European War 5: Empire Strategy Review

Mahilig ka bang magbasa ng libro o manood ng pelikula tungkol sa nangyaring Digmaang Pandaigdig? O kaya naman ay tungkol sa mga imperyong pinamunuan ng ilang prominenteng tao sa nakaraan? Kung oo, nasa tamang artikulo ka. Ang larong ipakikila ngayon ng Laro Reviews ay kabilang sa European War series na ginawa ng EasyTech. Halika at ating tuklasin ang European War 5: Empire Strategy kung saan tampok ang maraming bahagi ng kasaysayan na magbubukas sa ating isipan. Bukod pa rito, magbibigay rin ang larong ito ng panibagong karanasan sa pakikipaglaban at pagtatatag ng sariling sibilisasyon. Sabik ka na bang malaman ang mga impormasyon tungkol dito? Kung gayon, ipagpatuloy lang ang pagbabasa ng artikulong ito.

Mga Tampok ng Laro

Sa mga taong hindi pa masyadong pamilyar sa larong ito, ang European War 5: Empire Strategy ay kabilang sa European War series na gawa ng EasyTech. Ipinapakita sa series na ito ang iba’t ibang digmaan na nangyari sa kontinente ng Europe pati na rin ang mga bayang umusbong noong panahon na ito. Anu-ano nga ba ang kaibahan ng European War 5 sa iba pang yugto ng laro? Halika at samahan mo akong isa-isahin ang mga tampok na nakapaloob dito.

  • Empire Mode – Layunin ng game mode na ito ang makapagtatag ng makapangyarihang imperyo. Tampok dito ang nasa 6 na panahon na nagpapakita ng halos 2,000 taon ng kasaysayan. Kailangan mong palakihin ang iyong imperyo sa kahit na anong paraan katulad ng pagsakop sa ibang bayan.
  • Battle Mode – Layunin naman dito ang pakikipaglaban sa ibang mga imperyo. Tinatayang nasa 150 ang mangyayaring laban na mararanasan mo sa iba’t ibang panahon tulad ng Medieval Age, Discovery Age, at Industrial Age. Ipapakita rin sa game mode na ito ang ilan sa mga kilalang tao sa kasaysayan tulad nila Alexander the Great at Julius Caesar.
  • World Conquest – Ang huling tampok na ito ay nakasentro sa pagsakop at pakikisama sa ibang imperyo upang mas lumakas ang iyong kapangyarihan. Dito mabibigyan ng pansin ang iyong talino, diskarte at galing sa pagiging pinuno ng iyong nasasakupan.

Marami pang tampok sa larong ito at malalaman mo ang mga ito kapag nasubukan mo na ang paglalaro ng European War 5.

Paano i-download ang European War 5: Empire Strategy?

Madali lamang i-access ang European War 5: Empire Strategy sa kahit anong gadyet na mayroon ka, lalung-lalo na sa iyong mobile phone. Sundin lamang ang mga gabay na ito ng Laro Reviews sa pag-download. Kung ikaw ay nagmamay-ari ng isang Android device, maaari mong hanapin ang European War 5: Empire Strategy sa Google Play Store at i-click ang Install. Para naman sa mga nagmamay-ari ng iOS devices, pumunta lamang sa App Store at gawin ang prosesong ginawa katulad ng sa Android. Sa kasalukuyan, wala pa itong nagagawang bersyon para sa PC. Para sa mas madaling pag-access, pindutin ang mga link na nasa ibaba.

Download European War 5: Empire Strategy on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.easytech.ew5.android&hl=en&gl=US

Download European War 5: Empire Strategy on iOS https://apps.apple.com/us/app/european-war-5-empire/id1147452760

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Para sa akin, hindi magiging madali ang paglalaro ng European War 5: Empire Strategy dahil na rin sa kinakailangan ang magaling na taktika at estratehiya rito. Ngunit, mas magiging mahirap ito sa mga baguhang manlalaro na wala pa masyadong alam sa ganitong uri ng laro. Kung ikaw ay isa mga ito na nais sumubok para sa panibagong karanasan, narito ang ilan sa tips at tricks na libreng ibabahagi ng Laro Reviews. Masyadong marami ang tampok sa larong ito kayamas mabuting mag-focus tayo sa pangkalahatang sistema na maaari mong gawin. Kailangan mong malaman na importante sa larong ito ang makalikom ng sapat na experience points upang madali kang makausad o makapagpatuloy sa iba pang levels. Para makakolekta ng marami, gamitin ang iyong Generals sa pakikipaglaban dahil mas malaking puntos ang ibinibigay nito. Maaari mo ring i-upgrade o i-level up ang mga ito upang mas maging epektibo ang kanilang pakikipaglaban. Para sa mabilisang pag-upgrade, pwede mong laruin ulit ang mga nakaraang levels na nadaanan mo na. Isa pa sa mga mabisang paraan sa pag-level up ng Generals ay ang pagpili ng maayos at magaling na sandata para sa mga ito. Ang mga sandata kasing ito ay maaaring magbigay ng bonus points sa iyo. Halimbawa ng mga sandatang ito ay ang Paladin Weapons (Sword, Ring, at Armor).

Kalamangan at Kahinaan

Base sa mga nakikita kong komentaryo, isa sa mga pinakamagandang version ng European War Series ang European War 5. Magaling ang kondepto at tema nitong umiikot sa Digmaang Pandaigdig pati na rin sa mga sikat na pinuno mula sa nakaraan. Talagang magiging patok ito sa mga taong maraming alam sa nangyaring kasaysayan at ebolusyon ng sibilisasyon. Maaaring maganda nga naman ang larong ito dahil masasabing interesante ito sa unang kita pa lang. Napakaganda ng art style nito dahil kuhang-kuha ang bahid ng kasaysayan na pangunahing konsepto ng laro. Marami ang tampok na karakter dito at talaga namang marami sa mga ito ang pamilyar na sa atin. Sigurado ring masusubok ang lawak ng iyong kaalaman sa pagbuo ng estratehiya at pamumuno dahil sa iba’t ibang kapanahunan, sibilisasyon, at mga tauhan na iyong mararanasan dito. Sa kabilang banda, ang masasabi kong kahinaan ng larong ito ay ang AI feature na maaari mong magamit sa auto battles mode. May mga pagkakataon kasi na imbes tulungan ka nito sa pakikipaglaban ay kabaliktaran ang nangyayari. Mas marami ang naidudulot nitong damage kaysa sa puntos para sa iyong hero, kaya nawawalan ng bisa ang pagtulong nito. Huwag mag-alala dahil hindi naman ito nangyayari sa lahat, ngunit mas mabuti kung maaagapan ito agad ng developers. Sa pangkalahatan, masasabi pa ring napakaganda at nakakatuwa ang laro na ito.

Konklusyon

Sa kabuuan, may 4.4 rating ang European War 5: Empire Strategy sa Google Play Store at 4.8 naman sa App Store. Makikita na mataas ang mga markang nakuha ng laro at masasabi na ito ay dahil sa napanindigan nito ang mga kalakasang nabanggit. Tiyak din na mas magiging maganda pa ang larokung mapupunan kaagad ang mga kulang at mali sa game features nito. Kaya naman, kung gusto mong subukan ang sinasabing pinakamagandang laro sa European War series, i-download mo na ang European War 5: Empire Strategy!