Emerland Solitaire 2 Collector’s Edition Review

Ang Emerland Solitaire 2 Collector’s Edition ay isang follow-up ng unang fantastical solitaire adventure ng Rainbow Games. Isa itong espesyal na release ng Collector’s Edition na puno ng mga eksklusibong extra na hindi mo makikita sa karaniwang bersyon. Ito ay isa pang laro ng solitaire, ngunit sapat ba ang iyong katapangan upang makabisado ang tunay na mahika ng Solitaire at subukan ang iyong mga kasanayan sa card table? Alamin ito dito sa artikulong ito na hatid sa inyo ng Laro Reviews.

Layunin ng Laro

Ang mismong gameplay ng Emerland Solitaire 2 Collector’s Edition ay may mataas na kalidad ng solitaire na gameplay. Ito ay batay sa karaniwang larong solitaire, ngunit mas pulido at may mga bagong feature upang mas maging kakaiba. Katulad ng karamihan at kadalasang mga larong solitaire, karaniwang gagawin mo ay pipindutin mo ang mga card mula sa isang mas mataas o mas mababa kaysa sa card na kasalukuyang naka-highlight sa iyong deck hanggang sa ma-clear mo ang lahat ng card sa level. Sa larong ito ng solitaire, may mga wildcards na maaaring gamitin upang palitan ang kasalukuyang naka-highlight na card, na maaaring maging kapaki-pakinabang kung ubos na ang iyong card at hindi mo maalis ang iba. Mayroon ding wizard na sumusunod sa iyo sa lahat ng levels at makakatulong sa iyo sa maraming paraan, kabilang ang pag-undo ng mga galaw at iba’t ibang bagay. Napakahusay din ng mga power-ups ng mga karakter sa pagtulong. Makikita at makakasama mo sila sa iyong paghahanap.

Para sa mga gumagamit ng Android at iOS, maaari itong i-download sa Google Play Store o App Store. I-type lang ang Emerland Solitaire 2 Collector’s Edition sa search bar, pagkatapos ay i-install ang laro nang libre. Maaari rin itong laruin sa PC, i-install lamang ang BlueStacks at mag-sign in sa iyong Google account. Gamitin ang paunang naka-install na Google Play Store at hanapin ang Emerland Solitaire 2 Collector’s Edition gamit ang search button. Ang mga link sa pag-download ay ibinigay sa ibaba.

Download Emerland Solitaire 2 Collector’s Edition on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.rainbowgames.emerland&hl=en_US&gl=US

Download Emerland Solitaire 2 Collector’s Edition on iOS https://apps.apple.com/us/app/emerland-solitaire-2/id1477447528

Download Emerland Solitaire 2 Collector’s Edition on PC https://www.bluestacks.com/

Tips at Tricks para sa Baguhan

Madalas pagtalunan na ang swerte ang magdadala ng pagkapanalo kapag naglalaro ng solitaire, kaya tinatawag ito na laro ng swerte. Ngunit hindi masusukat ang suwerte. Pagkakataon lang na maituturing kung ang isang manlalaro ay mananalo o matatalo. Gayunpaman, ang diskarte, taktika at kahusayan ay mahalagang gamitin sa paglalaro ng solitaire. Gayundin, ang pagiging alerto at awareness ay mahalaga sa pagharap sa mga card sa mesa. Sa larong ito, mayroong mga features na idinagdag, malayo sa karaniwang solitaryo na ating nilalaro. May game point system o scoring, power up at iba pang bonus. Ang pinakamahusay na paraan para magtagumpay sa larong ito ay ang pag-iipon ng mas maraming puntos sa pamamagitan ng mga combo, pag-clear sa mga peak at pagkakaroon ng mas kaunting mga card na ginamit mula sa stock. Upang ma-maximize ang mga puntos, gumawa ng mahabang streak ng mga dealt card. Ang iyong combo multiplier ay nagre-reset kung ang isang chain ay naputol dahil kailangan mong i-flip ang isa pang card sa iyong stack. Dahil ang iyong score ay karaniwang ginagamit upang matukoy kung papasa ka o hindi sa isang level, gusto mong panatilihin ang chain hangga’t maaari. Ire-reset din ang iyong multiplier kung gagamit ka ng hint o mag-undo ng maling hakbang, kaya mahalagang maging pamilyar at maging aware sa bawat card sa mesa upang maiwasan ang mga pagkakamali sa bawat turns.

Habang umuusad ang laro, lalong papahirap ang mga level kaya magandang may strategy ka. Sa kabutihang palad, maaari mong i-replay ang mga level at maaari mong tapusin ang laro kahit na hindi pa ito nakukumpleto, at kung nakakuha ka ng hindi bababa sa isang bituin. Bukod pa rito, mayroong iba’t ibang mga power-up ng character na maaaring tumulong sa iyo, ngunit hindi kaagad magagamit ang mga ito; makikilala mo sila at sasamahan ka nila sa iyong paghahanap pagkatapos mong laruin ang ilang levels. Ang mga character na ito ay maaaring gamitin upang baguhin ang isang walang silbi na deck card sa isang kapaki-pakinabang o upang alisin ang isang nakatengga na card. Pagkatapos ng bawat paggamit, ang mga character booster na ito ay dapat mapunan muli sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga partikular na card suit gaya ng Hearts o Diamonds.

Sa pangkalahatan, ang ideya ay upang magkaroon ng balanse sa pagitan ng pag-clear ng mga pagkakasunud-sunod ng card at pag-finalize ng mga partikular na deck. Gamitin lang ang wild card kapag ito ay talagang kinakailangan, kahit pa gaano ito kaakit-akit. Pinakamabuting planuhin ang iyong mga galaw nang maaga.

Pros and Cons

Maraming mga solitaire games, ngunit ang isang ito ay namumukod-tangi. Ang bersyon ng Collector’s Edition na ito ay may 10 achievements na dapat ma-unlock, 5 soundtrack ng musika na maaari mong piliing laruin, 5 wallpaper ng artwork, at isang bonus chapter na may mas challenging levels. Hindi lamang ang mga bagong features ang ginagawang kawili-wili, ngunit ang laro mismo ay challenging. Ang kakapusan ng mga deck card ay nagpapahirap sa paggawa ng malalaking combo, na talagang maganda para sa mga larong solitaire kaysa umasa sa swerte. Dahil dito, mas gusto ko ito kumpara sa napakadaling laro na madalas nating nakikita. Higit pa rito, ang mga achievements ay nagbibigay ng dagdag na sense of accomplishment at additional objective kapag napag-aralan mo na ang pangunahing gameplay.

Ang solitaire fans na nag-eenjoy sa paglalaro sa isang magical at fantasy na set-up ay tiyak na mae-engganyo na tingnan ang larong ito. Ngunit sa kabila ng kamangha-manghang woodsy na mga graphics at kaakit-akit na musika, ang plot na sinusundan ng laro ay medyo predictable. Maaaring mas maganda ito kaysa gawin ang laro na parang nagta-target ng mga batang audience. Tulad ng para sa mga skin ng card, mayroong 3 card back at 3 card font na maaari mong piliin. May themed card na pinili kong laruin dahil hindi kaakit-akit ang iba. Para sa isang collector’s edition, mas marami ka pang aasahan.

Konklusyon

Base sa analysis ng Laro Reviews, ang Emerland Solitaire 2 Collector’s Edition ay hindi masyadong nakakagulat, ngunit hindi naman talaga kailangan. Naka-set ito na magbigay ng isang disente, solid na solitaire game, at naging matagumpay naman talaga. Bagama’t ang iba pang mga solitaire gaya ng Spider, Freecell, at iba pa ay mas kahanga-hanga, kumpara sa available ay mahusay naman ang pagkaggawa at nakakaengganyo. Ang tanging bagay na kailangan mong malaman ay mayroong isang nakakatakot na nilalang na nakawala, at ang mahika ng mundo ay nakuha ng isang masamang kapangyarihan. Ang pagbabalik ng mga relics na iyon ay kalahati ng dahilan kung bakit ka naglalaro ng mga baraha (ang kalahati ay dahil ito ay masayang laruin). Kaya, idownload na ang larong ito at simulan na ang iyong paghahanap!