Hotel Fever: Grand Hotel Game Review

Isa ka ba sa mga nangangarap na magmay-ari ng sikat na hotels at magarang restaurants? Sa pamamagitan ng game app na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong matupad ang iyong minimithi. Ipinapakilala ng Laro Reviews ang Hotel Fever: Grand Hotel Game. Ito ay isang simulation game mula sa FlyBird Casual Games. Sa single-player game na ito pwede mong maranasan kung paano mamahala ng hotel and restaurant business.

Ang layunin ng mga manlalaro rito ay patakbuhin ng maayos ang negosyo at palaguin ito. Kailangan nilang tiyakin na bawat guest ay makakatanggap ng mahusay at magandang serbisyo. Kapag nakaipon na sila ng sapat na halaga ng in-game coins at reputation points, maaari nilang i-level up ang motel at gawing isang five-star hotel. Sa kalaunan, kinakailangan nilang maging isang business tycoon at kilalaning pinakamagaling sa lahat.

Paano I-download ang Laro?

Ang game na app na ito ay maaaring i-download mula sa Play Store at sa App Store. Gamit ang iyong Android o iOS device, hanapin ito sa mga nabanggit na platform at i-click ang install button. Sa kabilang banda, kung nais mo namang maglaro gamit ang laptop o desktop, i-download ang app sa iyong computer at gumamit ng emulator upang i-run ito. Maaari mo ring gamitin ang mga link sa ibaba:

Download Hotel Fever: Grand Hotel Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.digitalkingdom.hotelfever

Download Hotel Fever: Grand Hotel Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/hotel-fever-doorman-mania/id1529588261

Download Hotel Fever: Grand Hotel Game on PC https://www.gameloop.com/game/adventure/com.digitalkingdom.hotelfever

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Ang larong ito, ay tungkol sa pamamahala ng negosyong hotel and restaurant. Katulad ng sa aktwal na sitwasyon, kinakailangan mong tiyakin na lahat ng guests ay makakatanggap ng mataas na kalidad ng serbisyo. Bukod dito, papasukin mo rin ang iba pang mga negosyong may kaugnayan sa hotel business tulad ng car rentals, catering at 24-hour room service.

Ang tanong, kaya mo bang harapin ang mga hamong ito? Kung “Oo” ang sagot mo ay bagay sa’yo ang larong ito. Bago ka magsimula, huwag kaligtaang i-link ang iyong Facebook account sa laro upang ma-save ang iyong game progress at makapaglaro kasama ng iyong mga kaibigan.

  • Gameplay

Inaanyayahan ka ng Hotel Fever sa isang larong hango sa konsepto ng hotel management at may dagdag na cooking frenzy gameplay. Susubukan nito ang iyong focus, bilis at management skills. Tutulungan ka rin ng iyong mga empleyado upang maging magaan ang mga gawain. Kapalit ng magandang serbisyo na iyong ibibigay ay makakakuha ka ng coins. Maaari mong gamitin ang mga ito upang i-upgrade ang mga kagamitan at paunlarin ang iyong negosyo.

Maaari mong i-level up ang isang ordinaryong motel at gawing pinakamagarang 5-star hotel sa lungsod. Bukod dito, pwede ka pang magpatayo ng karagdagang branches sa iba’t ibang panig ng mundo. Siguraduhing bigyan ng kaukulang serbisyo ang lahat ng guest upang kumita ng malaki at makakuha ng karagdagang reputation points. Ang mga ito rin ang magiging batayan ng iyong pagli-level up sa laro.

Regular na i-update ang iyong kagamitan maging mas mapabilis at mapahusay pa ang serbisyo ng iyong hotel. Kung sakaling mahirapan ka, pwede ka ring gumamit ng boosters sa larong ito. Tandaan na para malampasan ang bawat game level, kinakailangan mong kumita ng partikular na halaga ng coins sa itinakdang oras.

  • Game Controls

Ang kailangan mo lang gawin dito ay i-tap ang game icons. Kapag pumasok na ang guests sa hotel, sila ay lalapit kaagad sa reception area. Sila ay babatiin ng receptionist na si Fiona. Kapag may lumabas na key icon, kailangan mong i-click ang pinto ng available na hotel room para doon sila mananatili.

Si Oliver naman ang game character na naka-assign upang mapanatiling malinis at maayos ang hotel rooms. Kapag nag-check out na ang guest, kinakailangan mong i-tap ang cash icon na lilitaw upang makolekta ang coins na iyong kinita. Pagkatapos, agad na i-tap si Oliver upang malinisan at maihanda kaagad ang hotel room para sa mga parating pang guests.

Patuloy na nadaragdagan ang mga serbisyong maaari mong ialok habang nagli-level up ka sa larong ito. Sa mga unang bahagi ng laro, maaari ka lamang mag-alok ng room services. Sa kalaunan, pwede ka na ring magluto at maghanda ng mga pagkain para sa guests.

  • Game Features

Ang larong ito ay may interactive features din na pwede mong gamitin upang makipag-ugnayan sa iba. Sa pamamagitan nito, maaari kayong magbigayan ng extrang energy. Mahalagang magkaroon ng sapat na energy dahil ito ay ginagamit upang magawa mo ang mga kinakailangang task.

  • May booster at upgrade features ka ring pwedeng gamitin sa laro. I-tap ang upgrade icon na matatagpuan sa kaliwang-ibabang sulok ng iyong gaming screen. Dito, maaari mong piliin kung anong kagamitan ang nais mong i-upgrade. Tandaan na kailangan mong gamitin sa madiskarteng paraan ang boosters at upgrades dahil kinakailangan mong gumastos ng coins para sa mga ito.

Pros at Cons ng Hotel Fever: Grand Hotel Game

Maraming manlalaro ang nasisiyahan at nag-eenjoy sa larong ito dahil sa de-kalidad na graphics at animations. Ang simple ngunit mapaghamon nitong gameplay ay kinasasabikan din. Maraming paraan para makakuha ng resources dito kung kaya’t hindi napipilitan ang mga manlalaro na gumamit pa ng in-app resources. Hindi ito nakakainip dahil ang gameplay nito ay fast-paced at nakakahumaling. Ito ay isang mahusay at nakakaengganyong aktibidad at mainam na libangan tuwing break time.

Sa kabilang banda, nangangailangan pa ng karagdagang updates ang larong ito upang maayos ang ilang technical problems. Isa marahil sa mga nakakainis na bahagi ng laro ay ang mabagal na pag-load ng app. Bukod pa rito, puno rin ito ng mga nakakairitang ads. Halos bawat minuto ay naiistorbo ang paglalaro ng marami dahil sa patuloy na paglabas ng ads. Hindi rin ito pwedeng i-skip kaya kinakailangan talagang hintayin na matapos ang mga ito bago makapagpatuloy sa paglalaro. Isa rin ito sa pangunahing dahilan ng pagkabigo ng marami kung kaya’t napipilitan na lamang silang i-uninstall ang app. Sa kalaunan, nagiging paulit-ulit na lamang ang gameplay nito, lalo pa at nawala na rin ang special events nito pagkatapos ng pinakahuling game update. Marami rin ang nakahalata na tila sinasadya ang pagkaantala ng paglabas ng mga alituntunin sa piling game levels.

Konklusyon

Ang Hotel Fever: Grand Hotel Game ay may average rating na 4.6 stars mula sa mahigit sa 8,000 reviews sa Play Store. Sa kabilang banda, mayroon itong 4.7-star rating mula sa mahigit sa 3,000 reviews sa App Store. Para sa Laro Reviews, ang simulation game na ito ay may maayos na kalidad. Subalit, hindi maipagkakaila na matindi ang pagkakapareho nito sa Hotel Mania. Ang gameplay nito ay nakakahumaling, ngunit dahil sa technical issues na lubos na nakakaapekto sa gaming experience ng marami, hindi nito kayang tapatan ang mga mas sikat na larong may kaparehong konsepto.