Gustong magpalipas ng ilang oras habang nakikipagkumpitensya sa mga larong may temang life-or-death kasama ang 456 na iba pang manlalaro? Ang 456 Squid: Survival Red Light ay isang offline na laro na tutupad sa iyong mga kahilingan! Ang bawat makapigil-hiningang laro ay isasagawa ng mga kalahok upang makuha ang napakalaking cash reward!
Ang larong ito ay base sa isang TV series na Squid Game. Kung napanood mo na ito, pamilyar na sa iyo ang lahat ng laro dito gaya ng Green & Red Light, Cookie game, Glass game, Tug of war, at iba pang klaseng laro.
Ano ang layunin ng laro?
Ang mga kategorya ng laro dito ay nagmula sa TV series na pinamagatang Squid Game. Batay sa palabas na ito, isang survivor lamang ang kwalipikado para sa premyo. Kaya bilang isa sa 456 na kalahok, kailangan mong mabuhay upang manalo ng unang gantimpala. Madali lamang ang mekaniks at mga kontrol. Hindi na kailangan ng anumang tutorial dahil malalaman mo agad ang mga dapat gawin sa oras na maumpisahan mo itong laruin.
Paano laruin?
Pagkatapos i-download at i-install ang laro sa iyong device, magagawa mo na itong laruin. Mayroon anim na kategorya ng mga laro. Magkakaroon ng 456 na kalahok ngunit dahil ito ay isang offline na laro, ang mga kasabay na players ay pawang mga computer o A.I. lamang. Kaya hindi mo kailangang maging gigil sa paglalaro.
Ang mga hamon ay hindi nagpapataw ng mahihirap na mekaniks at mga kontrol kaya huwag mag-alala. Lalo kang lamang kung napanood mo na ang palabas na Squid Game dahil mas pamilyar sa iyo ang bawat kategorya ng laro at ang mekaniks nito. Maaari mong gamitin ang coins na nakukuha o napapanalunan mo sa bawat laro para ipambili ng bagong karakter at skin nito. Isang opsyon ang panonood ng ads para makakuha ng coins. Maaari mong ulit-ulitin ang paglalaro para mas makalikom ng coins.
Paano i-download ang laro?
Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang 456 Squid: Survival Red Light sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit at ang makukuhang space ng app para sa Android ay 65 MB. Ito ay wala pang bersyon para sa mga iOS users.
- Download 456 Squid: Survival Red Light on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.games1st.squid456survivalgame
- Download 456 Squid: Survival Red Light on PC https://www.bignox.com/appcenter/game_management/com-games1st-squid456survivalgame-pc/
Hakbang sa paggawa ng account sa 456 Squid: Survival Red Light
- Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
- Hanapin ang bersyon ng larong 456 Squid: Survival Red Light. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
- Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device hindi na masi-save ang progress ng laro.
- Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng 456 Squid: Survival Red Light!
Tips at tricks sa paglalaro ng 456 Squid: Survival Red Light
Maaari mong laruin ang anim na magkakaibang kategorya. Apat lang sa anim na kategorya ang may kapana-panabik na aktibidad: Green & Red light, Cookie game, Glass game, at Tug of war. Ang lahat ng ito ay maaaring laruin sa totoong buhay, kaya ang mekaniks ay pamilyar at hindi masyadong mahirap unawain.
Sa Green Light, ang kailangan mo lang gawin ay tumakbo pasulong sa finish line. Kapag ang napakalaking manika ay humarap sa iyo, manatili o huwag kumilos sa iyong posisyon. Kapag siya ay tumalikod at nagsimulang kumanta muli, maaari ka nang tumakbo nang mabilis hangga’t makakaya upang maabot mo ang pulang linya bago matapos ang oras.
Related Posts:
SAKURA School Simulator Review
Traffic Rider Review
Tulad na lamang sa senaryo ng larong Green Light, ang bawat laro ay may sariling set ng mekaniks at natatanging mga diskarte upang manalo. Ang laro ay napaka-simple at maaari mong matutunan ang ibang kategorya sa oras na subukan mo itong laruin.
Pros at cons sa paglalaro ng 456 Squid: Survival Red Light
Ang laro ay nakatanggap ng maraming magaganda at kanais-nais na papuri mula sa mga user at nakatanggap ng mataas na rating. Ang pagkakaroon ng simpleng gameplay mechanics at concepts ay nakaka-refresh ng isip at nakaka-relax. Ito ay isang kamangha-manghang time-killer application para sa mga manlalaro. Maaari rin itong laruin offline kaya hindi na nangangailangan ng internet connection o mobile data. Dahil isa itong mobile app, ito ay napakadaling madala at malaro kahit saan mo man gustuhin.
Mayroon itong magandang graphic design at animation. Hindi rin mahirap na makakuha ng coins na kakailanganin para makabili ng mga karakter sa larong ito. Upang makalikom ng mga coins ikaw ay maaaring maglaro o manood ng mga ad. Ito ay angkop para sa mga kabataan at matatanda. Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa nilalaman o mga senaryo sa laro dahil walang karahasan o anumang negatibong epekto para sa mga bata.
Ang laro ay nangangailangan lamang ng kaunting pag-aayos at pag-upgrade. Mas maganda kung magdaragdagan ng bagong features at laro kahit na hindi na ito konektado sa konsepto ng palabas na Squid Game. Mas mainam kung makakagawa ng bagong kategorya ng laro para mas lalo itong maging kapana-panabik. Mayroon lamang itong anim na kategorya sa ngayon at ito ay lubhang kakaunti. Gayundin, napakaraming ads ang lumalabas habang naglalaro na hindi ikinatutuwa ng mga manlalaro. Ang bilang ng mga character ay limitado rin. Mayroon lamang 5 karakter na maaari mong i-unlock. Kaya mas maganda kung ang lahat ng isyu ng laro ay masolusyunan at matugunan kaagad para sa mas maayos na gameplay experience nito.
Konklusyon
Ang laro ay nagbibigay ng iba’t ibang kasiya-siyang gameplay experience. Ilang manlalaro ang nagnanais na mapa-improve pa sana ito para mas lalong pumukaw sa interes ng karamihan at hindi mapagsawaan kaagad. Napakagandang balita na ang application ay maaaring laruin pareho ng mga kabataan at matatanda kung kaya mas marami pa tatangkilik ng larong ito.
Laro Reviews