Parchisi STAR Online Review

Sa Parchisi STAR Online maaari kang maglaro ng sikat na board game gamit ang iyong mobile device. Ang competitive multiplayer Parchisi game na ito ay inilabas noong Pebrero 17, 2017, ng Gameberry Labs. Sa kasalukuyan, ito ay nakapagtala na ng mahigit 50 milyong downloads sa Google Play Store.

Ang pangunahing layunin ng mga manlalaro rito ay mailipat lahat ng kanilang tokens sa Home Square na nasa gitna ng gaming board. Ang mga manlalaro ay magsasalitan sa pagro-roll ng dalawang dice upang matukoy ang bilang ng moves na pwede nilang gawin. Tandaan na ang isang token ay maaari lamang makapasok sa Home Square kapag nakuha mo ang eksaktong bilang ng kinakailangang game moves. Halimbawa, kung dalawang moves na lamang ang kinakailangan upang makausad sa Home Square at ang nakuhang mo ay 4 at 5, hindi gagalaw ang token. Kailangan mong makakuha ng eksaktong 2 o dalawang 1 upang mapunta ito sa Home Square.

Paano I-download ang Laro?

Ang game app na ito ay libreng maida-download sa Play Store at sa App Store para sa Android at iOS devices. Kung nais mong namang laruin ito gamit ang laptop o desktop, maaari mong i-download ang APK file nito sa computer at i-run gamit ang isang lehitimong Android emulator. Kung wala kang sapat na oras na maghanap pa, maaari mong i-click ang mga link sa ibaba:

Download Parchisi STAR Online on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.superking.parchisi.star

Download Parchisi STAR Online on iOS https://apps.apple.com/us/app/parchisi-star/id1211118856

Download Parchisi STAR Online on PC https://www.bluestacks.com/apps/board/parchisi-star-online-on-pc.html

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Bukod sa basic nitong gameplay, marami ka pang dapat malaman tungkol sa Parchisi STAR Online. Ang bawat baguhang manlalaro ay pwedeng mamili kung nais ba nilang mag-log in gamit ang kanilang Facebook account o maglaro bilang guest. Inirerekomenda ng Laro Reviews sa lahat na mag-log in upang hindi mawala ang game data at progress. Bukod dito, magkakaroon ka rin ng access sa mga eksklusibong game events at karagdagang rewards.

Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat mong malaman bago simulan ang iyong paglalaro:

  • Gameplay

Ang gameplay ng Parchisi STAR Online ay hango sa tradisyunal na Ludo o Parchisi. Ang regular match ay binubuo ng 2 hanggang 4 na mga manlalaro. Ang bawat isa ay may tig-aapat na tokens at kailangan nilang mailipat lahat ng ito sa Home Square upang manalo. Ang mga manlalaro ay magsasalitan sa pag-roll ng dalawang dice. Ang tokens ay automatic na gagalaw alinsunod sa bilang na lumabas sa mga dice. Upang maalis ang token sa Nest at mailipat ito sa game board, kinakailangan mong makakuha ng 5. Kung sakaling marami kang tokens na nasa game board, maaari kang mamili sa mga ito kung alin ang gusto mong i-move.

  • Features

Ang larong ito ay may Undo button na matatagpuan sa tabi ng mga dice. Kung nais mong bawiin ang iyong move, pwede mo itong magamit. Subalit, tandaan na ang feature na ito ay hindi libre, kinakailangan mong magbayad ng 3 gems para rito.

Kung nais mo namang makipag-usap sa iyong mga kalaban, pwede mong gamitin ang emoji at chat features na matatagpuan sa ibabang bahagi ng iyong profile. Sa gitna naman ng iyong gaming screen ay makikita mo ang makulay na Parchisi board.

Ang in-game currencies na ginagamit sa larong ito ay gold coins, platinum coins, at gems. Ang gold coins ay ginagamit bilang pambayad para makasali sa bawat match. Ang platinum coins ay maaaring makabili ng special game boards na may iba’t ibang designs. At ang gems naman ay magagamit na pambili ng game items at bilang pambayad sa paggamit ng special features.

Bukod sa regular games, may progress bar at special events din ang Parchisi STAR Online. Sa pamamagitan ng mga ito ay maaari kang makakuha ng basic, elite o special treasures. Pwede ka ring mag-add ng hanggang 25 game buddies upang maging kalaro at para makipagpalitan ng espesyal na mga regalo.

  • Game Modes at Game Variations

May limang game modes sa larong ito: 1-on-1, Team-Up, 4-Player, Play with Friends at Play Offline. Kailangan mong makipagtapatan sa isa pang manlalaro sa 1-on-1 mode. Katulad din nito ang 4-Player mode, ang kaibahan lamang ay tatlo na ang kailangan mong talunin. Sa Team Up mode naman ay magiging bahagi ka ng isang team at dapat kang makikipagtulungan sa iyong mga kasamahan upang matalo ang mga katunggali. Sa Play with Friends mode, maaari kang eksklusibong makipaglaro kasama ng iyong game buddies. At kung sakali namang maubusan ka ng data o kaya ay hindi maka-connect sa internet, huwag mag-alala dahil pwede kang maglaro sa Play Offline mode. Ang iyong makakatapat dito ay mga system-generated na kalaban.

May dalawang game variations kang mapagpipilian dito: Classic at Spanish. Ang Classic version ang karaniwang ginagamit sa paglalaro ng Parchisi samantalang ang Spanish version naman ay hango sa paraang ginagamit ng mga Espanyol. Wala naman masyadong ipinagkaiba ang dalawang ito maliban na lamang pagdating sa ilang game rules. Halimbawa na lamang ay ang parusang ipapataw kapag ang isang manlalaro ay nakukuha ng tatlong sunud-sunod na doubles. Sa Classic version, ang token na pinakamalapit sa Home Square ang kailangang pabalikin sa Nest habang sa Spanish version naman ay ang huling token na nai-move ang dapat pabalikin.

Pros at Cons ng Parchisi STAR Online

Maraming manlalaro ang nasisiyahan sa nakahuhumaling na gameplay ng larong ito. Ang interactive features nito ay mahusay din dahil pwede kang makipaglaro sa iyong mga kaibigan at kakilala. Gumagana ng maayos ang communication features nito. Mahusay din ang pagkaka-execute ng challenging at competitive gameplay ng traditional na Parchisi. Sa katunayan, marami ang nagsasabi na ito ay nagdadala ng nostalgia ng kanilang pagkabata. Isa pang nakakatuwang bagay tungkol sa laro ay ang offline mode kung saan pwede kang maglaro kahit walang internet connection.

Sa kabilang banda, ang larong ito ay may mga kahinaan din pagdating sa ilang aspeto. Maraming manlalaro ang nagsasabing may daya ang larong ito at tila sinasadya na matalo sila. Ang app ay madalas na nagka-crash at nagfi-freeze. Puno rin ito ng bugs kung kaya’t mabagal ang response rate ng controls nito. Nakakalungkot ring isipin na napakaraming cheaters at hackers sa larong ito. Madalas ring nagkakaroon ng problema sa pag-access ng mga online game modes dahil sa mga paulit-ulit na connection issues.

Konklusyon

Ang Parchisi STAR Online ay may average rating na 4.3 stars mula sa mahigit 2 milyong reviews sa Google Play Store. Sa kabilang banda, ito ay may 3.8-star rating mula sa halos 15,000 reviews sa App Store. Ang malaking agwat ng ratings pati na ang negatibong feedback mula sa mga manlalaro ay nagpapahiwatig na ang larong ito ay marami pang mga isyu at problemang dapat masolusyunan. Sa kabuuan, iminumungkahi ng Laro Reviews na kung ikaw ay naghahanap ng isang mahusay na Parchisi app, busisiin muna ang mga feedback tungkol dito.