Ang mga crossword puzzle ay madalas na nilalaro sa mga dyaryo, lalo na sa entertainment section. Binabago ang mga ito araw-araw, tulad ng kung paano na-a-update ang balita. Ngunit sa larong ito, maaari mong laruin ang classic crossword puzzle sa iyong mobile phone. Ang Daily Themed Crossword Puzzles ay isang casual word game ng PlaySimple Games.
Ito ay may parehong rules tulad ng sa orihinal. Kailangan mong hulaan ang mga nakatagong salita, pangungusap, o parirala gamit ang clues. Ang mga sagot ay maaaring pahalang o patayo, at ang ilang mga titik ay bahagi ng isa pang sagot. Kailangan mong lutasin ang puzzle sa pinakamaikling oras na makakaya mo upang makakuha ng mas maraming stars, at maaari mong gamitin ang hints kung wala kang mahuhulaan.
Features ng Daily Themed Crossword Puzzles
Regular Crosswords – Ito ang puzzles na binubuo ng tiles. Magkakaroon ng clues sa bawat isa sa mga salita, at kailangan mong ilagay ang iyong sagot sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tamang titik sa loob ng mga ito. Maaari silang maging nakalihis o pahalang, at ang mga titik ay maaaring maging bahagi ng iba pang mga sagot. Bukod dito, makakakuha ka ng stars sa halip na coins kung mananalo ka.
Packs – Ang puzzles na mas maliit kaysa sa Regular Crosswords ngunit mas malaki kaysa sa Minis. Makakakuha ka lamang ng stars kung mananalo ka rito, ngunit makakatanggap ka ng labinlimang coins kung makumpleto mo ang lahat ng labinlimang puzzles. Bilang karagdagan, ang bawat isa sa kanila ay may sariling mga tema.
Minis – Ang mechanics at gameplay ay katulad ng mga nabanggit na mode. Gayunpaman, ang mga ito ay bite-sized puzzles na may madaling hulaang mga salita.
Kalendaryo – Ipinapakita nito ang kasalukuyan at ang mga nakaraang puzzle na nalutas mo sa isang araw. Ang bawat isa sa kanila ay inilalagay sa araw na sila ay inilabas, at maaari mong laruin ang mga napalampas na laro gamit ang coins. Gayunpaman, hindi mo kailangang gumastos para malaro muli ang mga ito. Ang mga pangalan ng mga puzzle ay nakadepende sa tema, gaya ng Sit-back Sundays, Music Mondays, Sports Tuesdays, TV Wednesdays, Movie Thursdays, Academic Fridays, at Retro Saturdays.
Frenzy – Ang feature na naglalagay ng letter bursts pagkatapos malutas ang ilang mga salita. Halimbawa, ang laro ay magpapakita ng mga titik sa random na tiles kapag nasagot mo ang nakatagong salita sa 51d.
Goals – Ang lugar kung saan maaari kang kumita ng coins sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga gawain sa loob nito.
Saan pwedeng i-download ang Daily Themed Crossword Puzzles?
Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS device naman. I-type ang Daily Themed Crossword Puzzles sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying matapos ang pagda-download.
Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:
Download Daily Themed Crossword Puzzles on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=in.crossy.daily_crossword
Download Daily Themed Crossword Puzzles on iOS https://apps.apple.com/us/app/daily-themed-crossword-puzzles/id1197354394
Download Daily Themed Crossword Puzzles on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-in.crossy.daily_crossword-on-pc.html
Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang MEmu Play emulator mula sa kanilang https://www.memuplay.com. Kumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.
Tips at Tricks sa Paglalaro
Mahusay ka man o baguhan, tutulungan ka ng mga tip na ito na makaipon ng mas maraming coins at makausad sa laro.
I-on ang frenzy.
Alam mo na kung ano ang pwede nilang gawin, kaya gamitin ang mga ito kung gusto mong mapagaan ang iyong gameplay. Bilang karagdagan, malaki ang tulong ng feature na ito kung hindi ka makakabili ng anumang boosters. Upang i-activate ito, i-tap ang settings icon na may tatlong tuldok sa kanang itaas ng iyong home screen. Pagkatapos ay i-on ang frenzy button kung naka-off ito.
Gamitin ang hints.
Ang Show Word at Letter Burst ay mas mura kaysa sa See wrong, ngunit magagamit mo lamang ang mga ito tuwing nabibili. Kaya ang pinakamagandang opsyon ay gamitin ang See Wrong dahil maaari kang magkaroon ng ideya kung tama ang iyong naipasok na sagot o hindi. Bukod dito, maaari mo itong gamitin hanggang sa katapusan ng puzzle.
Kumpletuhin ang Packs at Minis.
Maaaring hindi ka makakuha ng kapaki-pakinabang na bagay sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang puzzle sa mga ito, ngunit maaari kang makakuha ng labinlimang coins kapag nakumpleto mo ang set. Hindi mo kailangang tapusin ang lahat sa isang upuan, ngunit maaari kang magtakda ng oras upang tapusin ang mga ito.
Mag-experiment sa letters.
Ang ilang mga nakatagong salita ay may isa o dalawang titik na lamang upang makumpleto ang mga ito. Dahil hindi ka makakakuha ng anumang penalty sa pamamagitan ng paglalagay ng mga maling sagot, subukang maglagay ng anumang mga titik na maisip mo.
Pros at Cons ng Daily Themed Crossword Puzzles
Marami ang umiiwas sa word games dahil sa tingin nila ay para lamang ito sa mga matatalinong tao. Ipinapalagay nilang kailangan mong hulaan ang mga matatalinghagang salita o kailangan mong magkaroon ng malawak na hanay ng bokabularyo upang manalo sa laro. Normal lang na magkakaroon ng hindi pamilyar na mga sagot, at ang ilan ay mahirap hulaan. Gayunpaman, hindi mo kailangang magkaroon ng mataas na IQ para maglaro ng Daily Themed Crossword Puzzles. Ang mga salita o parirala sa puzzle ay madaling hulaan, at ang ilan sa kanilang mga mode ay may mga temang pamilyar sa iyo. Masisiyahan ka pa rin sa larong ito kahit na hindi ka sanay sa wika. Bilang karagdagan, matututo ka ng higit pang mga salita sa pamamagitan ng larong ito dahil nasa clues na ang mga kahulugan ng mga nakatagong salita o parirala ang clues.
Malaking tulong ang frenzy feature sa iyong laro kung wala kang mahanap na salita. Dahil magsisimula ka nang walang anumang mga titik, wala kang ideya kung anong sagot ang iyong ilalagay. Kaya naman ang pagbubunyag ng random letters ay maaaring magbigay sa iyo ng clue tungkol sa mga nakatagong salita o parirala.
Hindi nakatagpo ang Laro Reviews ng anumang mga problema sa larong ito habang naglalaro. Maaari kang makakita ng unskippable video ads kapag mayroon kang internet connection, ngunit hindi ito magiging problema dahil maaari mo itong patayin at laruin ang laro offline. Bilang karagdagan, maaari kang umusad nang hindi bumibili ng anumang packs gamit ang totoong pera dahil ito ay free-to-play friendly.
Konklusyon
Ang developer na PlaySimple Games ay nagdaragdag ng twist sa kanilang laro dahil sa lahat ng features nito. Maaari mo pa ring maranasan ang klasikong crossword puzzle na dati mong nilalaro sa mga dyaryo, ngunit may modern mechanics. Bilang karagdagan, maaari ka pa ring makakuha ng clue gamit ang frenzy at iba pang hints. Naibigay ng laro ang ipinangako nito dahil maaari kang maglaro ng iba’t ibang mga crossword puzzles araw-araw. Maaaring hindi ito perpekto dahil sa kakaunting disadvantages, ngunit hindi ito nakakaapekto sa buong gameplay. Irerekomenda ito ng Laro Reviews para sa players na naghahanap ng word games na maaari nilang laruin sa mahabang panahon. Maaari mo itong i-download nang libre, ngunit magkakaroon ito ng in-app purchases.