Ang crystal gems ay sadyang mahalaga sa larong ito. Ang Steven Universe ay isa sa mga pinakamagandang palabas sa Cartoon Network. Gustung-gusto ito ng mga bata at mga young-at-heart dahil sa mga natatanging karakter, nakakagulat na plot twist, at mga aral na maaaring matutunan ng lipunan. Isa ito sa mga paborito kong palabas dahil sa pagtaliwas nito sa gender roles at pagpapakita kung paano mahalin ang iyong sarili. Para sa isang palabas na pambata, marami itong maiaalok. Kaya noong binuo ng Grumpyface Studios ang laro, nasabik akong laruin ito. Isang larong RPG ng paborito kong palabas? Sige, ayos lang mamulubi sa pambayad ng laro dahil sa Laro Reviews na ito ipapakita ang kwelang kwento ng Attack the Light.
Ang kwento ay katulad ng karamihan sa mga yugto sa unang season. Si Steven ay naglalaro ng RPG game sa kanyang loft room sa beach house. Dahil sa pagkamangha sa laro, nangako siyang maglalaro ng walang tigil hanggang sa matapos niya ito at bumalik ang crystal gems. May dala silang isang bagay na nakatawag sa kanyang atensyon. Nagtaka siya sa kung ano ang dala ni Garnet, tinanong niya sila, at sinagot ni Pearl na ito ay isang sandata na maaaring mag-utos sa isang buong hukbo ng buhay sa mga kamay ng isang makapangyarihang gem. Sa umpisa ay hindi pinayagan ni Pearl na hawakan ni Steven ang Prism ngunit pumayag din dahil napagtanto nilang hindi ito isang malakas na gem. At nang makuha niya ito, naglabas ang prisma ng isang light creature. Tinangka itong talunin ng mga crystal gems, ngunit, nakawala lamang ang mga ito. At dito nagsimula ang kanilang pakikipagsapalaran upang hanapin ang light creatures at para maibalik ang mga ito sa prisma.
Features ng Attack the Light
Sina Garnet Amethyst, Pearl, at Steven ang iyong playable characters na binosesan ng mga orihinal na miyembro ng cast. Habang naglalaro, maaaring magkaroon ng interactions sa kanila sa pamamagitan ng mga diyalogo. At ang pagpili ng sagot ay maaaring magbigay sa iyong kakampi ng exp. Maaari mong tuklasin ang mga kweba, labanan ang mga nilalang at mag-level up sa bawat panalo.
Dahil ang Attack the Light ay isang turn-based na combat game, mayroon silang iba’t ibang tungkulin at kakayahan sa pakikipaglaban. Kaya ni Garnet magbigay ng matinding pinsala sa isang kaaway gamit ang kanyang gauntlet. Magagawa ni Amethyst malaking pinsala sa maraming light creatures gamit ang kanyang latigo. Ang sibat ni Pearl ay maaaring hindi kasing lakas ng kay Garnet, ngunit nagkakahalaga ito ng mas murang star points. Hindi nakakaatake si Steven, ngunit kaya niyang protektahan ang mga kapanalig at pagalingin sila. Ang bawat isa sa kanilang mga pag-atake ay nagkakahalaga ng star point, kaya ikaw ang pumili kung paano mag-strategize. Ang pagpindot sa screen sa tamang oras ay makakapagdulot ng higit na pinsala kapag ikaw na ang aatake, at maaari mong bawasan ang pag-atake ng iyong mga kaaway kung kailangan mong depensahan ang iyong sarili.
At kapag sila ay nag-synchronize, maaari silang mag-fuse at maging isang giant woman. Maaaring sabihin ni Jasper na ang pagsasanib ay isang murang taktika upang gawing mas malakas ang mahihinang gems, ngunit kayang gapiin ni Alexandrite ang light creatures dahil sa kanyang fusion power.
Saan pwedeng i-download ang Attack the Light?
- Download Attack the Light on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.turner.stevenrpg
- Download Attack the Light on iOS https://apps.apple.com/us/app/attack-the-light/id941380906
- Download Attack the Light on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/attack-the-light-on-pc.html
Tips at tricks sa Paglalaro ng Attack the Light
Ang larong ito ay angkop para sa mga manlalaro na may edad siyam hanggang labindalawang taong gulang. Kaya hindi ito magiging isang hard-core na laro. Ngunit may mga pagkakataong mai-stuck ka, at ang Laro Reviews na ito ay tutulong sa iyo sa buong laro.
I-tap ang screen ayon sa Rhythm
Ang isa pang magandang tampok sa larong ito ay ang insentibo ng pag-tap sa screen sa tamang oras. Maaari kang makapagbigay ng karagdagang pinsala laban sa iyong mga kaaway kapag pinindot mo ang screen sa tamang tyempo. Kaya maglaan ng oras hanggang ang indicator ay tumugma sa linya, at maaari mo ring tapusin ang laro nang maaga. Kung naglalaro ka ng rhythm games, malaki ang iyong magiging kalamangan sa larong ito.
Ilaan ang iyong mga item para sa boss fights
I-save ang iyong mga boosting item tulad ng Bicycle Helmets, Beefy Sweatbands, at iba pa. Maaari mong tapusin ang mga ordinaryong laban sa isang pag-atake, gamitin lamang ang mga item na ito para sa mga laban sa boss.
Huwag maging madamot at gamitin ang iyong mga item
Malaki ang tiwala mo sa sarili at alam mong matatalo ang mga kalaban sa iyong mga pag-atake at tamang timing ng pagpindot sa screen. Pagkatapos ay inaatake ng kalaban ang iyong mga kaalyado at natapos na ang laro. Hindi ito kalimitang nangyayari, ngunit maaari pa ring maganap. Gamitin ang iyong mga item kapag kinakailangan.
OP ang Bubble ni Steven!
Pwedeng gumawa si Steven ng isang bula na maaaring protektahan ang isang gem mula sa isang pag-atake. Pinakamabuting i-upgrade ito sa lalong madaling panahon.
Related Posts:
Pocket God Review
Tempest: Pirate Action RPG Premium Review
Pros at Cons ng Attack the Light
Alam kong nagsasawa ka nang marinig ito, pero maganda ang palabas na pinagbasehan ng laro. Kaya naman maraming nagkakagusto dito. Gayunpaman, huwag nating balewalain ang mga dapat ayusin sa laro.
Ang laro ay may magagandang features. Mayroon itong mga simpleng mekaniks at ang mga conflict ay hindi komplikado at ginawang angkop para sa mga batang manlalaro – ang target audience ng palabas. Maaari nila itong laruin kahit saan dahil available ito sa mobile. May kwento na maaari mong abangan sa paglalaro, at mayroon itong mga soundtrack na kasing ganda ng sa serye. At kung sa tingin mo na ang laro ay masyadong madali, maaari mong piliin ang diamond mode, kung saan nagiging mas mahirap ang laro. Mas mapapadalas ang paglabas ng mga malalaking halimaw at mas mahaba ang kanilang buhay; hindi mo maaaring harangan ang pag-atake o dagdagan ang iyong pamiminsala sa pamamagitan ng pag-tap sa oras na nasa screen.
Ang fusion ay isa sa pinakamagandang bagay sa palabas. Maaari ko itong talakayin ng buong araw, kaya bilang buod, ang gems ay maaaring lumikha ng bago at mas malakas na nilalang kapag pinagsama ang mga ito. Sa kasamaang palad, si Alexandrite lamang ang fusion dito, at umiiral lamang siya bilang isang labanan sa cutscene. Ang laro ay may apat na characters lamang at nagiging paulit-ulit ang iyong gameplay sa katagalan. Tatlo lang sa kanila ang maaaring umatake, kaya halos si Garnet ang madalas mong gagamitin dahil kaya niyang gumawa ng mas matinding pinsala sa mga kalaban at babaan ang kanilang depensa.
Konklusyon
Maaaring hindi ito umabot sa aking mga inaasahan, ngunit nag-enjoy pa rin ako sa laro. Inaasahan ko ang laro dahil naririto ang mga paborito kong animated series mula sa Cartoon Network at sigurado ako na ito rin ang dahilan ng iba pang mga manlalaro. Kung ikaw ay isang beterano o kahit isang kaswal na manlalaro, makikita mo na hindi ito perpekto dahil sa mga pagkukulang nito. Ngunit ito ang unang laro ng Steven Universe, kaya dapat na itong asahan. Buti na lang may sequel itong pinangalanang Steven Universe: Save the Light. Hindi ito available sa Android, ngunit mas marami itong feature gaya ng iba pang pwedeng laruin na mga karakter at mas marami pang mga fusion.
Laro Reviews