakbo ang oras, at makikipag-kumpitensya ka sa ibang players. Ang Wheel of Fortune: TV Game ay isang casual competitive multiplayer game na ginawa ng Scopely. Ito ay batay sa hit American TV game show na nilikha ni Merv Griffin.

Isa ka sa mga kalahok sa larong ito at kailangan mong sagutin ang mystery phrase o sentence rito. Ang diskarte ay nasa iyo kung gusto mong hulaan ang higit pang letters o gumamit ng hints. Kung ikaw may sapat na tiwala sa iyong sarili, lutasin ang puzzle upang manalo sa laro.

Features ng Wheel of Fortune: TV Game

Destinations – Ito ang mga lungsod na maaari mong i-unlock para malaro ang campaign game. Bilang karagdagan, maa-access mo lang ang mga ito kapag nakumpleto mo na ang kinakailangang stars at souvenirs.

Passport – Ipinapakita nito ang contents na maaari mong gamitin sa bawat destinasyon, at bawat isa ay may iba’t ibang tema depende sa lungsod.

Souvenirs – Ito ang items na matatanggap mo matapos manalo sa laro, at kailangan mong kumpletuhin ang mga ito para makalipat sa susunod na destinasyon. Bukod dito, ang mga souvenir ay nauugnay sa lungsod na kanilang kinabibilangan. Halimbawa, maaari kang makakuha ng taxi cab at ang Broadway sign sa New York City.

Bonus Round – Ang karagdagang round na maaari mong laruin matapos manalo sa campaign. Ang mga titik ay ipinakita na, kaya kailangan mo lamang hulaan muna ang tatlong katinig at pumili ng isang patinig.

Social – Ang feature kung saan maaari kang makipaglaro sa iba pang players.

Goals – Ito ang mga listahan ng mga gawain na maaari mong gawin, at makakatanggap ka ng mga reward kapag natapos mo ang mga ito.

Store – Nauubusan ka na ba ng Diamonds? Kung gayon ay ito ang lugar kung saan mo maaaring bilhin ang mga ito gamit ang iyong totoong pera. Bukod dito, maaari ka ring bumili ng mga pack at isang VIP pass.

Tournament – Ang competitive mode kung saan kailangan mong makakuha ng mas maraming score kaysa sa ibang players.

Head-to-Head – Ang game mode kung saan nilalaro mo ang laro kasama ang iba pang players o ang iyong in-game friends.

Saan pwedeng i-download ang Wheel of Fortune: TV Game?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS device naman. I-type ang Wheel of Fortune: TV Game sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying matapos ang pagda-download.

Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download Wheel of Fortune: TV Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.scopely.wheeloffortune

Download Wheel of Fortune: TV Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/wheel-of-fortune-show-puzzles/id898040123

Download Wheel of Fortune: TV Game on PC https://www.bluestacks.com/apps/word/wheel-of-fortune-free-play-on-pc.html

Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang BlueStacks emulator mula sa kanilang https://www.bluestacks.com/. Kumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Gamitin ang mga tip na ito upang matulungan kang malutas ang phrases at makakuha ng higit pang rewards.

Dalawa hanggang tatlong letra.

Minsan makakakita ka ng dalawa o tatlong blangkong tile sa pangungusap, kaya unahin mong hulaan ang letters sa mga ito. Maaaring ang mga ito ay ang mga salitang THE, MY, IN, ON, atbp. Gayunpaman, simulan ang pagsagot sa mga katinig sa mga salita rito.

Gumamit ng hints.

Ang ilang phrases ay mahirap hulaan, lalo na kung wala kang kaalaman tungkol sa topic. Ngunit dahil ito ay isang laro, maaari mong gamitin ang hints upang ipakita ang letter at mapadali ang iyong laro.

Hinaan ang volume.

Nakaka-pressure ang ten second countdown, at mas malala kung maririnig mo ito. Kaya hinaan ang iyong volume para mas makatutok sa pagsagot.

Kumpletuhin ang stars.

May requirements upang makakuha ng tatlong star matapos manalo sa laro. Ang una ay makaipon ng kinakailangang halaga ng pera, ang pangalawa ay hulaan ang golden letter bago sila maubos, at ang huli ay upang malutas ang puzzle. Sa lahat ng ito, ang una ay ang palaging nakokompromiso. Maaaring nasagot mo na ang phrase at ang golden letter, ngunit hindi ka pa nakakaipon ng sapat na pera. Kung mangyari ito, maglaan ng oras upang hulaan ang lahat ng natitirang mga katinig. Makakatulong ito sa iyong kumita ng mas maraming pera dahil ang bawat tamang letter ay nagbibigay ng mga gantimpala.

Kailan bibili ng mga patinig?

Kailangan mong bilhin ang mga ito, at hindi ka makakakuha ng pera kapag nakuha mo ang tamang letters. Gayunpaman, maaari mo pa ring bilhin ang mga ito kung hindi mo talaga kayang hulaan ang phrases. Siguraduhin lamang na mayroon kang sapat na pera upang mabili ang mga ito.

Pros at Cons ng Wheel of Fortune: TV Game

Ang larong ito ay isang mahusay na paraan upang makipaglaro sa iyong mga kaibigan dahil tinutulungan ka ng Social feature na makipaglaro sa kanila. Wala ka bang mga kaibigan, o wala sa kanila ang naglalaro ng larong ito? Hindi ito magiging problema dahil maaari ka ring magbigay ng friend request sa players sa larong ito. Depende na lang kung tatanggapin ka nila o hindi.

Sa tuwing tatapusin mo ang isang level, magbibigay ito ng isang random fact tungkol sa phrase na kailangan mong hulaan. Halimbawa, ang laro ay magpapakita ng isang text tungkol sa unang appearance ni Criss Angel kapag ang sagot ay “MAGICIAN & ILLUSIONIST CRISS ANGEL.” Gayunpaman, ang players na hindi pamilyar sa American pop culture ay mahihirapang hulaan ito.

Ang unlimited ticket na matatanggap mo mula sa season feature ay isang malaking tulong dahil maaari mong laruin ang laro hangga’t kaya mo, kahit na sa maikling panahon. Gayunpaman, ang mga ticket na ito ay tumatagal ng humigit-kumulang tatlumpung minuto upang magdagdag ng isa pa at mayroon lamang hanggang limang slots. Kaya’t kakailanganin mong maghintay ng mahabang panahon o magbayad gamit ang diamonds.

Maaari kang matagalan sa pag-unlad sa larong ito dahil hindi ka makakalipat sa susunod na lungsod maliban kung kukumpletuhin mo ang lahat ng souvenir. Maaari kang madismaya at mapagod dahil kailangan mong laruin muli ang parehong stage. Bilang karagdagan, hindi mo magagamit ang iba pang modes dahil kakailanganin mong maabot ang specific level upang i-unlock ang mga ito.

Konklusyon

Ang “Wheel of Fortune: TV Game” ay isang kawili-wiling word guessing game dahil mararanasan mong maglaro tulad ng sa palabas sa TV. Ito ay may katulad na mechanics sa hangman, ngunit hindi matatapos ang laro hangga’t hindi mo malulutas ang phrase o umalis sa laro. Bilang karagdagan, mayroon itong features na makakatulong sa iyong makipaglaro sa iyong mga kaibigan kung sa tingin mo ay gusto mo ng kompetisyon. Sa kasamaang-palad, ang larong ito ay pay-to-win dahil ang mga pribilehiyo ay nagbibigay sa players ng advantages at ginagawang mas madali ang gameplay kaysa sa mga free-to-play players. Matatagalan ka sa pag-usad kung hindi ka gagamit ng totoong pera. Gayunpaman, irerekomenda pa rin ng Laro Reviews ang larong ito kung balewala sa iyo ang lahat ng drawbacks.