Minsan mo bang pinangarap na maranasan kung ano ang pakiramdam ng isang pirata? Sigurado akong magugustuhan mo ang larong ito. Ito ay nilikha ng Jelly Button Games, isang mobile game developer na gumagawa ng casual games simula pa noong taong 2011. Ang Pirate Kings™️ ang unang larong kanilang binuo at opisyal itong inilabas noong Mayo 2014. Walong taon na ang nakalilipas, subalit marami pa rin ang tumatangkilik dito mapahanggang ngayon.
Ang Pirate Kings™️ ay isang casual board game. Ito rin ay isang stylised game na may competitive multiplayer mode. Kung hindi ka pamilyar kung ano ang casual game, ito ay idisenyo para sa hobbyist gamers. Nais nitong pukawin ang atensyon ng maraming manlalaro na nagnanais ng simple at maikling laro. Ang mga casual game ay maaaring gumawa ng iba’t ibang uri ng genre at gameplay sa laro.
Ang larong ito ay umiikot sa buhay ng mga pirata. Ang pinakatema at disenyo ng laro ay nakabase sa itsura at kagamitan ng mga pirata. Handa ka na bang makipaglaban at manakop ng iba’t ibang isla? Kung handa ka na, basahin ang artikulo upang malaman ang iba pang impormasyon na makakatulong sa iyong paglalaro.
Features ng Pirate Kings™️
Free spin – Ang Pirate Kings™ ay mayroong libreng spin sa laro na maaaring makapagbigay ng mga item at coins na kailangan mo sa paglalaro. Maaari kang makakuha ng iba’t ibang premyo katulad ng Shield, Attack, Steal at iba pang kapangyarihan. Mayroon ding limpak-limpak na salapi na magagamit mo sa laro.
Maraming level – Sa larong ito maaari kang makapunta sa iba’t ibang level na may mga kapana-panabik na hamon. Ang ilan sa mga lugar na maaari mong puntahan ay ang Winterland, Oasis Wish, Ragna Rocks, Atlantis, Enchanted Forest, Robo Paradise, Sweet Tooth at marami pang iba.
Pirata – Sa larong ito maaari kang makakuha ng iba’t ibang uri ng mga pirata. Pwede mo silang gamitin bilang iyong karakter sa pakikipaglaban. Mayroong tatlong klaseng uri ng pirata, ang Common, Rare at Legendary.
Mateys – Sa larong ito, mayroong tinatawag na mateys. Sa mode na ito maaari kang makipagkaibigan sa mga manlalaro ng Pirate Kings™️. Ibahagi lang ang iyong code o mag-add ng friend gamit ang code na ibinigay sa iyo ng kapwa manlalaro.
Shop – Ang Pirate Kings™️ ay mayroon ding sariling shop o store. Sa mode na ito maaari kang bumili ng iba’t ibang in-app na produkto. Subalit kailangan mo ng totoong pera upang makabili ng mga item. Ang mga item ay nagkakahalaga ng ₱159 hanggang ₱ 4,000.
Saan pwedeng i-download ang Pirate Kings™️?
Kung nais makuha ang larong ito, i-click lamang ang mga link sa ibaba para mai-download ang laro depende sa ginagamit na device:
Download Pirate Kings™️ on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.jellybtn.cashkingmobile
Download Pirate Kings™️ on iOS https://apps.apple.com/us/app/pirate-kings/id654671575
Download Pirate Kings™️ on PC https://www.gameloop.com/ph/game/casual/pirate-kings-on-pc
Para ma-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection. Pagkatapos ma-click ang link, pindutin ang Install button at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na, maaari mo nang buksan at laruin ito.
Tips kung nais laruin ang Pirate Kings™️
Para sa mga baguhan at nagnanais na laruin ang Pirate Kings™️, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo.
Kung ikaw ay isang bagong manlalaro at hindi alam kung paano magsisimula, mayroong tutorial stage ang larong ito. Sundin lamang ang mga itinuturo at basahing mabuti ang sinasabi sa direksyon. Inirerekomenda para sa bagong manlalaro na pagdaanan muna ang mode na ito para sa mas magandang karanasan ng paglalaro.
Bago ka mag-umpisa ng laro, mag-login muna gamit ang iyong Facebook Account, i-link lang ang iyong account upang mai-save ang progress mo sa laro. Ngunit kung ayaw mo naman at nais mo lang na subukan ito, pindutin lang ang Guest mode.
Madali lang laruin ang Pirate Kings™️ dahil simple lang ang mechanics at gameplay ng laro. Sa bawat isla na iyong pupuntahan, kailangan mo lang silang kalabanin at matalo. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-avail ng mga item na kakailanganin mo sa pakikipaglaban. Malaki ang perang kakailanganin mo sa laro kaya dapat mayroon kang sapat na coins para makapag-avail ng mga item. Ang mga nabili mong produkto ang iyong gagamiting sandata panlaban sa iyong islang nais sakupin. Ngunit kapag wala ng sapat na pera, maglaro lang ng spin machine para makakuha ng mga item. Maaari kang makakuha ng mga kapanyarihan tulad ng Steal, Attack at Shield para sa pakikipaglaban. Lalo na ang maraming salapi na kakailanganin mo sa laro ay maaari mong makuha sa spin. Kolektahin at ipunin ang perang mapapanalunan at gamitin ito upang manalo.
Ilan lamang ito sa mga tip na maaari mong magamit sa paglalaro ng Pirate Kings™️. Tandaan, ag pagkapanalo mo sa mga laban ay nakasalalay sa istilo ng iyong paglalaro. Isakatuparan ang iyong misyon, maging isang magaling at mayamang na pirata sa larong ito.
Pros at Cons ng Pirate Kings™️
Para sa Laro Reviews, ang Pirate Kings™️ ay isa sa magandang casual games na makukuha mo ng libre Google Play Store, App Store at kahit sa iyong Personal Computer o PC. Malinaw at maayos ang pagkakagawa ng graphics, visual effects, sound effects at background music ng laro. Simple lang ito subalit detalyado ang mga karakter, lugar at iba pang elemento na ginamit sa laro. Maaari rin itong laruin ng mga batang edad tatlo pataas dahil wala itong marahas na nilalaman na nakakaapekto sa isipan ng bawat indibidwa. Sigurado akong magugustuhan rin ito ng mga kabataan at kahit ng matatanda.
Ngunit ang larong ito ay hindi mo malalaro kapag wala ka data o internet connection. Kaya kailangang mayroon kang network connection kung nais mong subukang maglaro ng Pirate Kings™️. Bagama’t kailangan ng Wi-Fi o data connection ang larong ito, sigurado akong sulit at masaya itong laruin.
Dagdag pa rito, nakatanggap rin ang larong ito ng iba’t ibang reviews sa Google Play Store. Ayon sa mga komento, masaya at nakakaadik raw ang larong ito. Ang ibang manlalaro ay ipinahayag na taon na raw ang nakakalipas simula noong laruin nila ito kaya nakita nila ang magandang pagbabago nito. Maganda rin daw itong laruin para sa mga naghahanap ng libangan at pantanggal ng stress.
Subalit may mga komento ring hindi maganda ang ibang manlalaro. Ayon sa kanilang karanasan, nagla-lag at bug raw na lumalabas sa laro kaya hiniling nila na sana ay maayos ang problemang ito. Humingi ng paumanhin at Jelly Button Games sa mga manlalarong naglabas ng kanilang saloobin tungkol sa mga isyung isinaad at sinabing mas pagbubutihin nila ang Pirate Kings™️.
Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app na produkto gamit ang tunay na pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱44.70 hanggang ₱5,000 kada item. Subalit pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting ang in-app na pagbili kung ayaw mong gumastos.
Konklusyon
Sa ngayon, mayroon na rin itong 4.5 stars out of 5 ratings sa Google Play Store. Umabot na rin sa mahigit 10 milyong downloads ang larong ito at may mahigit 1 milyong reviews ang naitala. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na ang Pirate Kings™️ sa iyong device!