Maraming paraan ang pwede mong gawin kung gusto mong dagdagan ang iyong kaalaman, mapalawak ang iyong isipan at mapalago ang iyong bokabularyo. Maaari kang magbasa ng mga libro o manood ng mga palabas na kapupulutan ng aral. Ngunit kung gusto mong sanayin ang iyong isipan at matuto ng bagong bokabularyo habang naglalaro, pwede mong subukan ang Word Life – Crossword Puzzle. Ito ay nilikha ng Social Point at opisyal na inilabas noong taong 2019 sa Google Play Store at App Store.
Ang Word Life – Crossword Puzzle ay isang crossword at anagram game. Ang ibig sabihin ng crossword ay kailangan mong hahanapin ang mga salitang hinihingi sa laro. Samantala, ang anagram naman ay ang pagsasaayos ng mga pinaghalo-halong titik o salita. Dagdag pa riyan, pwede mo ring i-download ang larong ito ng libre. Bukod sa wala itong bayad, ito rin ay isang offline game kaya hindi mo na kailangan ng data o internet connection.
Sa larong ito, magiging malawak ang iyong kaalaman sa mga salita. Matututuhan mo rin na isaayos ang mga titik at ilagay sila sa tamang pwesto. Sa nakakaaliw at kapaki-pakinabang na larong ito, tiyak akong magugustuhan mo ang Word Life – Crossword Puzzle.
Features ng Word Life – Crossword Puzzle
Mahusay na graphics – Ang larong ito ay may mahusay na disenyo. Nakaka-relax ang bawat scenery sa kada level ng laro. Ang mga disenyo ay nakabase sa magagandang kapaligiran at kalikasan. Maayos ang pagkakalapat ng graphics sa laro kaya mas nakahihikayat itong laruin.
Maraming levels – Maaari mong buksan ang mahigit sa 6000 na level sa larong Word Life – Crossword Puzzle. Hindi ka magsasawa sa dami ng level na handog nito para sa mga manlalaro. Matututo ka pa at madadagdagan ang iyong kaalaman sa paglalaro.
Daily Brain Training – Bukod sa paghahanap at pagsasaayos ng mga salita, mayroon ring daily brain training ang Word Life – Crossword Puzzle. Sa mode na ito, may new grammar challenges at daily puzzles na dapat mong gawin araw-araw. Maaari kang makakuha ng items at rewards sa paglalaro mo nito.
Makipaglaro sa mga kaibigan – Bukod sa single player mode ng laro, pwede mo na rin itong laruin kasama ang iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng friendly matches. Mas masaya at kapana-panabik ang laban kapag may kasama.
Events galore – Kilalanin si Katie the cat at bigyan siya ng word cookies na parang nag-aalaga ng pet sa laro. Pwede ka ring maglaro ng mga trivia at tournament sa mode na ito. Para mabuksan ito, kailangan mo munang maglaro at manalo sa bawat level.
Customize your game – Sa larong ito pwede mo ring i-customize ang mga disenyo at word tiles na gagamitin mo depende sa gusto mo. Ang ilan sa mga kulay na pwede mong pagpilian ay rainbow crystal, red, vanilla pink, indigo blue, lime blue, turquoise, purple, lavender gray at marami pang iba. Malaya ka ring piliin ang avatar na gusto mo sa laro.
Saan Pwedeng I-download ang Word Life – Crossword Puzzle?
I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:
Download Word Life – Crossword Puzzle on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=es.socialpoint.wordlife
Download Word Life – Crossword Puzzle on iOS https://apps.apple.com/us/app/word-life-crossword-puzzle/id1418492982
Download Word Life – Crossword Puzzle on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-es.socialpoint.wordlife-on-pc.html
Tips Kung Nais Laruin ang Word Life – Crossword Puzzle
Kung ikaw ay baguhan pa lamang at nagnanais na laruin ang Word Life – Crossword Puzzle, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo.
Para sa mga bagong manlalaro, kailangan mo munang sumang-ayon sa mga inihaing pamantayan ng laro. Pagkatapos mong tanggapin ang kanilang mga tuntunin at patakaran, mayroong gagabay sa iyo kung ano ang dapat mong gawin. Simple lang ang gagawin mo, tuturuan ka lamang nitong kung paano mo dapat laruin ang Word Life. Sundan lamang ang itinuturo at basahin ang sinasabi sa direksyon para mabilis mong maunawaan ang daloy ng laro.
Sa larong ito kailangan mong punuin ang crossword ng mga salita mula sa pinaghalo-halong titik. Kapag napuno mo ang mga blangkong kahon ng mga salita, makukuha mo na ang iyong premyo at makakapunta ka na sa susunod na level.
Para makakuha ng mas maraming rewards at items, laruin ang mga bonus level sa larong ito. Ang isa sa bonus level ng larong ito ay ang grammar challenge. Sa mode na ito masusubok ang iyong galing pagdating sa grammar. Pipiliin mo lang ang tamang salita na hinihingi sa bawat pangungusap. Ito ay may tatlong katanungan na dapat mong sagutin sa loob ng tatlong minuto lamang. Mas maraming tamang sagot, mas malaking premyo ang makukuha.
Mayroon din mga hints ang larong ito na pwede mong magamit. Pindutin lamang ang hugis ilaw na larawan kung nais mo ng tulong dahil naubusan ka na ng ideya sa mga salita. Magpatuloy lang sa paglalaro upang makakuha ng maraming coins, makabili ng iba’t ibang items at mabuksan ang ibang mode ng laro.
Pros at Cons sa paglalaro ng Word Life – Crossword Puzzle
Para sa Laro Reviews, ang Word Life – Crossword Puzzle ay isa sa mga larong makakatulong para tumalas ang iyong isipan. Bukod sa nakaka-relax at masaya itong laruin, nagkakaroon ka pa ng bagong kaalaman araw-araw. Dagdag pa rito, ang ganda ng tema, graphics, visual at sound effects na inilapat sa buong laro. Ito rin ay nasa pangatlong pwesto bilang top free word games sa Google Play Store.
Dagdag pa riyan, ang larong ito ay nakatanggap din ng iba’t ibang reviews. Ayon sa mga komento, nagustuhan nila ang laro dahil natutunan nila ang basics sa grammar at spelling. May mga komento rin na masaya at nakakaadik laruin ang Word Life – Crossword Puzzle. Subalit ang pinakapangunahing problemang nararanasan ng mga manlalaro ay ang dami ng ads na lumalabas. Hindi lamang isa, kundi dalawa o higit pa ang mga ads na umaabot ng 10 hanggang 20 segundo ang tagal ng mga ito. Ito ay nakakaabala at nakakaubos ng oras para sa mga manlalaro.
Ang Word Life – Crossword Puzzle ang may mga in-app rin na produkto. Nagkakahalaga ito ng ₱56 hanggang ₱2,806. Maaari kang bumili ng mga items gamit ang tunay na pera. Subalit pwede mo naman i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting ang in-app na pagbili.
Konklusyon
Sa kabuuan, ito ay masaya at kapanipakinabang na laro na makakatulong sa isipan ng bawat indibidwal. Ngayon, mayroon itong 4.4 out of 5 ratings sa Google Play Store, may 176 na libong reviews at umabot na sa mahigit 10 milyon downloads. Ibig sabihin marami na ang nakapaglaro nito at patuloy na naglalaro hanggang ngayon. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman pa ang iba pang impormasyon, i-download mo na ang Word Life – Crossword Puzzle sa iyong devices!