Solitaire Tripeaks Journey – 2022 Card Games Review

Ang Solitaire Tripeaks Journey – 2022 Card Games ay inilabas noong Hulyo 19, 2021. Ito ay mula sa LETS FUN, na publisher ng match 3 puzzle games. Ang card game na ito ay nag-aalok ng bago at kakaibang solitaire gaming experience na may magical twist.

Tulad ng mga nakagawiang Solitaire Tripeaks game, ang layunin ng mga manlalaro rito ay mailagay lahat ng cards na nasa tableau sa discard pile. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pag-tap sa face-up card na mas mataas o mas mababa ng isang numerical value kaysa sa card na naka-display sa discard pile. Maaaring ang dating nito ay madali at nakakabagot subalit, kapag ito ay nasubukan mo, tiyak na mag-iiba ang pagtingin mo rito. Kahit na ito ay isang solo-player game, ang mga hamon nito ay sapat upang mahumaling ka sa laro.

Paano I-download ang Laro?

Sa kasalukuyan, ang game app na ito ay available lamang sa Play Store para sa Android devices. Sa kasamaang palad, wala pa ito sa App Store kung kaya’t hindi pa ito malalaro sa iOS devices. Kung nais mo namang laruin ito gamit ang laptop o desktop, maaari mong i-download ang APK file nito at gumamit ng lehitimong emulator upang ito ay i-run sa computer. Maaari mo ring gamitin ang mga sumusunod na link mula sa Laro Reviews:

Download Solitaire Tripeaks Journey – 2022 Card Games on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.me2zen.solitaire.tripeaks.harvest.free

Download Solitaire Tripeaks Journey – 2022 Card Games on PC https://www.99images.com/apps/card/com.me2zen.solitaire.tripeaks.harvest.free/download

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Hindi maikakaila na masaya at challenging maglaro ng solitaire. Alam mo bang ito ay nakakatulong sa iyong mental skills? Sa pamamagitan ng regular na paglalaro nito, nagiging matalas ang iyong memorya at mas napapabuti ang iyong concentration at focus. Ito ay isa sa mga pinakapatok na uri ng card game dahil madali itong matutunan at laruin.

Kung naghahanap ka ng offline card game na nakakarelaks laruin, ang Solitaire Tripeaks Journey – 2022 Card Games ay isang magandang alternatibo na pwede mong subukan! Ang game app na ito ay gumagamit ng iba’t ibang card layout. Hindi mo rin kinakailangang mag-sign up o gumawa pa ng account upang masimulan ang iyong stylized Solitaire Tripeaks adventure. Pagkatapos i-install ang app ay pwede ka ng mag-umpisa kaagad sa paglalaro. Upang mas makilalang mabuti ang larong ito, narito ang mahahalagang impormasyong dapat mong malaman:

  • Gameplay

Tulad ng karaniwang set-up ng Solitaire Tripeak, mayroong cards na ilalatag sa gitna o sa tableau. Ang ilan sa mga ito ay naka-face up samantalang ang iba naman ay naka-face down. Ang stockpile at ang discard pile ay matatagpuan sa ibabang bahagi ng gaming screen. Kailangan mong gamiting basehan ang card na nasa discard pile upang i-tap ang angkop na card sa tableau. Tandaan na ang dapat mong piliin ay ang linked card, ito ay mas mataas o mas mababa ng one numerical value sa card na naka-display sa discard pile.

Kung sakaling hindi ka makahanap ng linked card sa tableau, kailangan mong kumuha ng karagdagang card o cards sa stock pile hanggang sa maibalik ang momentum ng laro.

  • Features

Ang ipinagkaiba nito mula sa mga nakasanayang Solitaire Tripeaks ay ang iba’t ibang ayos ng cards sa tableau, hindi kasi ito gumagamit ng eksklusibong pattern na tripeak pyramid. Dadalhin ka rin nito sa isang kakaibang paglalakbay sa gitna ng kagubatan at iba pang bahagi ng game maps. Ang coins na iyong makukuha ay maaaring gamitin upang makapagpatuloy sa susunod na levels at para makabili ng power-ups at boosts. Makikita ang kabuuang halaga ng coins na iyong naipon sa kanang-itaas na bahagi ng iyong gaming screen, katabi ng settings at treasure chest.

Ang Garden feature ng laro ay maaaring i-unlock kapag narating mo ang Level 4. Pwede kang magtanim at mapalago ang sarili mong mga bulaklak at umani ng mga produktong ipagpapalit sa coins. Sa kabilang banda, ang Paster Feature naman maaaring ma-access kapag narating mo ang Level 14.

Kung sakaling mangailangan ka ng karagdagang coins at lucky cards, pwede kang gumamit ng in-app purchases. I-click ang Game Shop icon upang makita ang iba’t ibang packages na pwede mong bilhin. Gayunpaman, huwag kaligtaang gumamit ng tamang diskarte sa paglalaro upang hindi mo na kailanganin pang gumastos ng pera. Hangga’t maaari iwasang gumamit ng boosters at power-ups kung hindi naman talaga kinakailangan upang hindi madaling maubos ang iyong coins.

  • Bonuses at Boosters

Bukod sa regular game levels, mag-eenjoy ka rin sa bonus rounds ng larong ito. Maaari ka pang manalo ng special rewards at karagdagang coins dito. Sa pamamagitan ng paglalaro ng lucky spin, maaari mong madoble ang iyong rewards, makakuha ng boosters at power-ups, o kaya ay manalo ng 3,000 coins.

Bukod sa tamang diskarte, may iba’t ibang boosters na pwede mong gamitin upang malampasan ang hamon sa bawat levels. Ang wild cards ay maaari mong i-link sa kahit anong uri ng card. Sa pamamagitan naman ng +2 cards ay maaari kang makakatanggap ng dagdag na dalawang cards. Gayunpaman, kailangan mong magbayad ng coins kapalit ng paggamit ng boosters na ito. Kung gusto mong makuha ang mga ito nang libre, kailangan mong mag-abang sa boosters na paminsan-minsang lumilitaw sa tableau. Bukod dito, maaari ka ring maglaro online at manood ng ads kapalit ng rewards.

Pros at Cons ng Solitaire Tripeaks Journey – 2022 Card Games

Ang isang aspeto ng laro na talagang hinahangaan ng marami ay ang hindi nito pagkakaroon ng glitches. Mas nakaka-enjoy kasing maglaro ng walang nakakaabalang technical issue. Ang gameplay nito ay simple subalit ang mga hamon ay challenging at nakakahumaling. Hindi tulad ng karamihang solitaire games, patas at balanse ang reward system nito. Wala itong pay-to-win scheme kung saan kinakailangang gumamit ng in-app purchases upang manalo at makapag-level up. Ang graphics at animations na ginamit dito ay kahanga-hanga rin.

Sa kabilang banda, mayroon ding mga kahinaan ang larong ito. Marami ang nagrereklamo sa madalas na paglabas ng mga mahahaba at nakakaistorbong ads kapag sila ay naglaro ng naka-on ang wifi o mobile data. May iilang nakukulangan sa features nito dahil walang opsyon para mai-replay ang nalampasang levels.

Konklusyon

Ang Solitaire Tripeaks Journey – 2022 Card Games ay may average rating na 4.2 stars mula sa halos 2,000 reviews. Para sa Laro Reviews, upang matapatan nito ang ilang kilalang laro na may kaparehong genre, marami pa talagang dapat baguhin at idagdag dito. Gayunpaman, ang app na ito ay nasa beta testing stage pa lang naman kaya’t tiyak na marami pang mga pagbabagong magaganap dito. Kung mahilig kang maglaro ng solitaire o kahit na anong offline casual games, mas mainam kung susubukan mo itong laruin upang makapagbigay ng feedback na makakatulong upang ito ay mas mapaganda pa.