They Are Coming Review

Ang They Are Coming ay isang walang katapusan, madugo, simple, at hardcore na larong umiikot sa napakaraming zombies at gumagamit ng iba’t ibang traps at weapon systems para mapatay ang mga ito.

Ang zombie virus ay nagsimulang lumitaw at kumalat noong World War II, at ikaw lang ang pag-asa para masugpo ito at mailigtas ang buong sanlibutan. Magagawa ito sa pagsisimulang kontrolin ang zombie legion mula sa nakaraang panahon, sa kasalukuyan, at sa darating pang mga sitwasyon.

Ang Gameplay ng They Are Coming

Ang They Are Coming game ay may recursive person shooter kung saan ang mga grupo ng kalaban ay babarilin habang umiiwas sa mga spiral saws, edgy walls, at iba pang pagsubok na maaaring mapagdaanan.

Kailangang lutasin ng mga players ang kaguluhan sa bawat sitwasyon at magpatuloy sa paglalakbay habang tumataas ang level sa laro. Ngunit, kailangang maging maingat dahil ang simpleng pagkakamali ay maaaring magbunga ng pagkawasak ng mundo. Damhin ang simpleng controls,pati na ang maaaksyong mga eksena at strategic planning.

Sa pag-advance sa laro, makakakuha ng mga bago at kakaibang skills at makakasagupa ang mas mahihirap na kalaban at kapaligiran. Sikaping ma-break ang sariling track record sa bawat level at manatiling kasama sa mga nasa leaderboards.

Pag-download ng They Are Coming Game

Para mai-download ang larong They Are Coming at magamit sa mobile devices, hanapin ito mula sa Google Play Store para sa may Android devices, at sa App Store naman para sa iOS device users. Para sa PC gaming, i- download ang app sa pamamagitan ng pag-click sa link na nasa ibaba, i-unzip ang file at buksan (click Run) ito para makapagsimula sa paglalaro. Piliin lamang ang link na angkop sa gagamiting device sa paglalaro:

  • Download They Are Coming game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=dev.onhit.theyarecoming&hl=en&gl=US
  • Download They Are Coming game on iOS https://apps.apple.com/us/app/they-are-coming/id1588867216
  • Download They Are Coming game on PC https://teamrevived.itch.io/they-are-coming

Importanteng Tips kapag Paglalaro ng They Are Coming

Kung magkakaroon ng pagkakataon para sa upgrade, sunggaban ito! Kung may sapat na pera para gastusin sa pagpapaunlad ng abilities, huwag nang mag-atubili pa. Ang pagiging malakas ay isang mahalagang katangian sa laro. Maging ito man ay sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga tao sa grupo o sa pagbabawas ng dami ng makukuha sa bawat paglalaro.

Gumawa ng mga simpleng kalkulasyon. Kahit na malapit na sa gate, nararapat na malaman kung alin ang tamang opsyon. Kadalasan ay mukhang mas nakaaakit ang may mas mataas na numeric values, ngunit mas madalas na ang sagot sa multiplication ay higit na pabor kaysa sa addition.

Laging piliing magdagdag ng mga Boss. Kahit na malakas ang hatak ng kagustuhang makapag-upgrade, huwag kakaligtaan na magsama ng mga boss sa line-up. Ang mga character na ito ay kayang makatagal sa mas matitinding destruction na dadaanan ng buong tropa. Kailangang isaalang-alang ang ilang mga alternatibo sa improvement ngunit ang palaging pagdaragdag ng mga boss ay makakatulong sa pagkuha ng mas mataas na score at sa mas mabilis na pagkumpleto ng level.

Kunin na ang mga armas! Sa pag-activate ng kakaibang mga sandata, mahalaga ang panunuod ng video ads para makuha ito. Wala ng makadadaig sa pagkakaroon ng mga bagong armas kahit na ang mga baril ay halos pare-pareho lang ng kakayahan, mahalaga pa rin na makakuha ng marami dahil may iba’t ibang paraan ito ng paggamit ang bawat uri ng baril.

Pag-aralang mabuti ang function keys. Karamihan ng mga pagdaraanang levels sa laro ay makakakita ng “push” icons. Lagi itong pindutin hangga’t maaari. Makakapag-set ito ng trap na makakapuksa sa maramihang bilang ng mga kalaban bago pa man sila makalapit sa iyo at ito ang higit mong kailangan.

Reviews Para sa Larong

Ang They Are Coming ay isang nakakatuwa at simpleng laro na magandang gawing libangan. May ilang ads na lumalabas dito na masasabing normal lang naman kapag gumagamit ng free game apps. Ang isa sa mga issue ng laro ay madalas itong mag-crash. Halos palagi. Sa gitna ng paglalaro, bigla na lang magka-crash at wala nang ibang pagpipilian kundi mag-relaunch ng app at ulitin ito mula sa simula. Nakakadismaya ang mga ganitong pangyayari. Kahit na nakakalibang at exciting ang larong ito, maraming players ang piniling i-delete na lang ang app dahil sa palagiang pag-crash nito.

Related Posts:

Island Questaway Review

My Talking Angela Review

Ito ay magandang laro! Napakahusay ng pagkakagawa ng graphics at game features nito. Ang paglalaro nito ay mas magiging kasiya-siya sana kung mas hahabaan pa ito. Sa ngayon ay medyo maiksi ang larong ito. Ang isa pang drawback ng laro ay walang paraan para ma-save ang progreso sa paglalaro. Kaya kapag namatay, kailangang magsimula ulit.

Ang totoo ay medyo mahina ang player sa game situation. Makakayang labanan ang napakaraming zombies ng paisa-isa, ngunit kapag tuluy-tuloy na ang pagsugod nila at mas marami nang sabay-sabay na sumusugod, nagiging napakahirap na ng laban. Kung na-eenjoy mo ang mga ganitong challenges, para sa iyo ang larong ito. Ngunit kung mababa ang pasensya sa mga mahihirap at kumplikadong laro, maghanap na lang ng iba dahil ang larong ito ay may mga mahihirap na misyon.

Konklusyon

Para sa mobile gaming, napakarami na ang naglabasang zombie games na mapagpipilian. Sa dami nito ay hindi na mabibilang pa sa daliri. Dahil dito, kapag may mga bagong inilalabas ay hindi na nagiging excited ang karamihan sa mga gamers.

Ngunit ang release ng They Are Coming ay nagmistulang sorpresa. Isa itong action-packed, wave-based shooting game na may napakaraming challenging tasks, magagandang graphics, pati na rin ang goofy pixelated graphic violence.

Kahit na may glitches ang laro, nakakapagbigay pa rin ito ng saya at entertainment sa mga players na nag-eenjoy sa pagpatay ng pulutong ng zombies, paghahanap ng paraan para manatiling buhay, at pagkumpleto ng mga misyon ng laro.

Ang larong ito ay mayroong violence lalo na sa pagbaril upang patayin ang zombies kung saan dumadanak ang dugo. Kailangang mag-ingat sa paglalaro nito lalo na kung may mga maliliit na bata pa sa bahay para masiguradong maipaliwanag sa kanila ng maayos na ito ay kathang-isip lang at hindi totoo o dapat tularan.

Ang They Are Coming ay isang tricky well-crafted shooting game na nilakipan ng konsepto mula sa iba’t ibang istilo para higit itong maging kawili-wili. Hindi lahat ng players ay magugustuhan ang larong ito at ang ilan ay ituturing ito bilang isa lang sa marami ng zombie games, ngunit ito ay may ibubuga rin at dapat na masubukan!

Laro Reviews