Words of Wonders: Crossword Review

Words of Wonders – Ang crossword puzzle ay karaniwang binubuo ng isang parisukat o parihabang crisscross ng puti at itim na mas maliliit na parisukat. Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pahiwatig na humahantong sa mga solusyon, ang layunin ng laro ay punan ang mga puting parisukat ng mga titik na bubuo ng mga salita o parirala.

Ang larong ito ay napakasikat dahil sa mga mahilig sa brain teaser at quiz bee games. Karaniwang makikita ang mga krosword sa mga pahayagan at karaniwan itong nilalaro ng mga grown-ups at matatanda saan mang panig ng buong mundo.

Karamihan sa atin ngayon, anuman ang edad ay nagiging interesado na sa paglalaro ng mga mind games tulad ng mga crosswords. May ilan pa ngang naghahanap ng mga bagay na naiiba sa isang normal o karaniwang crossword puzzle. Dito sa Words of Wonders, “pang-next level” crossword puzzles!

Ang WOW ay ang maikling pangalan para sa larong Words of Wonders. Ang laro ay binuo ng mga malikhaing developer ng Fugo Games at Naya Games na unang inilunsad sa Facebook App Center noong Marso 2013.

Ang Words of Wonders ay isang crossword puzzle game na hindi lamang magbibigay sa iyo ng saya at kaalaman, ililibot ka rin nito sa seven wonders of the world.

Layunin ng Laro

Ang layunin ng laro ay pahusayin ang iyong kasanayan sa bokabularyo, alamin ang pitong pinakamagagandang lugar sa mundo, lutasin ang lahat ng mga puzzle, at magsaya sa paglalaro ng crossword puzzle!

Paano Simulan ang Paglalaro ng Words of Wonders: Crossword to Connect Vocabulary?

Magiging madali ang unang bahagi ng laro dahil pagdadaanan mo ang tutorial na magtuturo kung paano maka-connect, maglaro at sumagot ng puzzles.

Pagkatapos ng tutorial, ang laro ay magbibigay sa iyo ng ilang mga titik upang magsimula. Ang mga titik na ito ang magiging pahiwatig mo kung ano ang magiging mga salita o parirala na kakailanganin mong punan sa mga parisukat. Gamitin ang mga titik na iyon upang makabuo ng mga bagong salita at hanapin ang mga sagot sa crossword. May mga salita na iniisip mo ngunit sa kasamaang palad ay hindi bahagi ng palaisipan. Kaya, kailangan mong hulaan at hanapin ang tamang salita sa puzzle.

Ang bawat palaisipan ay magbubukas ng seven wonders of the world tulad ng The Great Pyramid of Giza, The Hanging Gardens of Babylon, The Coloso de Rodas at iba pa. Kailangan mong punan ang progress bar sa bawat dulo ng puzzle para makapaglakbay ka sa susunod na destinasyon.

May mga salita na itinuturing na bonus na mapupunta sa bonus piggy bank para sa higit pang mga reward.

Huwag pansinin ang posisyon ng mga salita kung sila ay nasa tapat o pahalang o patayong linya dahil awtomatikong ilalagay ng system ang mga salita o parirala sa nararapat na lugar nito.

Paano i-download ang Laro?

Ang laro ay maaari lamang laruin online sa mga Android at iOS device. Maaari mong hanapin ito gamit ang pamagat ng laro sa Google Play Store para sa mga gumagamit ng Android o sa AppStore para sa mga gumagamit ng iOS.

Maaari mo ring i-click lamang ang mga link sa ibaba upang i-download ang laro.

  • Download Words of Wonders: Crossword to Connect on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.fugo.wow
  • Download Words of Wonders: Crossword to Connect on iOS https://apps.apple.com/us/app/words-of-wonders-crossword/id1369521645

Mga Hakbang para Gumawa ng Bagong Account sa Words of Wonders: Crossword to Connect

Maaari mong laruin ang crossword nang hindi nagsa-sign in. Gayunpaman, kung gusto mong mag-sign in, maaari mong gamitin ang iyong Facebook Account nang sa gayon ay maimbitahan mo ang iyong mga kaibigan na maglaro upang makakuha ng mga reward gaya ng 250 diamonds na magagamit mo para makakuha ng hints.

Tips at Tricks Kapag Naglalaro ng Words of Wonders: Crossword to Connect

Ang Giza Pyramid level one puzzle ay magbibigay lamang sa iyo ng tatlong titik. Subukang baybayin muna ang titik na iniisip mo at ikonekta ang mga ito at tingnan kung uubra ang mga iyon. Maaari mong subukan ang maraming salita hangga’t maaari dahil hindi ka naman mawawalan ng anumang buhay sa larong ito.

Habang nag-level up ka, tataas ang mga letra ng puzzle pati na rin ang mga square tile. Huwag magmadali kapag naglalaro at mag-isip nang mabuti. Kung ang salitang iyong iniisip ay wala doon, huwag mag-alala dahil ito ay mase-save bilang isang bonus na salita na maaari mong kolektahin para makakuha ng higit pang mga premyo sa sandaling mapuno ang alkansya.

Kung hindi mo mahanap ang mga salita, maaari mong i-shuffle ang mga titik, marahil sa paraang iyon ay makakahanap ka ng tamang salita o tamang parirala upang malutas ang puzzle.

Kung natigil ka, gamitin ang pindutan ng pahiwatig upang ipakita ang mga titik. Maaari mong simulan ang pagbubunyag ng unang titik at alamin ang iba pa. Ang mga pahiwatig ay katumbas ng isang daang dyamante bawat isang titik kaya maging wais sa paggamit nito.

Sa sandaling mahasa mo ang iyong mga kasanayan sa pagbabaybay, hanapin ang spelling-bee na may malaking premyo o reward at magagamit mo ang lahat ng iyong kinita upang i-unlock ang iyong gustong destinasyon.

Ang mga Kalamangan at Kahinaan ng Laro

Ang laro ay tiyak na magpapahusay sa iyong bokabularyo at mga kasanayan sa pagbabaybay. Magagawa mong maglakbay at makita ang seven wonders of the world gamit lamang ang iyong smartphone. Hindi na kailangan lumabas o gumagastos ng malaki.

Ang Words of Wonders ay isang magandang libangan at ito ay nagsisilbing kasangkapan upang mapaunlad ang iyong mga kasanayan sa pagsusulat at paglutas ng mga problema.

Tiyak na susubukan ng laro kung gaano kalawak ang iyong bokabularyo at hahamunin nito ang iyong pag-iisip. Susukatin rin nito ang iyong galing sa paggamit ng mga kumbinasyon at maging ang kasanayan sa paghahanap ng paraan para malutas ang jigsaw puzzle.

Sa bawat antas ay may mga nakatagong sikreto. Nakakamangha na nandito na sa iisang app ang iba’t ibang kategorya ng mga laro!

Ang laro ay mayroon ding multiplayer. Maaari kang makipaglaro sa iyong mga kaibigan o pamilya at bumuo ng isang malakas na koponan na may 2-4 na manlalaro at hanapin ang lahat ng mga parirala at salita. Maaari ka ring makipagkumpitensya sa iyong mga kaibigan upang manguna sa leaderboard.

Related Posts:

Toca Kitchen 2 Reviews

Pop it Fidget Toys 3D Review

Kahit na totoong marami ang matutunan sa laro, mayroon din itong ilang kapintasan. Ang mga ads ay madalas pasulput-sulpot ay nagdudulot ng inis sa mga naglalaro. Gayunpaman, ito ay dapat intindihan sapagkat ito lamang ang paraan upang kumita ang laro bukod sa mga in-app purchases. May mga pagkakataong kapag nag-upgrade ay naa-uninstall ang laro at kailangang i-install ulit. At dahil walang opsyon sa pag-sign in o pagsi-save ng progreso, kailangan mong magsimula muli sa umpisa.

May ilang in-app items na hindi gumagana gaya ng mga paputok. May mga pagkakataon din na ang mga reward sa spin ay hindi lumilitaw sa iyong account o sa laro.

Konklusyon

Ito ang bagong panahon ng mga crossword puzzle. Hindi mo kailangang bumili ng mga pahayagan o maghintay para sa bagong edisyon ng paborito mong crossword puzzle book dahil maaari mo na itong laruin gamit ang iyong mobile phone. Maaari ka ring makipaglaro sa iyong mga kaibigan at tulungan ang isa’t isa na mahanap ang mga tamang sagot.

Laro Reviews