Shape-shifting Review

Ang Shape-shifting ay isang masaya at kapanapanabik na obstacle course maaaring malaro sa smartphones. Ito ay available para sa mga user ng Android at iOS. Ang laro ay ginawa ng Xiamen Sixcube Information Technology Co., Ltd. Ang layunin ng laro ay manalo sa isang obstacle course race track laban sa mga racer na Artificial Intelligence (AI). Binubuo ang race track ng mga random obstacle course platforms sa lupain, tubig at himpapawid. Ang laro ay binubuo ng maraming levels at ito ay magandang pang-alis ng iyong pagkabagot. Ang larong ito ay maaaring i-download gamit ang sumusunod na links:

Download Shape-shifting on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.game.shape.shift

Download Shape-shifting on iOS https://apps.apple.com/tt/app/shape-shifting/id1560620818

Shape-shifting Walkthrough

Hindi tulad ng ibang casual mobile games, ang Shape-shifting ay walang tutorial guides. Tutuklasin ng players ang pasikut-sikot ng laro. Ngunit huwag mag-alala! Ang unang ilang antas ng laro ay madaling gawin kahit pa walang tutorial. Sa lahat ng level ng laro, kailangan ng mga manlalaro na manalo sa karera laban sa AI racers. Mayroong apat na racers, kabilang ang sa manlalaro, na ipinapakita sa pammagitan ng apat na magkakaibang kulay. Ang konsepto ng laro ay parang triathlon sa Olympics, kung saan ang mga katunggali ay tumatakbo, lumangoy at nakikipagkarera gamit ang mga bisikleta patungo sa finish line. Gayunpaman, ang mga hadlang sa larong ito ay mas matindi na kinabibilangan ng lahat ng panglupa, pangdagat at panghimpapawid na platforms.

Upang mapanalunan ang karera sa larong ito, kailangang i-tap ng manlalaro ang naaangkop na anyo at mag-shift sa anyo na iyon. Sa simula ng bawat antas, ang lahat ng mga racer ay nasa anyong tao. Gayunpaman, maaari silang lumipat sa kotse, barko, helicopter, o mga glider upang mas mabilis nilang matapos ang karera. Sa madaling salita, ang manlalaro ay dapat mag-tap ng mabilis sa naaangkop na anyo batay sa kasalukuyang platform upang maiwasan ang mga hadlang sa dadaanan. Halimbawa, mas mabuting gamitin ang kotse kapag nasa kalsada dahil mas mabilis ang sasakyan kaysa sa tao. Gayunpaman, mas mainam na gamitin ang anyo ng tao kapag umaakyat sa hagdan dahil hindi makakaakyat ang sasakyan sa hagdan.

Maramin ring iba’t ibang mga hadlang sa laro na nangangailangan ng naaangkop na mga form. Halimbawa, may mga hadlang tulad ng malalaking bato o mga kahon na humaharang sa daan. Sa mga obstacle na ito, ang tanging form na maaari mong gamitin ay ang drill. Ang mga manlalaro ay hindi mababagot dahil maraming mga bagong hadlang sa bawat bagong antas.

Shape-shifting: Tips at Tricks

Ang pagkapanalo sa lahat ng level nang hindi umuulit ay mangangailangan ng mabilis na pagsusuri at koordinasyon ng mata at kamay habang nagts-tap ka sa susunod na form. Narito ang ilang tips at tricks na maaari mong gamitin sa laro:

  • Mag-isip ng mabilis

Sa isang karera, makikita mo kung ano ang susunod na sagabal na iyong tatawiran. Bibigyan ka nito ng sapat na oras upang mag-isip nang maaga at mag-tap nang mabilis sa susunod na anyo na iyong lilipatan. Kailangan mong lumipat ng bagong anyo ng eksakto kung saan nagbabago ang obstacle course. Ang kaunting pagkaantala mula sa paglilipat ay magdudulot ng pagkaantala sa iyong progreso. Sa kabilang banda, ang pag-tap nang maaga ay maaari ring maging sagabal. Samakatuwid, dapat mong isakto ang iyong pagbabago ng anyo. Halimbawa, ang kasalukuyan mong dinaraanan ay isang kalsada at nakita mo na ito ay magiging tubig. Kapag nahuli ng pagpindot, hindi naman malulunod ang sasakyan ngunit ito ay titigil sa dulo ng kalsada na magdudulot ng pagkaantala kung hindi ka agad magkapagbagong-anyo bilang isang barko. Kapag naman nauna kang mag-tap bago pa marating ang tubig, magdudulot pa rin ito ng pagkaantala dahil ang mga barko ay hindi makakausad sa mga kalsada.

  • Gumamit ng mas mainam na anyo

Gaya ng nabanggit, may mga anyo na mas mahusay na gamitin sa ilang mga hadlang. Nakalista sa ibaba ang ilan sa mga hadlang at ang mga anyo na dapat mong gamitin:

Daan: Sa kalsada, maaari kang gumamit ng kotse, tao, helicopter o drill. Gayunpaman, ang helicopter ang pinakamatagal gumalaw, na sinusundan ng tao. Kaya pinakamahusay na gumamit ng kotse sa kalsada.

Hagdan: Kapag umaakyat sa hagdan, maaaring gumamit ang ilan ng helicopter ngunit ang tao ang pinakamabilis na anyo kapag umaakyat sa hagdan. Ang paggamit sa mga kotse kapag umaakyat ka pa sa hagdan ay maaaring maging sanhi ng paggulong mo paibaba. Kaya mag-ingat kapag masyadong maaga ang naging pagbabago ng anyo.

Tubig: Maaari kang gumamit ng helicopter upang lumipad sa ibabaw ng tubig ngunit ang barko ang pinakamabilis na anyo upang tumawid dito.

Mataas na Pader: Sa isang dead-end tulad ng isang mataas na pader, ang helicopter lamang ang maaaring lumipad patungo sa tuktok.

Paglukso mula sa itaas: Maaari kang gumamit ng helicopter ngunit ang pinakamahusay na gagamitin sa kasong ito ay ang glider. Mabilis lumipad ang mga glider!

  • I-upgrade ang mga anyo

Kapag natapos mo ang isang level, mabibigyan ka ng coins upang ma-upgrade mo ang iyong mga form. Ang pag-upgrade sa mga ito ay nagpapataas ng bilis at liksi. Ito ay isang magandang pamumuhunan dahil wala nang iba pang gamit ang iyong coins. Maaari ka ring makakuha ng coins mula sa panonood ng ads.

Shape-shifting: Pros at Cons

Ang Shape-shifting ay talagang isang masaya at kapanapanabik na casual game. Ang gameplay ay madaling maunawaan kahit na walang gabay o tutorial. Marami ang nahihikayat ng mga obstacle course upang mapanatili ang interes ng mga manlalaro. Hindi ka magsasawa habang nakikikarera ka sa mga mabibilis na AI. Dagdag pa rito, ang laro ay angkop para sa lahat ng edad. Lubos itong inirerekomenda para sa mga maliliit na bata dahil nalilinang ang liksi ng pag-iisip dahil sa pag-aangkop sa ilang mga hadlang.

Related Posts:

Arcforce – 3v3 Hero Shooter Review

Stick War: Legacy Review

Ang pangkalahatang visuals ng laro ay nakatuon sa mga bagay na patok sa mga bata tulad ng basic at makukulay na mga disenyo. Gayunpaman, ang mga matatanda ay tiyak na mag-eenjoy din kapag sinubukan nila ang larong ito. Ang mga likhang sining at visual effects ay simple ngunit nakakaengganyo. Maaaring pagbutihin ng mga developer ang visuals ng laro upang makaakit pa ng mas maraming mga manlalaro. Gayunpaman, maituturing pa ring nagawa na ng mga developer ang mahusay na trabaho sa pangkalahatanng visuals ng Shape-shifting.

Ang tanging bagay na kulang sa laro ay ang mga kahihinatnan ng mga ginagawa rito. Halimbawa, kapag may mga pagbabago mula sa isang kalsada patungo sa tubig, ang sasakyan ay hindi lulubog. Sa halip ay hindi ka makapaglilipat-anyo sa tamang oras. Hihinto lang ang sasakyan sa harap ng tubig. Ang isa pang halimbawa ay kapag ang susunod na sagabal ay isang mataas na pader o malalaking bato na humaharang sa daan. Ang kotse ay hindi mabubunggo sa halip ay hihinto lamang ito sa harap ng sagabal. Ito ay maaaring makatwiran dahil ang larong ito ay mas nakatuon sa mga batang manlalaro. Gayunpaman, ang pagdaragdag ng stop o brake button sa screen ay isang magandang karagdagan. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng mga kahihinatnan tulad ng pagkawala ng mga buhay ay isang mahusay na karagdagan sa laro.

Bukod sa mga kahihinatnan, ang mga developer ay maaari ring magsama ng mga karagdagang bagay upang magamit ang nakolektang coins. Halimbawa, maaari silang magdagdag ng mga cool na skin o power-ups upang magkaroon ng marami pang variation sa paglalaro ng Shape-shifting. Gayunpaman, nagawa na ng developers ang mahusay na trabaho ng pagbibigay ng maraming kasiyahan sa mga manlalaro nito.

Konklusyon

Ang Shape-shifting ay isang mahusay na casual mobile game na swak para solusyunan ang pagkabagot. Madaling maunawaan ang gameplay nito at hindi ka magsasawa dahil sa pagkakaiba-iba ng mga obstacle course at sa dami ng level na inaalok ng larong ito. Lubos itong inirerekomenda para sa mga batang manlalaro habang natututo silang mabilis na mag-isip at makibagay sa isang partikular na kapaligiran. Subukan ito ngayon nang libre!

Laro Reviews