Heroes Empire: The Card Game (TCG) Review

Ang Heroes Empire ay isang collectible card game na naglalayong gumawa ng sariling imperyo at makapag-ipon ng mas maraming collectible hero card game o CCG upang makabuo ng decks sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang taktika at estratehiya. Ang larong ito ay pinagplanuhan at binuo ng FrozenShard Games, isang Indie Studio na itinatag noong Setyembre 2021 sa Barcelona. Ang layunin ng kumpanyang ito ay gumawa ng isang competitive at libreng mid-core games. Ang Studio ay nakakapag palabas na ng limang iba’t ibang pamagat at features ng laro sa iOS at ang pinakabagong bersyon nito ay ang tinatawag na Heroes Empire: TCG- Card Adventure Game noong August 30, 2021.

Sa paglalaro ng card games, pwedeng pagpilian ng manlalaro ang TCG o CCG. Sa kabilang dako, ang paglalaro ng Heroes Empires: TCG – Collectible Hero Card Game (CCG) ay hango sa isang round-based gameplay na nagbibigay ng maraming strategic possibilities upang maabot ang tagumpay kaya higit na kinakailangan na pinaghahandaan ng mga manlalaro ang mga taktikang gagamitin. Sa pamamagitan nito, mararanasan ng manlalaro ang makipagtunggali sa mga card heroes katulad nina Spartacus at iba pang Greek mythology card heroes o makipaglaban sa mga ancient generals o sakupin ang Rome.

Sa pagsisimula sa TCG, maaari kang mag-recruit ng iyong mga heroes na may tema ng kasaysayan at mitolohiya upang bumuo ng iyong sariling army katulad ni King Arthur, Alexander the Great, Spartacus, Leonidas, Hercules, Achilles at marami pang mythological at historical heroes sa pamamagitan ng pagpili ng iyong sariling mga card heroes. Sa larong ito, maaari kang bumuo ng iyong Castle. Kailangan mo lamang buksan ang mga special reward at maghanap ng iba pang mapagkukunan. Upang maipanalo ang larong ito, bubuo ka ng sarili mong army mula sa mga sikat at iba’t ibang sibilisasyon na pwede mong pagpilian katulad ng Greek, Romans, Aztecs, Vikings, Ancient Japan, China at iba pa. Ang larong ito ay may katangian na bigyan ang mga manlalaro ng kakayahang bumuo ng makapangyarihang alyansa ngunit sa huli ay kailangan kalabanin ang isa’t isa upang mapagtagumpayan at makuha ang top rank. Ang manlalaro ay maaari ring maging parte ng iba’t ibang TCG theme Adventures upang mas maging kawili-wili ang battleground para sa mga manlalaro. Ito ay isang fast online PvP duels na pinagsama ang samu’t saring historical at mythological heroes.

Simple lamang ang larong ito dahil kailangan mo lamang mag-ipon ng pera sa laro at bumili ng mga magandang card sa shop mismo ng laro. Pag-isipan ang estratehiya at tiyak na magkakaroon ka ng disenteng decks. Kailangan pinag-iisipang mabuti ang mga estratehiya na gagamitin sa larong ito at sa pagpili ng mga card heroes na magiging parte ng inyong army o empire. Upang mas maging exciting at challenging ang larong ito at maiwasang mabagot, maaaring hamunin ang sarili sa mga iba’t ibang quest ng laro.

Subalit kahit libreng i-download ang larong ito, meron itong add-ons na pwede mong bilhin katulad ng Heal, VIP offer, Lives Refill, Strongbox Gold, Extra Turns, Chest of Gold, Mystic Pack (kakaibang offer), Large Pile of Gold, Divine Hero (kakaibang offer) at Mythical Hero Pack (kakaibang offer) upang magkaroon ka ng lamang o edge sa larong ito laban sa mga historical or mythological heroes.

Saan maaaring i-download ang laro?

Download Heroes Empire: The Card Game (TCG) on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=air.com.fs.mythologies&gl=US

Download Heroes Empire: The Card Game (TCG) on iOS https://apps.apple.com/us/app/heroes-empire-tcg/id990980891

Features ng laro

  • Free-to-play – Isa sa mga feature na taglay ng larong ito ay ang accessibility, maari itong mai-download o mai-install sa pamamagitan ng mga platform katulad ng iOS, at Android.
  • Can be played online and offline – Ang TCG ay nagbibigay ng grounds sa online at offline mode dahil hindi nangangailangan na palaging online ang players upang laruin ito. Dahil sa two-mode platforms nito, mas nagiging accessible ang deck building games.
  • Has never-ending TCG game campaign – Dahil sa campaigns nito, mas nagiging challenging ang game. Mayroon din itong balance updates kada level upang mas maging exciting ang laro.
  • Quest, dungeons, PVP and more – Marami ring rewards, resources at challenges na pwedeng pagpipilian ng mga manlalaro ayon sa kanilang interes.

Pros at Cons ng laro

Maging ang Laro Reviews ay sumang-ayon na ang collectible card game na ito ay dumaan sa masusing pagpaplano at pagbuo ng mga kakaiba at kapaki-pakinabang na mga feature na tiyak na magdudulot ng aliw sa mga manlalaro lalo na at ito ay may TCG theme Adventures na nagbibigay ng oportunidad sa mga manlalaro na makipaglaban sa nakakamanghang Roman Colosseum o bisitahin ang misteryosong isla ng Avalon. Ang TCG ay isa sa pinakamagandang collectible card games. Binibigyan nito ng oportunidad ang mga manlalaro na magbalik-tanaw at makipag-bakbakan sa mga ancient hero sa kasaysayan.

Sa kabilang banda, ang larong ito ay mayroon ding hindi kanais-nais na katangian gaya ng wala itong friend list na maaari mong imbitahan ang iyong mga kakilala. Ang offline mode ng larong ito ay nangangailangan na magkaroon ng parehong features sa online mode maliban sa pagkakaroon ng PVP, at mas maganda kung ang lahat ng card games ay magiging accessible kahit naka offline mode.

Konklusyon

Kapag kabisado na ng manlalaro ang daloy at technique ng TCG, maaari ng i-upgrade ang card game at subukan ang iba pang nakakapanabik na laro. Marami ng versions o update ang card games at ilan sa mapapagpilian nito ay ang Star Quest: TCG, World War II: TCG, Monster Battles: TCG, Magic Quest: TCG at iba pa. Dahil ang card games ay free-to-play at downloadable sa online platforms, maari nang i-level-up ang laro at gumawa ng mas malakas at makapangyarihang army o empire na nais mo. Kapag mas marami ang perang naipon sa larong ito, mas malaki ang tsansang makapili ng mga magaganda at malalakas na card hero upang mapagtagumpayan ang card game at makuha ang top rank. Bagaman may kahinaan ang larong ito, hindi parin maikakaila ng Laro Reviews na wala ka ng hahanapin pa sa features ng Heroes Empire: The Card Game (TCG), kaya naman huwag ng magpahuli pa at i-download at install na ang kakaibang card game na ito.