Modern Combat 5: mobile FPS Review

Barilan, misyon at siguradong susubaybayan mong kwento? Wala ka nang ibang hahanapin pa dahil lahat ng iyan ay mayroon dito sa series game na ito ng Gameloft SE – ang Modern Combat 5: mobile FPS, isang first shooter action game na sinasabing isa sa may pinakamahabang series na nilikha para sa genre na ito. Ngayong nasa 5th installment na ito ay asahan mong mas pina-intense ang bawat action at mas pinabigat ang bawat misyon sa larong ito. Bawat game mode, may kwentong sinusundan. Bawat laban, palaging hahasain ang iyong fighting skills at higit sa lahat palaging may mga kalabang kailangang ubusin. Kaya naman, simulan na nating ihanda ang ating armas at kumpletuhin ang bawat misyong hinanda dito.

Features ng Modern Combat 5: mobile FPS

Kumpara sa ibang mga laro na mayroong kaparehas na genre, iilan lamang ang features na makikita sa larong ito. Agad mo itong mapapansin sa pinaka-main screen sa oras na pasukin mo ito. Dahil iilan lamang ito ay tila may kalakihan pa ang espasyo na maaaring mapunan. Gayunpaman, kapag binuksan mo naman ang bawat section nito, doon mo mapapagtanto na naibigay naman ng laro ang sapat mong kakailanganin sa paglalaro nito.

Una na riyan ang iba’t ibang uri ng classes na maaari mong pagpilian dito. Sa larong ito, mayroon itong 11 na classes gaya ng Assault, Heavy, Recon, Sniper, Support, Bounty Hunter, Sapper, X1-Morph, Commander, Marauder at Tracker. Hindi ka dapat mag-alala dahil makikita mo naman dito ang description ng bawat class lalo na pagdating sa kung ano ang mga kaya nilang gawin sa bawat labanan. Bawat isa sa mga classes ay meron namang 8 skills na kailangan mo ring i-upgrade para magamit nang epektibo.

Bawat manlalaro ay palaging mayroong tatlong slot para sa dadalhin nilang tatlong armas sa bawat laban gaya ng rifle, pistol at granada. Mayroon ng nakalagay sa mga slot na ito saktong pagpasok mo pa lamang sa laro ngunit may kalayaan ka namang palitan ito kung nanaisin mo. Kung sisilipin ay mayroong 9 na klase para sa assault rifle, 10 para sa pistol at 13 naman para sa granada. Maaari mo rin itong i-customize depende sa nais mong itsura at kulay ng bawat parte nito.

Maaari mo rin namang i-customize ang iyong outfit. May kalayaan kang pumili kung alin sa Assault Gear, U.S Patriot, Santa Suit, Blue Santa Suit, Hazard, Anubis Armor, Werewolf, Plague Doctor, Legion, Shining Armor, Nova Suit, Samurai, Elite Nova Suit, Kanata Armor, Samhain Spree Armor at marami pang iba ang nais mong piliing suotin sa bawat laban. Sa kabuuan ay mayroong 21 na bilang ng outfit ang mayroon sa larong ito. Wala rin namang problema kung hindi mo natipuhan ang mga ito dahil maaari ka namang lumikha ng bago sa pamamagitan ng pag-customize dito ng kanilang headgear, torso armor, hand armor, at leg armor.

Sa Inventory mo naman makikita ang kumpletong listahan ng mga item na mayroon ka at posible mo pang makuha sa oras na ipagpatuloy mo pa ang paglalaro nito. Narito ang iba’t ibang klase ng assault rifles, shotguns, sniper rifles, submachine guns, light machine guns, experimental weapons, short-barrel rifles, modular weapons, pistols, rocket launchers, turrets, exotic weapons, shields, dogs at marami pang iba na tunay na magagamit mo sa laro.

Pagdating naman sa game mode ng laro ay mayroon itong Campaign kung saan naglalaman ng 6 na chapters (Venice, Rinnoji Temple, Downtown, San Marco, Ryogoku, at Gilman HQ). Ito ay mayroong kwentong sinusunod upang lalo pang maging kawili-wili ang paglalaro nito. Bukod pa rito ay mayroon din itong Multiplayer kung saan naglalaman naman ito ng Soldiers’ League, Duel, Squad Play, Non-ranked at Battle Royale. Idagdag na rin dito ang Event kung saan narito ang ilang mga task na may kalakip na mga reward.

Saan maaaring i-download ang app?

Ang larong ito ay nangangailangan ng 53MB sa Google Play Store habang 1.7GB naman pagdating sa App Store. Maaari ka namang gumamit ng emulator gaya ng GameLoop para naman sayong PC. Kung nais mo itong laruin, i-click lamang ang link na nasa ibaba depende sa device na iyong gamit.

Download Modern Combat 5: mobile FPS on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.gameloft.android.ANMP.GloftM5HM

Download Modern Combat 5: mobile FPS on iOS https://apps.apple.com/us/app/modern-combat-5/id656176278

Download Modern Combat 5: mobile FPS on PC https://www.gameloop.com/ph/game/action/modern-combat-5-mobile-fps-on-pc

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Modern Combat 5: mobile FPS

Kung baguhan ka pa lamang sa larong ito at nasa kalagitnaan ka ng laban, isang mainam na gawin ang palaging umatake sa malayo. Hindi mo kailangang magpakabayani at talagang harap-harapan kang nakikipagbarilan sa kalaban. Humanap ng pwesto kung saan maaari kang magkaroon ng panangga mula sa mga bala ng kalaban. Mainam din na mayroong timing bago ka umatake para saktong mapatay mo ang kalaban nang hindi ito makaganti. Maaari mo ring gamitin ang tactics na ito lalo na sa pagkakataon kung saan kailangan mong mag-reload ng iyong bala. Kahit pa tumitigil din ang kalaban sa tuwing kailangan mong magreload, isang mainam pa rin na umiwas muna sa mga ito para gawin ito saka umatakeng muli.

Para sa Laro reviews, isang magandang bagay rin na palagi mong ina-upgrade ang iyong mga gamit gaya ng baril upang mas maging epektibo pa ito. Piliin mo yung mga armas na kayang tumira kahit sa malayo at kayang pumatay nang mabilis. Kung pag-a-upgrade din naman ang pag-uusapan, mainam ang sumali sa mga multiplayer games upang makatanggap ng rewards na siyang magagamit mo para ma-improve mo pa ang mga gagamitin mo sa laro. Huwag ding kalilimutan na alamin ang bawat bagay sa laro na hindi ka pamilyar gaya ng classes at kung ano ang papel nito sa laro.

Related Posts:

Ronin: The Last Samurai Review

Shadowgun Legends: Online FPS Review

Pros at Cons ng Modern Combat 5: mobile FPS

Isa sa ipinagmamalaki ng first shooter series na ito ay ang high quality nitong graphics. Mapapansin mo agad iyon sa oras na pasukin mo ang laro kung saan bubungad sayo ang opening nitong mala-pelikula. Hindi mo maiiwasang mamangha partikular na sa pasimpleng paglagay nito ng credits na para bang nanonood ka talaga ng isang action movie. Dekalidad din maging ang sound na ginamit dahilan kung bakit may bigat at may intense na pakiramdam ang bawat scene dito. Idagdag mo pa ang mga voice actor na siyang nagbibigay buhay sa bawat karakter.

May karamihan ang control sa larong ito ngunit hindi naman ito masyadong komplikado. Gayunpaman, lalo na kung baguhan ka pa lamang dito, hindi magiging madali sayo ang gamitin ang mga ito lalo na kung kailangan mong pagsabayin ang pagkilos at pag-atake sa kalaban. Walang option ang larong ito kung saan maaaring mabawasan ang problemang ito. Kaya naman, mainam sana kung naglagay ang developer nito ng auto-shoot dahil malaki ang maitutulong nito lalo na sa mga beginner ng laro. Kung mayroong auto-shoot, mas mapapadali ang bawat laban dahil ang trabaho na lamang ng bawat manlalaro ay kung saan ito magtatago at paano nila itututok ang baril sa kalaban.

Konklusyon

Para sa Laro Reviews, busog na busog ka na sa bawat bagay na makikita mo sa larong ito. Mula sa high quality nitong graphics, sa ipinakitang voice acting ng bawat karakter dito maging ang istoryang talagang susubaybayan mo habang nilalaro ito. May iba’t ibang klase rin ng game mode ang larong ito na talagang itutulak kang subukan ang lahat ng mga ito at hindi mo maiiwasang humingi o humanap ng mas marami pa.

Laro Reviews