Reporter – Scary Horror Review

Sumikat ang “Amnesia: The Dark Descent” sa horror game dahil sa makabagong gameplay nito. Nagising ang isang hindi kilalang protagonist mula sa isang hindi pamilyar na kapaligiran. Kailangan niyang makahanap ng paraan para makalabas at manatiling buhay sa pamamagitan ng paglutas ng mga puzzle. Hindi tulad sa mga sikat na laro, noong panahong iyon, ang pangunahing tauhan ay walang kapangyarihan at makakaligtas lamang sa pamamagitan ng pagtakas sa mga halimaw, pagtatago sa kanila, o paggawa ng isang task upang maiwasan sila. Sumikat ang formula na ito, at nagbigay inspirasyon sa maraming developer ng laro, gaya ni Igor Migun, sa kanyang larong pinamagatang Reporter – Scary Horror Game. Ito ay may pagkakatulad sa Amnesia: The Dark Descent, ngunit mayroon itong sariling kwento.

Ang iyong karakter ay isang reporter na naghahanap ng impormasyon tungkol sa misteryo ng mga pagpatay na nananatili sa kanilang maliit na bayan. Tinangka ng mga pulis na itago ito sa mga tao, ngunit nakuha mo ang lokasyon ng mga bangkay. Ang lahat ng mga kaguluhang ito ay hinimok ang iyong karakter na simulan ang iyong journalistic na pananaliksik sa lumang ospital at hanapin ang katotohanan. Pagkatapos ay nagkamalay ang reporter at natagpuan ang kanyang sarili sa banyo, at dito na nagsimula ang laro. Gamit ang iyong smartphone, bilang iyong pinagmumulan ng liwanag, kailangan mong maglakad sa madilim na mga pasilyo at lutasin ang puzzle upang sumulong, maka-survive hanggang wakas sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga halimaw, at malutas ang katotohanan tungkol sa kanila at sa pangyayari.

Features ng Reporter – Scary Horror Game

May tatlo itong mga setting ng wika: English, Russian, at Portuguese. Ngunit available lamang ang voice acting sa Russian, kaya kailangan mong basahin ang iyong gustong wika habang nakikinig sa dialogue. May pagkakatulad ang laro sa Amnesia: The Dark Descent, ngunit may mas mataas na graphics at available lang sa mga mobile phone. Iba ang kwento nito kung ikukumpara mo sa laro. Ngunit makikita mo ang pagkakatulad nito sa iba pang mga larong hango sa Amnesia: The Dark Descent.

Mula sa first-person point of view, kailangan mong lutasin ang mga puzzle o maghanap ng item gaya ng susi upang mabuksan ang mga naka-lock na pinto. Habang sumusulong ka sa laro, malalampasan mo ang misteryo sa pamamagitan ng paghahanap ng lahat ng mga clue. Kung ang lampara ang iyong pinagmumulan ng liwanag sa Amnesia: The Dark Descent at sa iba pang mga clone na laro nito, sa Reporter – Scary Horror Game, ang iyong smartphone ang pinaka makatwirang gamitin. Maaari kang mag-click sa mga item, pagkatapos ay i-swipe ang screen upang paikutin at obserbahan ang mga ito.

Dahil horror game ito, asahan ang mga isang eksenang hinahabol ka ng mga halimaw. Subukin ang iyong tapang sa pamamagitan ng paglalakad sa isang madilim na pasilyo habang nakikinig sa nakakatakot na kapaligiran. Ngunit ihanda ang iyong mahinang puso para sa pinaka nakakatakot na bahagi ng laro: sandamakmak na loading screen.

Saan pwedeng i-download ang Reporter – Scary Horror Game?

  • Download Reporter – Scary Horror Game on android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.agaming.reporter
  • Download Reporter – Scary Horror Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/reporter-the-beginning/id1210190580

Tips at Tricks sa Paglalaro

Ang Reporter – Scary Horror Game ay may pagkakatulad sa ibang mga escape room ngunit sa nakakatakot na kapaligiran. Hindi mahirap lutasin ang mga puzzle, kaya hindi mahirap makaalis sa isang kabanata. Ngunit may mga pagkakataong mabibigo ka sa paggawa ng isang gawain dahil may nalampasan kang isang bagay o nataranta dahil sa humahabol na soundtrack. Ayon sa Laro Reviews, ito ay magbibigay sa iyo ng mga gabay at tips upang mas mabilis matapos ang larong ito.

Sabihin nating nakakita ka ng stuffed toy o isang piraso ng papel na may mga numero o simbolo. May ideya kang gamitin ito para i-unlock ang isang pinto, kaya kinabisado mo ang mga code dahil malaki ang tiwala mo sa sarili. Habang naghahanap ng mga pahiwatig sa isang hindi kilalang lugar, may nakasalubong kang isang hindi nakikilalang kasuklam-suklam na bangkay na naglalakad sa iyong direksyon. Hindi nakatutulong ang matinding musika dahil ito ay pumupukaw lamang ng iyong damdamin habang nagmamadali ka sa naka-lock na pinto. Inilagay mo ang code, ngunit mali ito. Sinubukan mo ang isa pang kumbinasyon ngunit walang pagbabago. Dahil dito, kailangan mong bumalik sa kung saan mo nakita ang code habang iniiwasan ang gumagala na halimaw. Isulat ang mga code dahil magbibigay ang laro ng oras upang gawin ito. Minsan, kailangan mong kumuha ng screenshot dahil magkakaroon ng bahagi ang laro kung saan kailangan mong i-decode ang mensahe.

Related Posts:

Hidden Folks Reviews

League of Stickman 2 – Sword Demon Review

Pros at Cons ng Reporter – Scary Horror Game

Walang mga pagkukulang ang laro sa mga animation at nakakatakot na ambiance. May mataas itong graphics kumpara sa iba pang mga mobile game. Hindi ito naging monotonous dahil sa wastong pagpapatupad ng mga tensyon. Naging mas mahusay ito kaysa sa iba pang mga laro dahil sa tahimik na kapaligiran at ang mas kaunting jumpscare. Disente rin ang mga puzzle na kailangang lutasin kaya hindi ito masyadong madali. Maa-access mo ito offline kung kaya’t maaari mong malaro sa iyong mobile phone kahit saan. Maaari mo na ngayong takutin ang iyong sarili habang nagpapalipas ng oras.

Mayroon itong magandang premise dahil hindi mahirap malaman na ang iyong karakter ay isang reporter at ang kanyang layunin ay maghanap ng impormasyon tungkol sa mga pagpatay. Gayunpaman, nakakadismaya ang pagtatapos, at hindi ito makatuwiran. Sa lahat ng mga pahiwatig na mayroon ka, inaasahan mong matuklasan ang katotohanan tungkol sa pinagmulan ng mga halimaw. Gayunpaman, sinubukan ng developer na ibahin ang mga inaasahan gamit ang hindi makatarungang plot twist. Nangangailangan ang kwento ng higit pang pagpapahusay at mas magandang plot twist.

Hindi nakakatakot ang laro dahil nabigo nito akong makilabutan.Bigla-bigla na lamang itong nanggugulat kahit na hindi naman kailangan. Walang masyadong makikita sa larong ito ngunit maraming mga loading screen.

Konklusyon

Huwag bilhin ang larong ito kung mataas ang iyong inaasahan para sa mga nakakatakot na laro tulad ng makabagong gameplay o isang nakakahumaling na plot twist. Mayroon itong linear na kuwento ngunit wala naman itong komplikadong mga clue, kaya hindi mahirap umusad. Wala pang P100 ang presyo nito, kaya hindi na masama para sa horror game. Namumukod tangi ito dahil sa mataas na graphics para sa isang mobile game at nagbibigay ito ng nakakatakot at hindi komportableng kapaligiran habang naglalaro. Ngunit hindi naisagawa ang kwento nang maayos. Kung gusto mo ng isa pang abot-kayang laro ng Amnesia: The Dark Descent sa mobile, sapat na ang larong ito para sa karanasan.

Laro Reviews