Cookie Carver: Life Challenge – Handa ka na ba para sa isang laro na punung-puno ng malulupit na mga hamon? Kumpletuhin ang mga yugto ng laro upang manalo at makakuha ng malaki at bonggang premyo.
Umpisahan na ang paglalaro ng Cookie Carver: Life Challenge!
Upang manalo sa laro, dapat mong kumpletuhin ang lahat ng level. Sikapin mong manatiling buhay hanggang dulo para makamit ang paglaya! Ang pagkabagabag na maaaring naramdaman mo habang pinapanood ang serye ng Squid Game ay wala sa larong ito. Ang kagandahan naman ng laro ay walang buhay na nanganganib at may pagkakataon pang manalo malalaking gantimpala.
Ano nga ba ang bagong balita?
Ang Cookie Carver: Life Challenge ay pangunahing nakabatay sa nakamamatay na seryeng Squid Game. Mayroong anim na laro sa kabuuan na magsisimula sa “Red Light Green Light” at nagtatapos sa paghahanap ng halimaw. Ginawa at inilabas ng Casual Azure Games ang laro. Available ito sa lahat ng platforms – sa Android, iOS, at PC. Narito ang links para ma-download ito:
- Download Cookie Carver: Life Challenge on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.games.cookiecarver&hl=en&gl=US
- Download Cookie Carver: Life Challenge on iOS https://apps.apple.com/us/app/cookie-carver/id1589039582
- Download Cookie Carver: Life Challenge on PC https://www.memuplay.com/download-com.games.cookiecarver-on-pc.html
Sa isang bahagi ng Squid Game ay may tinatawag na larong Honeycomb, kung saan ang bawat kalahok ay kailangang umukit ng mga hugis, tulad ng bilog, bituin, at tatsulok sa isang piraso ng pulot-pukyutang toffee nang hindi ito nasisira. Napagdaanan din ito ni Lynja gamit ang isang cookie cutter. Sumubok siya at nabigo. Pagkatapos ay sinubukan niyang magpainit ng karayom gamit ang lighter para makuha ang hugis ng isang bituin, ngunit mabilis na nadurog ang cookie. Bukod sa panlulumo ay manlalambot ka talaga sa kaba at takot kung anong maaaring maging kahihinatnan ng laro.
Paano ito nilalaro sa Squid Game?
Pagkatapos mong matapos ang unang anim na gawain, mapapansin mong paulit-ulit lang ang gameplay. Subalit, may kaakibat naman itong mga misyon na magbibigay ng kaunting pahirap para matapos ang laro. Pagkatapos makumpleto ang bawat hamon ay makakatanggap ka ng in-game currency, Gayundin kapag nanood ka ng 30 segundong video sa app, maaari kang kumita ng karagdagang pera. Narito ang mga sagot, pahiwatig, at cheat para sa anim na laro ng Cookie Carver: Life Challenge.
Ang app na ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga players na makaipon ng pagkadami-daming salapi, makakuha ng karagdagang buhay, at magkamit ng mga bituin sa bawat makukumpletong level. Habang patuloy kang naglalaro, ang mga level ay pahirap din ng pahirap. Ngunit kapalit naman nito ay unti-unti ring pag-angat ng halaga ng naipong salapi. Ang kailangan mo lang gawin para makakuha ng mas maraming buhay ay mangolekta ng enerhiya. Ang mga simpleng aktibidad tulad ng pagkakaroon ng mga pang-araw-araw na insentibo o pagsasagawa ng mahihirap na gawain sa website ng online simulator ay maaaring gamitin upang makaipon ng enerhiya. Maaari ka ring bumili ng upgrade na magbibigay sa iyo ng kakaibang abilidad tulad ng mas mataas na paglukso, doblehin ang iyong mga tira, at iba pang mga espesyal na galaw na makakatulong sa iyong talunin ang mga kalaban.
Kapag naubusan ng enerhiya, ang kailangan lang gawin ay patuloy na maglaro upang makapag-unlock ng bagong level. Patuloy na hamunin ang iyong sarili sa nakakaaliw at nakakahumaling na larong ito.
Related Posts:
Tongits Star Review
Cabal M: Heroes of Nevareth Review
Ano ang kakaiba sa Cookie Carver: Life Challenge
Ang kamangha-manghang larong ito ay may namumukod-tangi ang kalidad dahil pinapayagan nito ang mga user na baguhin ang kasalukuyang difficulty level ng kanilang laro. Hindi ba mas exciting? Bukod pa riyan, ang mod na ito ay may kasamang iba’t ibang action setting tulad ng Time Attack mode na hahamon sa iyong makipag-unahan at subukang magawa ang pinakamaraming laro sa maikling oras. Mayroon ding opsyon para sa Time Trial na magagawang maiparis ka sa manlalarong kasing-level at kapareho ng iyong galing sa paglalaro. Ang labanan sa mode na ito kaabang-abang dahil matututo ka at maaaring makinabang mula sa mga pagkakamali ng iba habang hinahasa mo pa ang iyong sariling kakayahan.
Kagandahan ng paglalaro ng Cookie Carver: Life Challenge
- Ang mga laro sa bawat level ay karaniwan nang nilalaro at pamilyar sa karamihan.
Tinatangkilik ng mga kabataan sa buong mundo ang unang laro sa Squid game. Ito ang uri ng laro na mas masaya kapag maraming kasali. Sa Red Light, Green Light, naka-set up na ang isang espasyo. Ang layunin sa laro ay maiwasang mahuli ng taya na siyang nakatayo sa dulo patalikod sa lahat ng mga kalahok.
Upang makatakbo ang iyong karakter, pindutin nang matagal ang avatar mo sa screen. Para huminto, iangat lang kaagad ang iyong daliri. Abangan ang pagpapakita ng “Green Light” na nasa itaas na bahagi ng screen. Bumitiw sa pagkakadiin sa screen bago pa maging ganap na pula ang ilaw.
- Ang kakaibang kwento at pinatinding mga laro.
Sa nabanggit na serye, 456 katao na nabaon sa utang ang nakakuha ng mystery card bilang imbitasyon na sumali sa mga laro at kumita ng pera. Anim na laro ang kanilang pagdadaanan at ang mga ito ay ilan sa nilaro nila noong sila ay mga musmos pa. Parang ang simple lang, hindi ba? Pero teka muna, ang kapalit naman kapag natalo ka ay buhay mo. Literal ito. At dahil isang tao lang ang pwedeng manalo, tiyak na may kaguluhang magaganap.
Ang mobile ay halos pareho ng nabanggit. Ang mabuting balita, hindi literal na buhay mo nakataya. Mababawasan ka lang naman ng pagkakataong magtagal pa sa game. Kaya makakapagpatuloy ka sa laro ng walang takot at kaba, di tulad ng mga naging kalahok sa Squid Games series.
- Ang aesthetic
Ito ang talagang paborito ko. Sino ba naman ang aayaw sa isang laro na kasiya-siya rin sa paningin, hindi ba?
Ang cookie/candy carving challenge ay ang pangalawang laro sa Cookie Carver Life Challenge. Sa mesa, apat na spherical candies ang nakalapag. May nakatatak na iba’t ibang hugis sa mga ito: bilog, hugis-bituin, hugis-payong, at isang tatsulok. Upang simulan ang hamon, pumili ng alinman sa mga ito.
Kapag nagsimula na ang hamon sa pag-ukit, pindutin nang matagal ang screen upang gamitin ang virtual na karayom upang i-ukit ang tinukoy na anyo sa kendi. Ang kailangan mo lang gawin ay itulak at hawakan ang screen hangga’t ang circular gauge sa itaas ng karayom ay maging dilaw – ang karayom ay awtomatikong susunod sa mga tuldok-tuldok na linya. Kapag naging pula ang gauge, bitawan mo ito. Matatalo ka kung patuloy kang mag-ukit sa kabila ng pagiging pula ng gauge.
Ang Cookie Carver: Life Challenge ay binuo ng Casual Azur Games bilang isang interactive arcade game. Ito ay libreng i-download at nagawa nilang madala ang mga laro mula sikat na palabas sa Netflix na Squid Game sa mga mobile devices at smartphones. Bilang karagdagan, ang larong ito ay nag-aalok sa mga manlalaro ng maraming opsyon para i-configure ang laro. Maaaring baguhin ang antas ng kahirapan ayon sa kanilang kagustuhan.
Laro Reviews